Showing posts with label suwerte. Show all posts
Showing posts with label suwerte. Show all posts

Alamin ang iyong Lucky Days

Tatlo ang uri ang ating tinatawag na masuwerteng araw o lucky day: universal day; birthday; at pinagsamang universal day at birthday.


Universal Day

Universal Day ang tawag sa araw kung kailan ibibigay sa iyo ng universe ang lahat ng klase ng suwerte. Kumbaga, makikiisa sa iyo ang kalikasan para suwertehin ka. Paano mo malalaman kung kailan ang iyong universal day?

Una, alamin muna ang iyong Life Path Number. Kuwentahin ang suma total ng iyong birthday. Halimbawa, ipinanganak ka noong Mayo 1, 1970. Magiging ganito ang calculations: 5 + 1 + 1 + 9 + 7 + 0 = 23. Kailangang i-reduce sa single number ang resulta kaya 2 + 3 = 5. Ang Life Path Number mo ay 5.

Pangalawa, kuwentahin ang suma total ng kasalukyang petsa, Marso 11, 2009. - 3 + 1 + 1 + 2 + 9 =16 o 7. Hindi 5 ang lumabas kay hindi mo universal day o masuwerteng araw ngayon. Sa May 16, 2009 pa ang universal day mo dahil ito ang petsang may suma total na 5. Kapag nagkapareho ang iyong Life Path Number sa suma total ng kasalukuyang petsa, iyon ang itinuturing na universal day mo o masuwerteng araw para sa iyo.


Birthday

Batay sa halimbawa na kung 23 ang petsa ng iyong kaarawan, lucky day mo rin ang petsang 23 ng kahit anong buwan.


Kombinasyong Universal Day at Birthday

Ayon sa numerology, ang pinakamasuwerteng araw ng isang tao ay kapag tumapat ang iyong universal day sa mismong kaarawan mo. Halimbawa ay ang birthday kong May 11, 1982 na may Life Path Number na 9 ay masuwerte rin sa May 11, 2009. Kung ating susumahin, ang suma total ng May 11, 1982 at May 11, 2009 ay parehong number 9 kaya ang huling petsa ay aking luckiest day. Nauulit ang ganitong suwerte tuwing ika-9 na taon. Kaya sa 2018 ulit ako magkakaroon ng luckiest day.

Masuwerteng Puwesto sa Sugal

Walang siguradong paraan upang tayo ay manalo sa sugal ngunit may paraan para mapalapit tayo sa suwerte:

Lotto

1. Ang lotto outlet ay dapat nakapuwesto sa kanluran o west. Ito ang masuwerteng direksiyon sa lahat ng may kaugnayan sa sugal o pera. Kung walang lotto outlet sa inyong lugar na nasa kanluran, dapat nakaharap sa west ang teller o ikaw na mananaya ay nakaharap sa kanluran habang nakatayo at bumibili ng tiket.

2. Sa kanluran ka pumuwesto habang isinusulat ang numero sa card.

3. Ang lotto outlet ay nasa maaliwalas na lugar at walang mga istruktura na nakaharang para ang good energy ay malayang makakaikot.


Bingo at Card Games

1. Umupo ka sa west ngunit kung imposibleng puwestuhan, doon ka umupo sa lugar na natatanaw mo nang maayos ang entrance. Nagkakaroon ng positive outlook ang gambler kung nakikita niya ang entrance.

2. Huwag pupuwesto sa tabi ng bintana o pintuan (entrance) dahil ito ang lugar kung saan lumalabas ang good energy na nanggagaling sa loob ng bahay. Kumbaga, ito ang lokasyon na pinagtampuhan ng suwerte.

Numero ng Bahay at Trabaho

Ano ba ang propesyon mo? Komportable ka ba sa tinitirahan mo? May pagbabago ba sa iyong career simula nang tumira ka sa iyong kasalukuyang bahay?

Sumahin lahat ng numero ng iyong tinutuluyang bahay hanggang ma-reduce ito sa single digit. Halimbawa, kung ang numero ng inyong bahay ay 156, gawin ang 1+5+6, total ay 12. I-add ang 1 at 2, 3 ang sagot. Ang bahay mo ay kabilang sa House#3. Tingnan ang sumusunod na listahan kung compatible ang iyong hanapbuhay sa numero ng iyong bahay:

House #1 - suwerte sa number 1 house ang mga athlete, single independent men and women, negosyante, ang trabahong nangangailangang bumiyahe at ang mga estudyante

House #2 - suwerte naman sa bahay na may numerong 2 ang social worker, teacher, counselor at gardener; mainam ding tirahan ito ng mga ina at grandparents.

House #3 - mapalad sa mga manunulat, artist, entertainers, politicians, call center agent, broadcaster o anumang propesyong may kaugnayan sa communication

House#4 - accountant, engineer, architect, banker, chef, gardener, crafts people

House#5 - taecher, writer, travel agent, driver

House#6 - caregiver, nars, doktor, social worker at iba pang hanapbuhay na nangangalaga sa kapakanan ng ibang tao

House#7 - scientist, psychologist, minister, teacher, researcher, historian, philosopher

House#8 - managers, negosyante, doktor, pulitiko, athelete, celebrity

House#9 - spiritual teacher, healer, humanitarian, clergy, world traveler, artist, philosopher, caregiver, nurse, doctor

Kung pagkatapos sumahin ng mga numero ay naging 11, 22 at 33 ang total, huwag na itong i-reduce dahil ang mga numerong ito ay kabilang sa tinatawag na master number. Ang #11 ay kabilang sa house #1 at #2; ang 22 ay sa house #2 at #4; at ang 33 ay sa house#3 at #6.

