Usap-usapan ngayon hindi lang sa mga sulok ng Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ang kontrobersyal na GRP-MILF Memorandum of Agreement on Ancestral Domain at ang plano ng gobyerno na baguhin ang sistema ng pamahalaan tungo sa Federalismo para maisaayos ang mga gulo sa Mindanao.
Hindi kasi tanggap ng mga kapatid nating Muslim, mga lumad, at iba pang mga tribu sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng ating bansa ang imperyal na pamamahala ng gobyerno sa Maynila, kaya naisip ng ilang mga pulitiko at mga sektor na nagnanais na maayos na ang gusot sa Mindanao ang Federalismo.
Sa Federalismo, magkakaroon ng kontrol sa kanilang pamahalaan ang iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas, lalo na ang rehiyon ng Mindanao na matagal nang sinisingil mula sa gobyerno ng mga kapatid nating Muslim.
Pero ano nga ba talaga ang Federalismo? Ang ibig sabihin nito ay ay pagkakaroon na ng mga hiwalay na estado o regional government, mapupunta na sa bawat rehiyon ang kontrol sa kanilang ekonomiya at pulitika nang hindi na maaaring pakialamanan ng sentrong pamahalaan sa Maynila.
Maganda ito para sa Mindanao kung saan napakalaki ng ekonomiya roon lalo na sa larangan ng agrikultura, minahan at iba pang mga industriya. Ganoon din para sa mayayamang rehiyon gaya ng Metro Manila, Calabarzon at iba pa.
Subalit para roon sa mahihirap na rehiyon gaya ng probinsyang Samar-Leyte, ang parte ng Pilipinas na pinakamahirap sa bansa at iba pang katulad nito ay siguradong talo sa sistemang Federalismo.
Sa sistemang Federal kasi, trabaho na ng regional government ang mangolekta ng buwis mula sa mga negosyo at taumbayang nasasakupan nito. Paanong makapag-uumpisa ng maganda ang mga mahihirap na rehiyon kung wala nang perang manggagaling sa pamahalaan sa Maynila? Alangan namang ang mga buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ng Maynila eh gagamitin pa rin para sa mga taga-Mindanao kapag kanya-kanya na ang sistema ng pamamahala.
Isa pang mahirap gawin sa ilalim ng sistemang Federal ay paano palalakasin ang kuturang Pilipino bilang kabuuan at hindi lamang bilang mga Ilokano, Bikolano, Cebuano, Tagalog, Waray at iba pa?
Sa totoo lang, ang kulturang pambansa ang pinakamahirap na isaayos sa ganitong sistema. At dahil dito ay marami ang natatakot na sa ganitong padalus-dalos na kilos at pagpapasya ay lalo lamang mapapabilis ang pagkaka-hiwalay-hiwalay ng Pilipinas gaya ng pagkakahati sa isang pie.
Ngunit para sa mga sakim sa kapangyarihan, gagawin nila ang lahat para sa kanilang pansariling ambisyon kahit pa ikasira ng bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
August
(14)
- National Milk Chocolate Day
- Tula: Sa Aking Katulong
- A Prayer of Confession
- Driver: Sweet Lover
- Tinikman Habang Tulog
- Federalism in the Philippines?
- Agosto 21 ang Kamatayan ni Ninoy
- Tips Upang Maging Star sa Party
- Tips Sa Paghuhugas Ng Plato
- Ang Filipino Sa Kasalukuyang Gamit
- Philosophical Implication of the Space-Time Continuum
- Ang Komunikasyong Di-Berbal
- Remembering Randy
- My First Sexperience
-
▼
August
(14)
19 comments:
kapatid, sasagutin kita sa aking blog: http://federalist-filipino.blogspot.com/
mabuti itong may maayos tayong diskurso. salamat.
Ibig sabihin, Sa bawat regional government ay mayroong pinaka-mataas na mamumuno?
Ano po ang tawag sa taong 'yon?
Governor ang magiging pinaka makapangyarihan sa isang rehiyon or state s pamahalaang Federalismo.Siya ang magkakaroon ng karapatan n mangolekta ng taxes s isang rehiyon at may karapatan din ciang magpatuapd ng sariling batas s mga nasasakupan.
Hindi ba pwedeng bago ipatupad ang sistemang federalismo eh maglaan muna ng budget na naayon sa antas ng estado ng lugar? Kumbaga bago sila magkanya kanya e tulungan munang magkaroon ng sapat ng budget yung mahihirap na parte saka isakatuparan yung sistema na yan? Para hindi lugi yung mahihirap na lugar. Kung titignan at susuriin eh 50-50 kapag isinakatuparan yan. Maaaring umunlad ang ibang lugar na kung saan eh maganda yun, pero paano kung hindi umulad ung ibang mahihirap na lugar? ang mangyayari dahil nasa pinakamataas ng opisyal sa rehiyon na yan nakasalalay ang pagpaplano para paunlarin nila yung lugar nila db? kung ang lugar na yun ay mahirap pero halimbawang maabunga saa agrikulturaa hndi imposibleng lumago kung magfofocua sila dun db?
Ano po ang maging trabaho ng Presedent o hanggang saan ang maging kapangyarihan nia kung may kanya-kanya nang namumuno sa bawat city o probinsya?
Ano po ang maging trabaho ng Presedent o hanggang saan ang maging kapangyarihan nia kung may kanya-kanya nang namumuno sa bawat city o probinsya?
