Showing posts with label up diliman. Show all posts
Showing posts with label up diliman. Show all posts

Korean and Japanese Foods

These photos were taken when my scrabble classmates and I decided to take our lunch in a Korean-Japanese stall in UP Shopping Center.
















Iba Pang Kuwentong Kababalaghan sa UP Diliman

Sa Main Library.

Salaysay ni Gng. Candida Sarmiento, College Libaraian III

  1. Gabi na noon, mag-iikapito nang gabi at nasa basement ako upang mag-ayos ng mga libro. Nakita kong biglang bumukas ang elevator na ginagamit naming sa pag-aakyat ng mga libro. Wala naman akong nakitang tao sa loob. Maya-maya ay sumara ito at umandar paitaas. Hinayaan ko na lang muna kasi naisip ko nab aka may gumagamit sa itaas. Makaraan ang ilang minuto bumaba na ang elevator. Bumukas ulit ang pinto at sumara agad subalit wala pa ring tao. Umakyat ulit ito. Nahalata kong my ibang gumagamit ng elevator kaya hinyaan ko na alng. May kasama akong isang libararian din at napansin din pala niya ang nangyayari. Isinulat ko kung ilang beses nag-akyat-panaog ang elevator. Dalawampu’t anim na beses! Nakita ng kasama ko ang pagsulat ko at sinabi niyang nagbilng din siya. Pareho ang naitala naming bilang!

  2. ito naman ay nangyari sa isa kong kasamahan na wala na ngayon dito. Hapon naman noon at nasa Archives Section siya, sa ikatlong palapag. Umiinom siya noong ng softdrink (coke). Nasa kalahati na ng plastic cup ang iniinom niya nang tumayo siya upang alisin ang saksak ng electric fan na nakatutok sa kanya dahil sa nilalamig siya. Pabalik na siya sa kanyang upuan nang makita niyang biglanghumilig ang kanyang baso ng coke na nasa mesa at unti-uning nabawasan ang laman nito. Parang may humigop sa kanyang softdrink. Nang maramdaman siguro ng kakaibang nilalang na iyon ng may nagmamasid sa kanya ay bigla itong tumigil sa paghigop kaya tuluyang natumba ang baso ng coke. Lalo pang nagulat ang kasamahan ko nang makita niyang kaunti lamang ang natapong softdrink sa kanyang mesa. Nang mahimasmasan ay saka pa lang niya pinunasan ang mesa. Itinapon niya na rin ang natirang softdrink dahil baka pa raw siya “malumay” o magayuma nang laway ng sinumang uminom sa kanyang softdrink. Isang dating janitor naman ang nagkuwento nito sa kanya, sa ikalawang palapag naman ito nangyari, maagang maaga naman, mag-iikaanim ng umaga. Naghahanda siya para maglinis sa banyo nang may marinig silang tinig na umaawit. Lalaki ang boses. Nakilala niya ang tinigna kaboses ng dati nilang kasamahang kamamatay lang. Tinawag niya ang isang kasamang janitor. Pinakinggan lang nila ang umaawit at naalala niya na ang kanta ay ang paboritong awitin ng namatay na kasamahan noong ito ay nabubuhay pa. Nang matapos na ang kanta ay wala na silang narinig ulit.


UP Law Center


Nasa Law Center pa ako noon naka-duty. Kuwento lang ito sa akin ng dating guwardiya sa naturang gusali. Malalim na raw ang gabi noon, mga ikasampu ng gabi. Nagroronda raw siya sa buong gusali nang may marinig daw siyang tunog ng isang typewriter. Hindi pa kasi uso noon ang computer. Pinuntahan niya raw ang pinanggalingan ng tunog sa ikalawang palapag subalit nawala ang tunog nang malapit na siya sa eksaktong kuwartong pinanggagalingan nito. Bumaba na lang ulit ang nasabing guwardiya subalit nang nasa ibaba na siya ay muli na naman niyang narinig ang tunog ng isang nagtitipa sa typewriter. Hindi na lang niya pinansin ang tunog at sa ibang parte na lang ng gusali siya naglibot.