Mga Palatandaan at Senyales ng mga Susuwertehin

EARTH SIGNS: Taurus, Virgo, Capricorn

Paano dumarating ang suwerte sa mga earth signs?

  • Lupa ang kanilang suwerte kaya kahit medyo mahirap paniwalaan, ang mga nasa earth sign tulad ng mga isinilang sa zodiac sign na Taurus, Virgo at Capricorn ay makararanas ng pagkakaroon ng magagandang kapalaran sa mga sandali o mga araw na mapapansin nilang sila ay mas madalas na nakatingin mismo sa lupa o ang kanilang mga mata ay nakatanaw sa ibaba.

  • Makararanas din sila ng biglang pagkahilig sa mga bungangkahoy o prutas. Dahil dito, ang mga may asawa o dalagang may karelasyon ay maaaring mapagkamalang sila ay buntis o naglilihi. Subalit ang ganitong pagkakaroon ng takaw o gana sa mga bungang kahoy ay palatandaan lamang na anumang sandali o ilang araw na lang, sila ay darapuan na ng magandang kapalaran.

  • Ang sobrang katakawan o gusto pang kumain kahit busog na ay nagsasabing siya ay pananahanan ng mga suwerteng matagal na niyang pinakaaasam-asam.

  • Pagkati ng ilalim ng paa o ng talampakan! Subalit dapat na wala siyang anumang sakit sa balat o sa paa, kumbaga, bigla lang kumati ang kanyang paa.

  • Ang pagkati ng kamay o palad ay maaari ring isang senyales na sila ay bubuwenasin na. Subalit dapat na ang pagkati ay may kasunod na 'di kinukusang pag-abot sa ilang mga bagay na malapit sa kanya, kumbaga, gumagawa siya ng sariling musika kaya ang kanyang palad o kamay o mga daliri ay kusang gumagalaw upang magkaroon ng tunog na hahatak sa mga suwerteng malapit lang sa may-ari ng kamay.

  • Ang pangangapitbahay, anuman ang kanyang layunin at maging ang makipagtsismisan o simpleng kuwentuhan lang habang umiinom ng kape o softdrinks ay nagsasabi ring siya ay daratnan na ng suwerte.

  • Madalas na pagbati sa kanya ng ilang makasasalubong na ang pagbati ay may kasamang matamis na ngiti ay mga pahiwatig din ng pagkakaroon ng mga magagandang kapalaran.

  • Kapag ang isinilang sa zodiac sign na Taurus, Virgo at Capricorn ay pinuri, hinangaan o pinasalamatan ng isang matanda, ito ay nagsasabing kapag siya ay nakipagsapalaran o nagsugal, ang pananalo ay magiging kanyang kakambal.

  • Kapag siya ay nagkaroon ng isang kaibigan, napalapit, nagmahal o nagmalasakit sa kanya na isang may malaking binti at malapad ang paa at may mga brasong matipuno, siya o ang mga nasa earth sign ay pinaniniwalaang mabibiyayaan ng mga malalaking grasya na ihuhulog ng langit.

  • Suwerte rin ang dala-dala sa kanila ng mga taong may makakapal na buhok, ibig sabihin, sa mga araw o sandali na naging bahagi ng kanilang buhay o araw ang nasabing klase ng tao, sila ay tiyak na papalarin!

  • Ang pagwawalis sa bakuran o mismong sa loob ng bahay ay palatandaan ng pagkakaroon ng buwenas.

  • Ang paglalakad sa kalsada sa halip na sumakay ay palatandaan rin na parating na ang kanilang masusuwerteng araw.

  • Kapag ang kanilang mga mata ay naakit, nagayuma o nagkagusto sa mga antigong bahay o kasangkapan, ibig sabihin, sobrang laking kayamanan ang inilaan sa kanila ng langit na anumang sandali o araw ay mapapasakanila na.

  • Kapag pina-drawing sila ng iba't ibang hugis, makikitang mas marami sa kanilang iginuhit ay parisukat o square o mga larawan na malapit sa o halos kahawig ng square, ibig sabihin, patatatagin ang kanilang kabuhayan dahil mag-uunahan sa kanilang buhay ang mga magagandang kapalaran.

  • Isang malinaw na palatandaan din ang pagkakaroon ng suwerte ang biglang may magreregalo sa kanila ng bagay na kulay black at brown. Dahil dito, kahit ayaw nila o medyo 'di nila gusto ang kulay itim, dapat ay agad nila itong gamitin upang ang suwerte ay kumapit agad sa kanilang balat. Gayundin sa kulay brown, dapat, kung hindi nila ito gaanong paborito, ilagay nila sa kung saan ay nakikita ng kanilang mga mata nang sa ganu'n, pumasok sa kanilang katawan ang suwerteng may kaugnayan sa sagad na kasaganahan.