Lumalagaslas ang malamig na tubig mula sa shower at agad iyong dumampi sa mainit na katawang nakatutok doon. Agad na nagtama ang tubig at katawan at ang init ay napawi. Ngunit mapapawi ba ang dalamhati sa pusong nangungulila? Masasabi nga nilang ang tubig ay maraming kayang lunasan, ngunit ‘di nito kayang maarok ang pusong naghahanap ng isang bagay na dati ay bahagi nito.
Sampung taon pa lamang si Fernan nang malaman niyang kakaiba ang kanyang pagkatao sa kanyang mga kalaro. Hindi siya nakakakuha ng kagalakan mula sa laro ng kanyang mga kaibigang mga lalaki. Pakiramdam niya sa halip na masiyahan siya ay lalo pa siyang nasasaktan at napapagod. Mas ginugusto pa niyang makisali sa mga laro ng mga babae. Masayang-masaya siya kapag naglalaro siya ng mga manika, lutu-lutuan, bahay-bahayan at Chinese garter. Doon niya rin natuklasan ang kakaiba niyang pagkatao. Na isa rin siyang babae – tulad ng mga kalaro niya – pero nakakulong sa isang katawan ng lalaki.
Lumaon ang mga araw at ang mga araw ay lumipas sa taon. Ganap nang sumibol ang pagkatao ni Fernan. Pilit siyang binabago ng kaniyang ama, na siya na lang niyang kasama sa buhay mula nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak sa kaniya. Ngunit lahat ng pagsisikap ng kanyang ama na siya’y mabago ay napunta lamang sa wala. Sumuko na lamang ang kanyang ama isang araw at tinanggap na kahit naman “ganoon” si Fernan ay anak niya pa rin naman ito.
Nakaranas ring umibig at ibign si Fernan. Ngunit dala ng kanyang pagiging “ganoon”, hindi rin nagtagal ang kanyang mga pakikipagrelasyon. Doon nga lamang kaya sa kama liligaya si Fernan? Na oo nga at mainit at mapusok ang kanyang kapiling sa kama ng mga panahong iyon, maaari ring sa isang ihip ng hangin ay mawala ito. Sapagkat hindi naman siya tunay na babae at wala siyang tunay na butas ng kaligayahan. Wala rin siyang kakayahang magbunga ng supling na siyang pinapangarap ng maraming lalaki.
Kakaiba si Redentor sa lahat ng kanyang minahal. Bago lamang sa buhay niya si Red. Nakilala niya ito sa isang party. Para kay Fernan, iyong unang sulyap niya sa lalaki ay alam niya nang magkakasundo sila. Kakaiba ang kuryente nang sila ay magkatinginan at mas lalo pang kuryente ang sumambulat nang sila ay magkakilanlan nang pormal.
Hindi na sila nagkahiwalay nang gabing iyon at mula sa party, dumiretso sila sa isang pribadong lugar upang mas pasabugin ang higit na kuryenteng manggagaling sa kanilang mainit na katawan.
Doon sa pribadong silid na iyon natikman ni Fernan ang sarap ng sariwang hamog. Nalasap niya rin ang kakaibang sensasyon nang siya ay pasukin at mistula siyang babae sa bawat labas-masok na iyon ng lalaking kapiling.
Ngunit hindi doon natapos ang kanilang relasyon. Matapos ang makasaysayang gabing iyon para sa kanila ay hindi na rin sila mapagwalay. Noong una’y sa bahay muna nina Fernan nakatira ang dalawa, ngunit dala ng pagkakonserbatibo ng ama nito ay napilitan silang lumipat at magsarili. Sa pagsasarili nila, mas lalo nilang nakilala ang kanilang mga sarili.
Hindi sapat ang kinikita ni Fernan bilang isang kawani sa opisina. At ang dating nakagarahe sa bahay na si Red ay napilitan na ring makibaka sa tunay na mundo upang pareho silang makaraos. Una’y pumasok bilang service crew itong si Red ngunit nang mapansin ni Fernan na nilalandi ng manager na bading ang kanyang karelasyon ay pinatigil na lamang niya ito sa trabaho.
Alam naman nating ang relasyon ay hindi isang kama lang ng rosas. Siyempre’y may tinik din sa bawat daan at may balakid sa bawat paraiso. Nagkaproblema ang dalawa, parikular doon sa kanilang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Nauwi sa away at sakitan ng damdamin ang mga problemang pilit silang inilulubog. Ngunit dala ng init ng kanilang pagmamahalan ay agad rin naman nilang naresolba ang lahat. At ang bawat pagbabati na iyon ay nasusundan ng mainit na pagtatalik.
Lumaon at sumuko ang katawan ni Red sa matinding pagsubok ng buhay. Naratay ito sa karamdamang hindi malunasan ng anumang gamot. Muli, lumapit si Fernan sa kanyang ama upang humingi ng tulong pero ayaw siyang sagipin nito. Ipinamukha nito sa anak na kung ganoon ang pinili niyang buhay, magdusa siya sa ganoon.
Lumala nang lumala ang karamdaman ni Red at dahil sa bugbog na nga ang mortal na katawan ng binata’y sumuko na ito sa hirap ng mundo.
Malakas ang ulan sa siyudad ng gabing iyon. Marahang tumatangis si Fernan sa pagkawala ng minamahal at parang nakikiramay din ang masamang panahon sa kanyang pagdadalamhati. Mahal na mahal niya si Red at minahal din siya nito. Masuwerte siya dahil kakaunti lamang ang taong nakakatagpo ng tunay na pagmamahal. Subalit naroon ang lungkot sa kanyang puso dahil mahirap pakawalan ang pagmamahal na katulad ng kay Red. Sa huli, babaunin niya sa kanyang alaala ang masasayang araw nila ng binata. Bukas ay panibagong hamon na naman ngunit pagkatapos ng ulan ay sisikat din ang araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
July
(24)
- Huling Yakap
- Maikling Kuwento: Maging ang Langit ay Lumuha
- Minalabac: Physical and Biophysical Resources
- Making Money With Your Website
- From Protest to Participation: Accountability Refo...
- From Protest to Participation: Accountability Refo...
- From Protest to Participation: Accountability Refo...
- Moonless Night
- Tula: Ang Lider ng mga Buwaya
- Tula: Paghawan
- Tula: NOKIA 4500
- Tula: Sa Kuko ng Lawin
- Making Passive Income from myLot
- UP Astronomical Society
- Making Earnings From Paid-To-Click Sites
- Social Networking That Pays
- A Matter of Life and Death
- Low freshman enrolment rate in UP blamed on 300% t...
- Qyao - Yours Revenue Engine
- Philippine Education Crisis
- Earn Money with Google Adsense !
- Same Sex Marriage in California
- California Judges Say “Go Get Gay Married!”
- Pag-uwi sa Ragay Gulf Coastal
-
▼
July
(24)
No comments:
Post a Comment