Asian Center (Romulo Hall)

(Ayon kay Karla Marie Fabon)

Galing siya noon sa Katipunan at papunta siya sa bahay ni Sir Jimmuel Naval sa likod ng UP Shopping Center. Si Sir Naval ay propesor namin sa Malikhaing Pagsulat 110 at workshop namin nang araw na iyon at overnight pa. Mag-iikasiyam na ng gabing iyon. Hanggang Asian Center lang iyong jeep na nasakyan niya kaya kailangan niyang maglakad papunta sa bahay ni Sir Naval. Napansin niyang habang naglalakad siya ay may isang batang babae sa kabilang kalsada na kasabay niyang naglalakad papuntang International Center na katabi ng Asian Center. Kinabahan siya kaya binilisan niya ang paglakad. Kinilabutan siya at nanindig ang kanyang mga balahibo nang bumilis din ang paglalakad ng bata. Kumaripas siya ng takbo nang walang lingon-lingon hanggang makakita siya ng isang waiting shed at nagpahinga sandali. Subalit pag-upo niya ay nakita niya ang batang babae sa tapat na kalsadang kinauupuan niya. Nagkataong may dumaan na Ikot Jeep kaya dali-dali siyang sumakay dito. Habang papalayo ang jeep ay sinulyapan niya ang kinatatayuan ng bata pero wala na ito roon. Takot na tako siya sa naranasan at ikinuwento niya agad ito sa amin pagdating niya sa bahay ni Sir Jimmuel.

UP Astronomical Society

Stargazing. Gawain ko na ito simula noong sampung gulang pa ako. Paborito kong puntahan ang bakuran ng aming paaralang elementarya na walang gate at nababalutan ng makapal na carabao grass kapag nais kong makipag-ulayaw sa kalawakan. Sa pamamagitan nang pagtitig sa mga nagkikislapang mga bituin sa kalaliman ng langit, nadarama ko ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.

Lubos akong natuwa nang malaman kong may isang organisasyon sa UP na nakatuon sa astronomiya, ang (agham ng) pag-aaral ng mga bagay sa kalawakan, ang UP Astronomical Society (UP Astrosoc). Nagulat pa nga ako noong una dahil hindi ko akalaing may ganitong organisasyon sa pinapasukan kong unibersidad. Hindi naging madali ang pagsali ko sa grupong ito anim na taon na ang nakararan subalit matagumpay kong nalampasan ang mga pagsubok sa proseso ng aplikasyon.

Ngayong gabi ang oryentasyon ng mga bagong aplikante sa UP Astrosoc. Dalawampung estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo ang dumalo. Umaayon sa amin ang lagay ng panahon dahil maaliwalas ang kalangitan. Isang oras lang ang ginugol sa pagtitipon na sinundan ng socialization. Nakatutuwa ang mga aplikante na maraming itinatanong sa mga miyembro ng Astrosoc tungkol sa mga planeta at konstelasyon ng mga bituin. Malugod kong itinuro sa dalawang aplikanteng sina Philip at Niño ang mga konstelasyong Ursa Major at Scorpius. Kumukuha ng European Languages si Ronipe na isang freshman samantalang nasa ikatlong taon na ng Library Science si Niño.

Ang hugis tabo na Big Dipper ay bahagi ng Ursa Major. Memorable sa akin ang Big Dipper dahil ito ang kauna-unahang grupo ng mga bituin na nakilala ko. Itinuro ito sa akin ni Jimboy, bespren ko noong hayskul. Oo nga’t mahilig ako noong mag-stargazing pero mga pangalan lamang ng mga planeta ang alam ko.

Paborito ko sa mga konstelasyon ang Scorpius dahil ito lang ang tumutugma sa hugis ng zodiac sign kung saan ito ipinangalan – hugis alakdan talaga ito. Makikita ito sa timog na bahagi ng kalangitan (southern hemisphere) malapit sa Milky Way, ang ating galaxy. Napagigitnaan ito ng mga konstelasyong Libra sa kanluran at Sagittarius sa silangan. Nasa gitna (leeg) nito ang bituing Antares na siyang pinakamaningning (alpha star) sa grupo, pang-16 sa mga panggabing bituin. Kulay pula ito sa ating paningin subalit mas mapula ito kung titingnan gamit ang teleskopyo dahil ito ay isang supergiant na bituin. Lubhang mas maliwanag ito sa araw (65,000 na beses) subalit napakalayo nito sa daigdig (600 light years) kaya kakaunti lamang ng liwanag nito ang ating nakikita.

