Paano nga ba malulunasan ang lahat ng klase ng problema?
There is a "universal solution" for all kinds of problems. Ang tawag dito ay KATUGMAAN (Harmoniques).
Sa pamamagitan ng Katugmaan, madali mong maiaayon ang iyong sarili sa mga patakaran ng BUHAY. Narito ang sampung napakadaling hakbang (ten easy steps) ng Katugmaan.
ANG SAMPUNG HAKBANG
1. Aminin na hindi mo kaya ang problema at nangangailangan ka ng tulong upang ito ay malutas.
2. Unawain mo na Maykapal lamang ang tunay na lunas sa iyong problema, sapagkat Siya ang namamahala ng buong sanlibutan.
3. Isuko mo ang iyong mapait na kahapon, isuko mo ang problema, isuko mo ang iyong sarili sa mapagpalang kamay ng Maykapal.
4. Palaganapin mo ang katahimikan (meditation) sa iyong puso at isipan. Sa katahimikang ito dadaloy ang lunas, mula sa Walang-Hanggang karunungan ng Maykapal.
5. Tuklasin mo kung bakit ka nagkaroon ng problema. Analyze the situation. tuklasin mo kung ano ang dahilan.
6. Now that you have discovered it, be ready to forgive. Patawarin mo ang lahat ng mga nagkasala sa iyo (pati na ang iyong sarili), basbasan at pakawalan na ng lubusan. Let go, and let God.
7. Iwasto mo ang iyong mga nagawang pagkakamali at bayaran ang mga utang. Makipag-ayos ka sa kapwa.
8. Ngayon, tuparin mo na ang kalooban ng Maykapal na "Ang magmahal upang mabuhay, at mabuhay upang magmahal nang walang pasubali sa lahat ng sandali".
9. Manindigan, magtiwala at manalig sa Maykapal, kahit na ano ang mangyari. Kumapit ka sa Kanya nang mahigpit.
10. Magbigay ng magandang halimbawa at balita, upang matulungan ang kapwa.
No comments:
Post a Comment