Kambal na Award

Naranasan ko naman ang kahalagahan ng numerong 2 sa aking buhay. Nakatanggap ako ng dalawang blogging award kay Mabel ng Swirling Thoughts, ang Brigadeiro Award at Neno's Award.




Batay sa aking pananaliksik, salitang Portuguese ang brigadeiro na tumutukoy sa isang chocolate candy na gawa sa Brazil. Actually, ang brigadeiro ay ang pambansang candy ng mga Brazilian. Ipinangalan ang pagkaing ito sa isa nilang bantog na militar at pulitiko ng kanilang bansa na si Eduardo Gomes. Si Gomes ay isang brigadeir, ang tawag sa isang ranggo ng army na mas mataas sa Colonel pero mas mababa sa General.




Nahirapan naman akong hanapin ang kahulugan ng Neno. Hindo ko alam kung may kaugnayan ba ang larawan sa itaas sa ibig sabihin ng Neno's Award. Subalit natuklasan ko na may isang sikat na Portuguse personality na nagngangalang Neno. Siya ay tanyag na football goalkeeper sa Portugal noong dekada 80's. Hindi ko alam kung may malalim pang kaugnayan ang Neno sa Brigadeiro maliban sa pareho silang Portuguese ang origin.


Bakit ko nga ba ginagawa ang blogging? Sabi ng mga kaibigan ko, internet addict daw ako. Tama naman sila. Sa bahay namin ay ako lang ang inaabot ng umaga sa pagsu-surf ng internet. Maliban pa rito, I love writing so much. Isa kasing paraan ng pagri-release ng stress ang pagsusulat. I used to keep a diary before. Pero nang magkaroon ako ng sariling laptop, mas pinili ko na lang na magsulat online.

I am blogging to reach out those people that can be inspired with my thoughts and experiences. Blogging, thus, is one way to gain friends and extend human network. I also use blogging to keep in touch with my friends.

Ipinapasa ko ang mga awards na ito kina Pablo, Jodl, Maine at Andrei.

So here's the rules:
1. The winner can put the logo on his/her awesome blog.
2. Link the person you received your award from.
3. Nominate at least 3 other blogs.
4. Put links of those blogs on yours.
5. Leave a message on the blogs of those you’ve nominated!

Keep blogging!

3 comments:

PABLONG PABLING said...

waw. nakaka tats naman kasali ako sa blog awards mo. ito na ang pinaka unang nomination ko o mapabilang man lang sa mabibigyan ng award. . teka nga ulit asan po diyan ang logo na lalagay ko sa blog? . .

maraming salamat at napili mo ang aking munting blog

PABLONG PABLING said...

aw. ganoon ba.
maraming salamat po.
lagay ko na

astrodeus said...

You're welcome!

Blog Archive