Marami pa kaming napag-usapan nina Ronipe at Niño, hindi lamang tungkol sa mga bituin at planeta. Sinigurado ko sa kanilang masaya sa org namin at talagang mag-eenjoy sila. Naiintindihan ko ang kanilang pag-aalala na baka hindi nila malampasan ang proseso ng aplkiasyon subalit sinabi ko sa kanilang kung talagang desidido sila ay magagawa nila. Umaasa akong babalik sila sa huwebes sa kanilang Buddy Bidding at itutuloy nila ang pagsali sa Astrosoc.


How did I become a member of this prestigious organization in UP Diliman?

I was then a student assistant in the Department of Political Science. It was summer 2007. I already finished my work and waiting for the time to hit 5pm, our end of shift. I was surfing the net and looking for some information about Big Dipper when I bumped into the website of UP Astronomical Society. Here is what the site says about the organization:

The University of the Philippines Astronomical Society (UP Astrosoc) is a non-profit, non-political and non-partisan organization in the University of the Philippines, Diliman. It was established in 1991 by 15 undergraduate students under a mango tree. UP Astrosoc now resides at the PAGASA Astronomical Observatory inside UP Diliman.

On the average, the organization has an active membership of 25-30 undergraduate students coming from different colleges in the university. Aside from the usual social activities of a college organization, UP Astrosoc also partakes in several astronomy activities throughout the academic year. These include astronomy classes, observing sessions, public astronomy lectures and forums.

The emblem for the organization is a stylized telescope pointing towards the skies. This is in touch with the organization's motto, Ad Astra Per Aspera -To the stars with difficulty.

Learn more about UP Astrosoc's activities here.

Take a mini tour of the UP Astrosoc headquarters here.

To learn how to contact UP Astrosoc, click here.

I wrote down the contact infos and after my duty, I hurriedly went to the Observatory to enlist in UP Astrosoc's summer workshop. When I arrived there, I learned that they are also looking for new members and I was very excited to signed in.

And that is the beginning of my journey through space, not physically of course, but through my imagination wit the help of writing.

Ad Astra Per Aspera!

Low freshman enrolment rate in UP blamed on 300% tuition hike

The Kabataan Party today said the University of the Philippines lost a significant percentage of the best and brightest incoming college freshmen this school year after the 300 percent tuition fee increase which pegged the premiere state university’s tuition at P 1,000 per unit.

Kabataan Party President and former UP Diliman Student Council Chair Raymond Palatino said the low enrolment turn-out in UP campuses is distressing.

“The low enrolment figures only confirmed our fears that the 300 percent tuition hike will result into massive disenfranchisement of qualified college hopefuls and higher dropout rate,” Palatino lamented.

Enrolment records show most of the autonomous and constituent campuses of the UP system failed to hit the 50 percent mark in freshmen enrolment rate. An article in the Philippine Collegian reported that only the Diliman and Manila campuses registered freshmen enrolment rates which are higher than 50 percent – 69.13 and 54.88 percent, respectively.

Badly hit by the low turn-outs were the Los Banos and Mindanao campuses, with 16.67 amd 16.76, respectively, Palatino said.

While the Diliman campus, the largest campus, registered the highest freshmen turn-out, he said a big number of UPCAT (UP College Admission Test) qualifiers in Diliman either deferred or failed to confirm for enrolment earlier this month.

Data from the Office of the University Registrar in UP Diliman show that 1,331 freshmen or 34.7 percent of the total 3,825 UPCAT UP Diliman qualifiers did not confirm for enrolment.

He added that the high no-show rate in UP campuses subsequently caused a staggering decline in enrolment figures for several degree programs, with some registering a zero enrolment turn-out. The BA Filipino, BA Araling Pilipino, and BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino offered by the Departamento ng Filipino at Panitikan in UP Diliman all had a zero turn-out.

Palatino blamed the tuition hike for the low freshmen enrolment rate in UP, saying high fees discouraged many parents and UPCAT passers to choose the state university and enroll for this school year.