Sa gobyernong federalismo. Tatanggap parin ba ang mga Congressman/Congresswoman sa bawat rehiyon ng budget mula sa kongreso?
siguro. Presidente parin naman sya. hawak nya parin ang lahat at may kakayahang mag patupad ng mga gusto nya.
pero siguro ang papel nya dito e. Consultant
ask q lng po,s pgkkron ng knya knyang pmmhala s bwt state nd p dn po b mwwla ang kpngyrihan ng pangulo s pgkontrol ng pmmlkad ng cnumang mmumuno s pmhlaang federalismo lalo n kung ito ay nd naaayon s batas o wla n s lugar ang pmmhala ng isng lider s knyng lugar?
Hindi po ba pwede Na ,,,ang mga probinsyang mahihirap ay sasakopin nalang ng mas nkakaangat Na probinsya.hal. Cebu,sasakopin po ang Leyte if ever maisakatuparan ang federalismo?
Maganda sna yun kaso macocontrol parin kaya ng presidente kung sakali governor n mamuno s kada region?
Siguro yung presidente natin ay magiging taga-sigurado kung umuunlad ba talaga ang isang rehiyon. Halimbawa yung mga governors yung naitalaga bilang maging lider sa isang rehiyon, yung mga pagbabago na magaganap sa isang rehiyon(pag-unlad o pagbaba ng ekonomiya ng isang rehiyon) yung irereport sa presidente para mabigyan ng kaukulang aksyon sa naganap na pagbabago. Kasi yung federalismo para sa akin ay pagbibigay ng kapangyarihang mamuno sa isang may potensyal na lider para matulungan ang gobyerno para mapalawig ang kaunlaran ng ekonomiya ng isang bansa. Tsaka para hindi na manggagaling pa sa presidente yung mga hakbangin na kailangan gawin ukol dun sa mga sakaling isyu dahil kaya na ng naitalagang lider ang pagpapatakbo ng mga nasasakupan niya. May presidente pa rin naman tayo sa federalismo, kumbaga sya ang leader of the leaders. May kapangyarihan pa rin sya sa buong bansa pero kung kinakailangan lang at kung may mabigat na isyu na dapat tugunan...
Sarili ko lang pong pagkakaintindi yan tungkol sa federalismo, pasensya na kung may mali.
paano poh kng mapatupad ang federalismo db poh mgiging kanya kanya n ang mga rehiyon at governor n ang mamumuno s kanyang nasasakupan...in case n ganyan ang mngyari paano naman poh halimbawa d maiiwasan ang mga corrupt n namumuno s llo n kng sila n ang my control s mga taxes...paano poh masisiguro ng mga kababayan natin n mahihirap n mganda nga ang federalismo
paano poh kng mapatupad ang federalismo db poh mgiging kanya kanya n ang mga rehiyon at governor n ang mamumuno s kanyang nasasakupan...in case n ganyan ang mngyari paano naman poh halimbawa d maiiwasan ang mga corrupt n namumuno s llo n kng sila n ang my control s mga taxes...paano poh masisiguro ng mga kababayan natin n mahihirap n mganda nga ang federalismo
Hindi po ang governor ang gagawa ng batas. Sa bawat state po may mga mambabatas na sila ang gagawa ng batas na naaangkop sa kanilang estado. Ang governor lang o premier lang ang mag papatupad.
Wala po dapat ipa ngamba dahil sa balangkas ng federalismo na isinusulong ni dating senador Aquilino Nene Pimentel ang federalismo ay magkakaroon ng tinatawag na equality na kung saan ang central government at ang mga state ay sama samang tutulong sa bawat state na mahihirap. Para maka ahon ito at makapantay sa ibang state.
Ipaliwanag ko po. Kulanh kasi kapaliwanagan ng nag post. Ang federalismo po ay sistima ng gobyerno. Kung baga papalitan lang ay ang sistima na unitary patungo sa sistimang federal. Dahol bulok na ang sistimang unitary kung baga.
Sa federalismo mahahari ang trabaho mas ma p-pokusan ang kakilangan ng bansa. Magkakaroon ng central government ang manila na siyang mag sisilbing national government at state government ang regional government.
Amg central givernment ay pamumunuan ng prime minister. Mayroon din presidente pero siya ay pang seremonya lamang. Magkakaroon ng legislative na pag uusapan kung gagawin unicameral o bicameral. Magkakaroon din ng supreme court. Ang magiging trabaho ng central government na lamang ay halos lima na lamang. 1. Bantayan ang teritoryo
2. Ipag tanggol ang bansa sa mananakop at mga terorista o mga mag tatangka na sakupin ang bansa.
3. Pangalagaan ang kalikasan
4. Mga usapin panlabas
5. Edukasyon curiculom sa buong bansa ay iisa lang dapat
Iisa lang ang bandila ng bansa at pananalapi. Isang PNP sa buong bansa. Pati na rin ang sandatahang lakas.
Ang state fovernment naman ay walang ibang aatupagin kung hindi tugunan ang problema ng kanikanilang estado. Sa kanila naka salalay ang pag unlad ng bawat estado. Wala sila g gagawin kung di paunlarin ang nasasakupan. May sariling senate and congress din sila at supreme court.
Ang pag bubuwis kung dati lahat ng buwis galing sa lokal ay 100% dadalhin muna sa imperyal manila. Tapos ibabalik sa probinsya halos 20% na lamang. Sa federalismo baliktad. 20% lamang ang ibibigay ng state sa central government ang manila at ang 80% ay maiiwan sa bawat state para magamit nila sa pag papaunlad ng nasasakupan. Na hindi gaya ng kasalukuyang gobyerno na unitary na mag hihintay pa ng matagal na release ng DBM ng national fund. Sa halip sa federalismo may sarili ng pondo na siyang agad agad magagamit sa pangangailangan ng estado.
Sa federalismo may kany kanya silang trabaho. Dalawang gobyerno na may kanya ka yang trabaho kaya di pwede impluwensyahan. Kapwa sila au nasa ilalim ng constitution.
Post a Comment