Tuwing Umuulan

Summer ngayon pero tatlong araw nang umuulan. May bagyo raw kasi sabi nung taxi driver na nasakyan ko kahapon.

Ayoko ng ulan. Lalong lalo na ang marinig ang pagpatak nito.



Kinakabahan ako kapag naririnig ko ang patak ng ulan sa aming kalawanging bubungan. Kinikilabutan ako lalo na kapag may kasama itong kulog at malakas na hangin. Pakiramdam ko, magugunaw na ang mundo. Nagsasalimbayan sa aking gunita ang mga eksenang nabasa ko sa Bibliya noong ako ay nasa elementarya pa lang. Lalo pa akong natatakot ako kapag madilim ang paligid dulot ng makapal na ulap-ulan. Pakiramdam ko kapag umuulan ay hindi ko na masisilayan ba ang maliwanag na bukas.


Ayoko ng ulan.


Pinapalungkot ako ng pagluha ng kalangitan. Maraming mga masasama at masasakit na alaala ang hatid sa akin ng pag-ulan. Umuulan noon nang umuwi kami sa Bicol ng mga kapatid ko pagkatapos maghiwalay ang aking mga magulang noong ako ay anim na taong gulang. Humahampas ang malakas na alon sa sinasakyan naming bangkang de-motor habang tahimik akong lumuluha dahil mapapalayo ako sa tatay ko. Papa's boy kasi ako, madalas kaming naglalaro noon ng aking mahal na ama. Nasa tabi niya ako lagi kahit nag-iinuman pa sila ng mga kabarkada niya. Palagi niya rin akong iniaangkas sa kanyang likuran kapag namamasyal kami ng buong pamilya. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panggitna. Paborito ng aking mga lolo at lola sa ama ang aking kuya kaya mas madalas sa kanila ang kapatid ko. Babae ang bunso namin, at siya namang laging inaasikaso ng nanay ko dahil nag-iisang babae. Kaya naging mas malapit ako sa tatay ko. Dalawampung taon na ang lumipas at hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan.


Napapaluha ako kapag umuulan. Alam ko kasing iyon ang pagkakataon upang ako naman ay umiyak. Ilan lamang ang nakakaalam ng aking tunay na saloobin. Marami sa mga taong nasa paligid ko ay masayahin ang pagkakakilala sa akin. Iyon naman kasi talaga ang ipinapakita ko sa kanila. Saka ayoko rin kasi ang maging malungkot, eh ganun na nga ang buhay ko, 'di ba? Dapat kung may lungkot, may saya para balanse.

5 comments:

PABLONG PABLING said...

ako naman i lab rain . :)

astrodeus said...

thanks for the comment, papa pabz!

Acoo na Acoo said...

Ganun tlga ang buhay... T.T
Kapag malungkot Ka oh nawalan Ka ng minamahal sa buhay aasahan mo pati Sa langit,ulap lalo na ang ulan lahat sila nakikiramay! I miss my mom she's in heaven 2yrs ago.

Anonymous said...

I just want to know if buntis po b aq..dec.2 nagkaroon aq pero isang araw lng .pero hnd nmn sya dot .den ngayon dec 28 my lumabas skin pero konti lng kasabay nun ay may lumabas din skin na whitemens. posible po ba na buntis aq? plss answer..tanx

Anonymous said...

Ako ay nagkaroon nung april 25 tapos oral sex gngawa namn ng bf ko hnggang sa lumapat lang ari niya.... taps inaashn ko na magkakaroon ako sa may 25 pero delay na ako 3 dys.. bnts ba ako??

Blog Archive