“Before, passing the UPCAT was both an honor and a relief for parents who would no longer have to worry about high tuition and other school fees. But with a higher tuition rate, parents now had to think twice before sending their children to UP.”

He said poor but deserving students coming from the provinces and public schools were affected the most.

“The 300 percent tuition hike prevented bright students from depressed and remote areas of the country from enroling in UP and eventually forced them to settle for poorly-maintained state colleges in the provinces or worse, give up their college dream.”

Palatino said the UP administration and the government should have already learned its lessons from the last year’s education tragedy wherein two National Achievement Test topnotchers Julie Albior and Flores Biwang failed to enrol in the university and enter college because of poverty.

He also appealed to the UP BOR to withdraw its earlier decision and consider the interest and welfare of the future Iskolars ng Bayan.

“More than generating funds, UP as the ‘University of the People’ should ensure that higher education is accessible to ordinary young Filipinos. What are state universities for if poor but deserving students can’t enrol just because of preventive school fees? Not only does it defeat the purpose for the creation of state schools but it only highlights the more devastating crisis and tragedy that await the educational system this school year.”

Alamat: Kung Bakit May Bentilador na Nakatutok sa mga Libro ng Aklatan

Noong araw ay isang masukal na gubat ang kinatatayuan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon. Ginawa itong kampo ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang pamamayani sa Pilipinas. Nang umalis ang mga Puti ay inilipat sa nasabing lugar ang Unibersidad ng Pilipinas mula sa lungsod ng Maynila. Isa sa mga naunang gusaling itinayo sa pamantasan ay ang Main Library. Dahil sa kalumaan nito kaya itinuturing na maalamat ang natusrang gusali. Marami raw kasing hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa naturang aklatan. May mga kababalaghang nangyayari na siyang dahilan kung bakit ang iba ay hindi nakatatagal magtrabaho sa nasabing establisyemento. Ayon sa mga matatandang nagtatrabaho sa UP na nakakuwentuhan ko, ang mga kababalaghang ito ay kagagawan ng mga ligaw na kaluluwa na namatay noong panahon ng giyera. Subalit nay mga nagsabi ring ito ay gawa ng mga nilalang na dating nakatira rito noong ito ay isa pang masukal na gubat.

Isa sa mga nakausap ko ay ang pinakamatandang libararian na si Ginang Candida Sarmiento o Ma’am Ida. Marami na raw siyang naranasang kakaiba hindi lamang sa main libarary kundi maging sa iba pang mga gusali sa loob ng UP Diliman campus. Subalit ang isa sa hindi niya makalimutang karanasan tungkol sa mga kababalaghang ito ay ang nangyari noon sa isang library staff. Mag-iisang buwan pa lang siyang nalilipat sa main laibarary mula sa College of Law noon. Anim silang magkakasama sa kuwarto, dalawang student assistants (SA), tatlong libraray staffs at si Ma’am Ida. Nasa ikatlong palapag sila nakatoka nang araw na iyon, sa Special Collections at Archives Section. Mag-iikalawa noon nang hapon, buwan ng Marso, kaya matindi ang alinsangan ng panahon. Abala ang dalawang SA sa pag-aayos at pagbabalik ng mga ginamit na aklat kasama ang isang libaray staff. Si Ma’am Ida naman ay nakaupo sa kanyang mesa sa gilid ng silid at gumagawa ng inventory. Nasa kabilang silid naman ang dalawa pang staff subalit salamin lamang ang nakaharang na dingding kaya nakikita pa rin nila ang kabila.

Maya’t maya ay pinagpawisan ang libaray staff na kasama ng dalawang SA. Nakita niya ang isang nakabukas na bentilador (stand fan) na nakatutok sa shelf ng Special Collections. Dahil naiinitan, kinuha niya ang bentilador at inilipat malapit sa kanyang puwesto ng inaayusang mga aklat. Makalipas ang ilang sandali ay biglang kinilabutan ang naturang staff. Tumayo ang kanyang mga balahibo nang mapadako ang tingin niya sa bentilador. Maging si Ma’am Ida ay napamulagat sa nakita. Napalingon din ang dalawang SA maging ang mga staff na nasa kabilang silid. Walag namutawing kahit anong salita o tunog mula sa kanilang bibig. Tahimik lamang silang nakatingin habang dahan-dahang umuurong ang bentilador pabalik sa dati nitong puwesto. Kahalintulad nito ang isang saranggola na hinihila ng isang bata upang paliparin.

