Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa horoscope at mga hula. Sa aking pagri-research, narito ang ilan sa mga punsoy tips para sa lahat. Ang ilan sa mga ito ay nakabatay sa mga zodiac signs at petsa ng kapanganakan.
- Tandaan na kapag madilim ang bahay ay walang papasok na mabuting kapalaran sa nasabing tahanan. Piliting laging maliwanag ang bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng bintana upang pumasok ang sariwang sinag ng araw o kaya naman sa paglalagay ng maraming ilaw. Tandaang higit na mas maliwanag dapat ang kusina kaysa sa iba pang bahagi ng bahay sapagkat sa kusina nagmumula ang grasya at magagandang kapalaran.
- Mapalad ang pan-display na nakukuha sa ilalaim ng ilog at dagat para sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Pisces, Cancer at Scorpio, gayon din ang mga taong may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25. Mapalad din sa kanila ang mga aquarium at iba pang dekorasyong nagtataglay ng tubig.
- Itim ang pinakamapalad na kulay para sa mga taong isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, gayon din sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Cancer higit lao kapag nararamdaman nilang bigung-bigo na sila sa buhay. Sa panahon namang kampante pa ang buhay at hindi masyadong namumroblema, okey ding isuot ang kulay na berde at dilaw.
- Mapalad ang pan-display na bulaklak at mga halaman sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Taurus at Libra gayon din sa mga taong isinilang sa mga petsang 6, 15, 24, 7, 16, at 25.
- Ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Taurus at Libra ay sadyang magiging masuwerte sa mga tauhan, alalay, kaibigan, kasama, o kasangga na may mahabang buhok. Ibig sabihin, lagi kayong magsasama sa mga taong may mahabang buhok upang makamit ninyo ang kakaibang suwerte at buwenas na idudulot nila sa inyong kapalaran.
- Mapalad ang kulay na pula at violet, gayon din ang pink at maroon para sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Libra, higit lalo kung ang nasabing Libra ay nagtataglay ng birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.
- Mapalad ang batong diamond para sa mga taong isinilang sa buwan ng Marso hanggang Abril, lalo na kung ang nasabing bato ay ipapalamuti sa gintong singsing. Lalo namang titining ang bisa nito bilang panghigop ng suwerte at magandang kapalaran sa negosyo at pag-ibig kung ang nasabing bato ay ibibilad sa kabilugan ng buwan sa loob ng tatlong oras sa bawat pagsapit ng araw ng Biyernes na natapat sa kabilugan ng buwan.
- Mapalad na pan-display sa sala ng bahay ang mga bagay na walang tigil sa paggalaw kapag nahihipan ng hangin tulad ng pendulum at wind chimes para sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Virgo at Gemini, gayon din sa mga taong isinilang sa petsang 5, 14 at 23.
- Upang maakit ang salapi at mga materyal na bagay, sa tuwing pipirma o kaya'y kahit na sa inyong sulat-kamay, buksan ang dating nakasarang “o” sa pagsulat. Tandaang ang nakabukas na “o” ang kusang hihigop ng suwerte sa larangan ng pananalapi at materyal na bagay.
- Upang palarin sa anomang pagnenegosyo ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, at Sagittarius, magsindi muna ng apat na kulay pulang insenso bago magbukas ng opisina at tindahan. Ganito rin ang gawin sa hapon o sa gabi bago isara ang opisina o tindahan ng nasabing negosyo, muling magsindi ng apat na kulay pulang insenso.
- Sa pagnenegosyo, mapalad ang pirma na dalawang initial lamang at pagkatapos ay pagsulat ng tuloy-tuloy sa apelyido. Tandaan din namang mas malaki ang lagda o pirma, mas mabilis na aasenso ang isang tao higit lalo sa aspetong pangmateryal at pangkabuhayan.
- Ang pinakamapalad na hugis para sa flooring ng bahay at mga building ay bilog. Sapagkat ang hugis bilog ay sumisimbolo sa salapi at eternity.
- Kung magpapatayo ng bahay o kaya'y building nagagamitin sa business, pinakamapalad na disenyo ay iyong nakaharap sa silangan ang pintuan. Mas lalong iigting ang suwerte kung ang nasabing pintuang nakaharap sa silangan ay tinatamaan ng unang sikat ng araw sa umaga.
- Higit na mapalad ang bintana sa direksiyong silangan kung ito ay laging nakabukas. Hindi naman maganada ang bintana sa direksiyong kanluran. Kung may bintana sa inyong bahay na nakaharap sa kanluran, mas mainam na lagi na lang itong isara.
- Kung laging nakadarama ng kalungkutan, pag-iisa at hindi na halos makayanang harapin ang pang-araw-araw na buhay dahil sa dami ng mga problema, ang pakikinig ng musika ay may malaking maitutulong. Kung wala namang hilig sa music, maaaring mamasyal sa gilid ng ilog o dagat, o kaya nama'y tanawin ang paglubog ng sikat ng araw. Sa mga paraang nabanggit, gagaan ang loob at mas madaling makakisip ng mga tamang solusyon sa mga problema.
- Kung nararamdaman mong bigong-bigo ka na buhay, dapat mong baguhin ang iyong hair style. Mas magiging paborable sa iyong kapalaran, na siya ring magpapalakas ng ningning ng iyong aura, kung ang dating nakalugay na buhok ay hahawiin mo paitaas. Kailangang lumantad ang kabuuang bahagi ng noo at mukha upang mas madaling mahigop ng indibidwal ang malaking suwerte at buwenas.
- Mapalad ang mga larawang dalawahan o magka-partner, gayon din ang mga larawang nakaharap sa direksiyong pakanan. Ito ang dapat idisplay sa sala ng inyong bahay upang makahigop ng dagdag na suwerte at magandang kapalaran sa mga naninirahan sa nasabing bahay.
Patuloy pa rin akong nagbabasa ng mga libro tungkol sa punsoy at astrology. Abangan niyo na lang ang iba pang mga punsoy tips na ipa-publish ko dito.
12 comments:
ano po ang magandang araw at petsa sa paglipat sa bagong bahay ngayong 2017?
Ano po b ibig sabihin ng "sa pagnngosyo mapalad ang dalawang initial lang tapos ay pag sulat ng diretso sa apelyedo,initial po ba yan ng first name at middle name tapossaka isusulat ng buo ang surname o initial lang ng first at surname saka ideretso na pagsulat ng apelyedo?
Ano po magandang araw at petsa mag bukas ng negosyo ngaung Oct.. .
Zodiac sign q po Capricorn
Dec 28 1983 birthday ko..
Tnx po
Ano po ba png paswerte sa buisnesd
Ano po ang tamang petsa sa pagpapatayo ng bahay ngayung buwan ng July
ano po ang tamang pitsa sa pag bukas ng unang tindahan buwan ng aug at ano mga pampawsirteng ilalay
Ano pong maswerteng araw sa pagbubukas ng negosyo sa buwan ng Setyembre para sa mga Gemini.thanks po
Ano po Ang araw sa pagbubukas ng negosyo this month? Ang birthday ko po ay January 18,1966
Ano pong magandang petsa sa pagpatayo nang bahay sa nobyembre?
ano po ang magandang ihanda na pagkain sa pagpatayo nang bahay?
Anu ang masuwertenh date at araw sa pagbubukas ng canteen
Ano po ba magandang araw at date ng pagbubukas sari sari store
Post a Comment