Tips Upang Tumalas ang Isip

Ipinapalagay ng mga siyentipiko at espesyalista na ang mga nakatatanda ay kadalasang mahirap nang unawain at hindi na madaling makaintindi kaysa sa mga kabataan. Kung saan ang pagiging malikhain ay likas sa mga kabataan, gayundin ang kanilang kabuuang kakayahang mental. Gayunman, ayon sa mga bagong pag-aral, ang utak ng isang tao ay nagtataglay ng malawak na pagkabanat o enormous plasticity na siyang magsisilbing abilidad upang makabuo ng bagong neurons (brain cells) at bagong koneksiyon sa pagitan ng mga neurons. Ang brain plasticity ay nagaganap kapag nagkakaedad ang isang tao.


Pasiglahin ang Utak

Ang mga taong labis na mapag-isip at malikhain sa usaping mental ay maaaring makaragdag ng synaptic connection ng hanggang dalawampung porsiyento. Sila rin ay nakararanas ng pagtaas ng neurogenesis, isang formation ng bagong neurons. Resulta nito ay pagiging mabilis mag-isip, maayos na memorya, atbp.


Mag-ehersisyo

Mas nagkakaroon ng malinaw na kaisipan ang mga taong nag-eehersisyo at nababawasan din ang panganib na magkaroon ng Alzheimer's disease at iba pang uri ng dementia. Partikular na nakabubuti ang aerobic exercise sa sirkulsyon ng dugo at oxygen sa utak. Sa isang pag-aaral, mas higit na tumataas ang pisikal na aktibidades ng isang matandang babae sa pamamagitan ng simple ngunit may distansiya rin namang paglalakad.

Ang pagsasagawa ng ehersisyo ng mula tatlumpo hanggang apatnapu't limang minuto na apat na araw sa isang linggo ay higit na makabubuti. Mas mainam ang cardivascular exercises gaya ng swimming at brisk walking o matuling paglalakad kaysa sa weight training. Nakapagpapabuti ng cardiovascular fitness ang aerobics na pinaniniwalaang nakapagpapataas ng network ng blood vessel sa harapng bahagi ng utak na nakakapag-stimulate ng pag-release ng chemical na siyang nakakapagpatibay ng brain cell survival at plasticity.


Patibayin ang Parehong Bahagi ng Utak

Hindi totoo ang usapin tungkol sa pagiging right-brained at left-brained ng isang tao. Sa halip, kapwa ginagamit ang parehong bahagi ng utak sa buong sirkulasyon ng buhay. Ngunit ang hindi pa gaanong matanda ay mas higit na gumagamit ng isang bahagi lamang ng utak, sa pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita at iba pa. Matapos ang middle age, pinaniniwalaang ginagamit na tao ang parehong bahagi ng kanyang utak. Nagsisilbi itong protective mechanism na nagbibigay-pahintulot sa utak upang malampasan ang ilang pagbabago sa katawan na may kinalaman sa pagtanda. Mainam ang pagsali sa mga drawing classes o book club habang isinusulat ang autobiography.

2 comments:

mabel said...

hello. may award ako para sa iyo. please check out my blog. thanks:-)

Anonymous said...

okay

Blog Archive