Pagkaraan ng ilang minutong walang imikan ay lumapit ang isang SA sa bentilador upang tinganan ang kawad nito. Lumabas din sa kabilang silid ang dalawang staff upang makiusyoso. Wala naman silang nakitang kakaiba sa kawad kaya nagkibit-balikat na lamang ang mga ito sa mga kasamahang naghihintay nang dahilan ng pangyayari. Dahil sa siya ang pinakamatagal nang nagtatrabaho doon, napilitang magsalita si Ma’am Ida.

“Huwag kayong matakot. Ganyan talaga rito. Hindi lang iyan ang mararanasan ninyo.”


“Ano po bang ibig ninyong sabihin, Ma’am Ida?”
tanong ng isang SA.

“May iba pa tayong kasama sa gusaling ito. Hindi lang dito kundi maging sa iba pang gusali rito sa loob ng campus. Noong ako ay nasa College of Law ay may kakaiba rin akong naranasan doon,”
tugon ni Ma’am Ida.

“Nakakatakot pala rito. Baka wala na ritong pumask na estudyante kapag nalaman nila ang pangyayaring ito,” saad ng staff na gumamit ng bentilador.

“Ayan, hindi naman kasi para sa inyo ang bentilador. Para sa kanila iyan. Naiinitan din kasi sila,” sabi ni Ma’am Ida sa kanyang mga kasama. “Huwag niyo na lamang ipagsasabi sa iba ang nakita natin para hindi sila matakot na pumunta rito.”

“Ibig sabihin pala ay ginagawa nilang tirahan ang mga libro dito sa aklatan,” saad naman ng isang staff na galing sa kabilang silid.

Mula noon ay palagi nang may mga nakatutok na bentilador sa mga libro ng aklatan upang hindi mainitan ang mga nilalang na nakatira roon.

Ang Kabilang Mukha ng Dula

Faculty Follies 2005
KALagtasan: Nagmamahal sa Gitna ng Kamahalan
Teatro Wilfredo Ma. Guerrero
2nd Floor, Palma Hall, UP Diliman Campus, Quezon City
Disyembre 14, 2005, 3:00 PM


Madalas akong manood ng mga nakakatuwang palabas , dula o skit sa loob ng UP at ilan lamang sa mga nagtatanghal nito ay ang UP Repertory Company at UP SIKAT (Sirkulo ng mga Kabataang Artista). Subalit ang Faculty Follies ay hindi ordinaryong palabas lamang bukod sa ito ay kinatatampukan ng mga paborito kong guro sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL). Nakakaaliw man ang nasabing dula, mayroon itong mensaheng ipinaabot sa mga nanood nito.

Sa pangkalahatan, ang dula ay isang musikal at puno ng buhay. Talagang pinasaya nito ang mga manonood sa mga nakakabaliw nitong mga eksena at napapahagalpak kami sa tawa sa mga adlib ng mga nagsipagganap. Ang dula ay tungkol sa iba’t ibang uri ng pagliligawan at pag-iibigan sa Pilipinas simula noong panahon pa ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan. Medyo hindi akma sa panahon ang nasabing paksa dahil matagal pa naman ang Araw ng mga Puso pero ang panahon ng Kapaskuhan ay panahon ng pagmamahalan kaya swak na rin.

Nakakaaliw panoorin ang mga guro ng KAL lalo na ang tagapagsalaysay na si Rio Alma o Virgilio Almario, ang Dekano ng KAL. Mahusay ding magpatawa ang dalawang magkatunggali sa balagtasan na sina Sir Vim Nadera at Ma’am Charry Lucero na parehong guro sa Departamento ng Filipino. Magaling ang bawat departamento ng KAL sa kanilang mga bahagi sa dula. Ang hindi ko lang masyadong na-appreciate ay ang presentasyon ng Art Studies Department na puppet show at shadow dance dahil hindi ako mahilig sa mga ganitong palabas. Nakadagdag din sa aking pagkabagot sa palabas nila ay ang kanilang paksang pag-iibigan noong unang panahon. Kaya siguro hindi ko nagustuhan ang nasabing pagtatanghal ay dahil sa makaluma ang kanilang tema na taliwas sa aking nakamulatang makabagong sistema ngayon. Ang pinakagusto ko naman ay ang pagtatanghal ng Department of Speech at Theater Arts tungkol sa pag-iibigan sa panahon ng Hapon. Bongga ang dance number nila at talagang hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mapaindak sa aking kinauupuan. Tawa ako nang tawa doon sa isang gurong lalaki kasi kailangan niyang magsuot ng bestida bilang isang babaeng japayuki. Riot talaga ang bahaging iyon at ang lahat ng mga manonood ay napapabunghalit ng tawa kapag siya ay nagsasayaw dahil kengkoy ang dating niya sa entablado. Bigay na bigay din siya sa kanyang pagsasayaw at sabi nga ng isang katabi ko ay baka umaalog-alog din ang kanyang “junior” habang sumasayaw siya. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Katulad nga ng sinabi ko kanina, ang nasabing dula ay hindi lamang nais makapagbigay ng aliw kundi may mensaheng nais ipahatid sa mga manonood. Sa pamagat pa lang na “Nagmamahalan sa gitna ng kamahalan” ay may nais na itong ipahayag. Ang KAL na tahanan ng mga militanteng grupo ay ipinaglalaban ang karapatan ng mga manggagawa lalo na ng mga taga-UP. Nais nilang manawagan sa mga manonood na makiisa sa kanilang pakikipaglaban upang maibigay ang matagal nang hindi nababayarang cost of living allowance o COLA ng mga manggagawa sa UP. Kakarampot na nga lang ang kanilang sahod, hindi pa ibinibigay sa kanila ang mga benepisyong nararapat lamang sa kanila. Ang dula ay isang mahusay na paraan upang ipabatid ang mga mensaheng nais ihatid sa mga manonood. Tunay ngang ang mga ganitong pagtitipon ay angkop upang magpahayag ng mga ideolohiya at upang magpabatid ng mga isyung nangyayari sa ating paligid.

Kudus sa mga kaguruan ng KAL! Hindi lang pala sa pagtuturo sila magaling kundi maging sa pag-arte at pagtatanghal ng mga palabas. Ngayon ay mas lalo kong hinangaan ang mga guro ko sa KAL at para sa akin ang KAL ang pinakamasayang kolehiyo sa UP Diliman!!!

Ang Aking Unang Simbang Gabi

I was born a Catholic but I am not.

Ito ang kalimitan kong sinasabi sa mga taong nagtatanong kung ano ang aking relihiyon. Minsan, susundan ko pa ito ng pahayag na “I am spiritual, not religious.” Ipinanganak kasi ako sa isang relihiyosong pamilyang Katoliko pero sa tanang buhay ko bilang Katoliko ay hindi pa ako nakapagsimbang gabi dahil ang aming parokya sa probinsiya kung saan ako lumaki ay walang pari. Simula pa noong nasa elementarya ako ay malayo na ang loob ko sa mga gawaing pangrelihiyon. At nang makapasok ako sa UP Diliman ay lalong nag-iba ang pananaw ko sa relihiyon at pananampalataya. Naging kritikal ako sa mga gawain at kaugalian ng Simbahang Katoliko at nagkaroon ako ng sariling pilosopiya at paniniwala.

Kaya nga nahirapan akong gawin ang papel na ito ngunit bilang isang manunulat, kailangan kong maging bukas sa iba’t ibang paniniwala at kultura. Dahil hindi ako sanay magising nang maaga, hindi na lang ako natulog hanggang sumapit ang ikaapat ng umaga. Pagkatapos kong manood ng paborito kong telefantasya sa GMA na “Asian Treasures” ay naisipan kong ayusin ang aking kwarto at iba pang mga gamit.

Mabuti na lang at mahaba ang tulog ko kaninang hapon kaya hindi ako nakararamdam ng antok ngayon. Masigla pa nga ang pakiramdam ko habang nag-aayos ng mga gamit dahil nakabukas ang aking radyo sa kwarto at nakikinig ako ng mga paborito kong awitin (mahina nga lang ang para hindi ako makagambala sa iba). Mag-iikapat na nang matapos ako sa aking ginagawa kaya pagkatapos ng ilang minutong pahinga ay naligo na ako at naghanda na sa pagpunta sa simbahan. Nadaanan ko ang kwarto ng tatay ko at narinig kong naghihilik na siya sa pagtulog. Gising na rin ang tiyo ko dahil may pasok pa sila sa opisina kaya sa kanya na lang ako nagpaalam.

Upang makatipid ay naglakad na lang ako papunta sa simbahan. Ang paglalakad ay mabuti rin sa kalusugan, sabi ko sa sarili ko. Napansin kong nabibilang lang ang taong nakikita kong gising na kaya nalungkot ako sa itsura ng kapaligiran. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung kapareho ko ba ang karamihan sa mga kabarangay ko na tamad gumising nang maaga. Napakatahimik ng aming barangay at kahit ang mga aso ay tahimik, siguro nilalamig ang mga nilalang.

Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang tinig ng pari. Mukhang mahuhuli pa ako, ah, bulong ko sa sarili ko. Nadaanan ko ang mga taong nagtitinda ng iba’t ibang kakanin: suman, ibos, puto-bumbong, atbp. May mga pulubi rin sa paligid ng simbahan at talagang kinukulit nila ang mga taong mapadaan sa kanilang harapan upang bigyan sila ng pera. Matagal ko na silang napapansin sa lugar na iyon kapag dumadaan ako papuntang Cubao. Subalit ang tumawag sa akin ng pansin ay ang manininda ng puto-bumbong sa harap ng Jollibee Anonas! Napangiti ako nang maisip kong kaya siguro pinayagan ng Jollibee na magtinda sila sa harap ay upang makahatak din ng customer. Marketing Strategy. Tama lang ang ginawa nila dahil marami rin silang kakumpetensiyang food chain sa lugar na iyon. Andun ang McDonalds, Goldilocks, Chowking, at marami pang ibang maliliit na kainan.

Taliwas sa inaasahan kong kakaunti ang nagsimba ngayong umaga, punung-puno ang simbahan sa dami ng tao. Mayroon pa ngang sa labas na lang nakinig ng misa at nakatayo sa harapan ng simbahan. Nag-umpisa na talaga ang misa. Ang sabi kasi sa akin ng kasambahay namin ay ikalima na umaga nag-uumpisa ang simbang gabi. Nakatambay din sa tabi ng simbahan ang mga magtataho at nagtitinda ng sampaguita. May mga naglalako rin ng mga diyaryo, sigarilyo, at kung anu-ano pang mga paninda na inaalok sa mga taong nakikita nila.

Ang amoy ng insenso ang sumalubong sa akin pagtapak ko pa lang sa loob ng simbahan. Matagal na rin akong hindi nakakaamoy ng insenso, ang pinakahuli ay noong nasa elementarya pa lang ako sa aming probinsiya. Ginagamit ang insenso sa panggagamot ng mga albularyo sa mga probinsiya. Sensitibo ang ilong ko sa mg amoy pero nababanguhan ako sa amoy ng insenso.
Tuluy-tuloy ako sa loob ng simbahan at pinili ko ang tumayo sa gitna upang mapagmasdan ko ang kabuuan ng loob ng simbahan. Subalit bilang paggalang, nakinig muna ako sa misa at nakiisa sa mga Katoliko sa kanilang pagsamba. Tinapos ko muna ang misa bago ko itinuloy ang pagmamasid sa mga tao. Noong kinakanta namin ang Ama Namin ay hindi ko maiwasang hindi mainis sa katabi kong babae na sa tingin ko ay nasa gulang na 30 pataas dahil ayaw niyang itaas ang kanyang mga kamay upang makipaghawak-kamay sa iba pang nagsisimba na siyang nakagawian nang gawin sa mga simbahang Katoliko. Napaismid ako nang tumango siya sa akin at sabihin ang “Peace be with you.” Plastik, bulong ko sa sarili.

Nang matapos ang misa ay dumako ako sa pinakahuling likmuan upang doon magmasid. Sa posisyon kong ito, mas makikita ko nang maayos ang mga tao at ang buong simbahan. Ang simbahang ito, na siya ring ang parokya kung saan ako pinabininyagan bilang Romano Katoliko ng aking mga magulang, ay ang Parokya ni San Jose. Nakatayo ang parokya sa kahabaan ng Aurora Boulevard, kanto ng Anonas Street sa Project 3, Lungsod Quezon. Dahil dito kaya marami talagang nagsisimba sa nasabing parokya, idagdag pa ang kaalamang matagal nang nakatayo ito. Malaki rin ang parokya at ayon sa mapagkakatiwalaang tao na napagtanungan ko, umaabot sa mahigit na isanlibong tao ang pwedeng magsimba sa isang sesyon ng misa. Ngayong panahon ng Kapaskuhan, inaasahan ang pagdagsa ng mga mananampalataya kaya ang simbang gabi ay ginawang dalawang sesyon, isa sa madaling-araw at isa naman sa ikasiyam at kalahati ng gabi. Simple lang ang mga dekorasyong pampasko at ang nag-iisang Christmas tree sa harap ng altar ay kakaunti lang ang ilaw. Nararapat lamang na mangyari ang ganoon dahil sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan talaga ang pagtitipid. Naalala ko tuloy ang munisipyo ng Lungsod ng Maynila na ang dami-daming mga abubot. Talagang pinaglaanan ng malaking pondo ang pagdedekorasyon kahit na marami ang naghihirap na mga tao sa nasabing lungsod.

Ayokong maging kritikal at mapanuri pero kailangan kong mamuna sa mga taong labas-pasok sa loob ng parokya. Hindi sa nag-aakusa ako pero nahalata kong wala sa puso ang kanilang pagsimba. Paano ba naman kahit sa loob ng simbahan ay naghahagikgikan ang mga kabataang babae, at ang mga bata ay patakbo-takbo sa gitna at mayroon pa ngang umiyak, ha! Mga walang galang! Katulad nga ng nasabi ko kanina tungkol sa isang babaeng nakatabi ko, ‘plastikado’ ang karamihan sa mga taong nagsisimba. Alam kong malaya ang tao kung ano ang kanyang naising gawin subalit dapat din nilang isipan ang lugar na pag-aangkupan ng kanilang mga kilos at reaksiyon. Ang ibang mga lalaki naman ay nagsisimba upang maghanap ng makaka-date. Malilikot ang kanilang mga mata sa paghanap ng mga babaeng magaganda at seksi. At kapag may nakitang ganoon ay akala mo ay huhubaran na ang babae kung makatingin. Karamihan din sa mga nagsimba nang umagang iyon ay nakasuot ng bago at magagandang damit. Sabagay tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay marami ang nagkakaroon ng kakayahang bumili ng mga bagong gamit. Ang Pasko ay para sa buong pamilya at natutuwa ako sa mga mag-anak na magkakasamang nagsimba subalit marami rin sa mga taong nagsimba ay magkasintahan. Saludo ako doon sa mga magkasintahang magkasamang nagsisimba ngunit kung gagawa sila ng PDA (public display of affection) sa loob ng simbahan, mahiya naman sila, ano!

Samu’t saring emosyon ang naranasan ko sa pagdalo sa kauna-unahang simbang gabi ng buhay ko. Nalungkot, nainis, natuwa, at kung anu-ano pa ngunit sa pangkalahatan, hindi ako nagsisisi na naranasan ko ang kakaibang karanasang ito. Masaya palang magsimba sa umaga at ngunit ang nakaapekto talaga sa akin ay ang matuklasang masarap pala ang gumising nang maaga.

Praise the Lord!

Praise the Lord for His unfailing love
By His grace and compassion.

Praise the Lord for great things He has done;
The wonderful creations –
Vast skies and seas
Tall mountains and trees
Smiling sun that greets the day
Gives us hope and keep us astray
Silvery moon and stars that shines
Guides us all during the nights
Birds that are singing
Plants and animals are rejoicing.

Especially the man on His image
Who always gives glory to Him.

Praise the Lord, for He is fair and holy.

- UP Lagoon, June 16, 2001