Mga Sintomas ng Sakit na Myoma

Tinatawag na myoma o uterine fibroid ang tumutubo na parang bukol sa loob o labas ng sinapupunan o matris). Hindi ito cancer. Sa ngayon, hindi malinaw ang dahilan nito subalit may impluwensiya ang estrogen at progesterone hormones sa paglaki nito.


Kalahati ng mayroong myoma ay hindi kakikitaan ng anumang sintomas. Kung may sintomas man, ito ay kadalasang hindi malala at hindi kailangang gamutin. Marami rin sa mga myoma ay lumiliit o nawawala nang mag-isa sa pagsapit ng menopause.


Maaaring maging sintomas ng myoma ang mga sumusunod:
  • Abnormal, malakas at matagal na regla. Bleeding at spotting sa pagitan ng mga menstrual period.
  • Anemia o kakulangan ng dugo dahil sa sobrang regla.
  • Masakit na tiyan, baywang o likod habang nagtatalik.
  • Madalas at hindi mapigilan na pag-ihi. Madalas na urinary tract infection o UTI.
  • Constipation
  • Hindi mabuntis
  • Problema sa panganganak katulad ng premature labor, miscarriage o abortion.


Maiging komunsulta sa doktor kung:
  • Masyadong malakas ang inyong regla
  • Kung biglang masakit ang inyong pagreregla
  • Kung madalas at masakit ang pag-ihi, may dugo sa ihi o walang kontrol ang pag-ihi
  • Kung humahaba at iregular ang inyong menstrual cycle
  • Kung sumasakit na ang inyong puson

Matapos ang pelvic exam, maaaring magpagawa ang inyong doktor ng pelvic ultrasound o kaya MRI kung kakailanganin.


Kapag malaki na ang myoma at malala na ang mga sintomas katulad ng hindi mabuntis, miscarriage, sobrang bleeding, pelvic pain, anemia, at iba pa, kailangan na itong alisin.


Kung maaari, ang bukol o myoma lamang ang aalisin. Ang tawag dito ay myomectomy. Ngunit kung minsan, dapat alisin din pati ang uterus kaya hysterectomy na ang gagawin. Huwag kayong matakot na ipatanggal ito kasama ang uterus lalo na kung tapos na ang panahon ng panganganak. Malaking ginhawa ang maidudulot ng pag-alis nito sa inyong pangkalahatang kalusugan at pagkilos.

208 comments:

«Oldest   ‹Older   201 – 208 of 208
Anonymous said...

Ung anak ko mula ng lockdown di sya nagkaroon ng mens anu po ang dahilan gang ngaun wala pa rin po xa. Maitim ang leeg at mataba pero malabot.po tyan nya dalaga walang bf. Grade 10 anu po.kaya ang pwdeng nyang gawin.

Anonymous said...

Helo po anu kinain Nyo n gmot para tumigil ang meanstration...Gnun dn po ako pakonti konti nmn Mg 2 months n skn HND prn nwala🥲

Anonymous said...

Hi, last nov22 evening ako niregla then till now 27 na,kinakakbahan nako kase monthly naman ako dinadatnan and 3 days lang lagi regla ko saka sobrang lakas,nasakit lagi puson ko pah iihi sumasakit din private part and puson ko,di rin ako mabuntis kahit wal akong ginagamit ng contraceptive,last week may nangyare samin ng asaw ako naallaa ko na sumasakit puson ko,posible po ba na may myoma ako pa help po mag one week na kase regla ko then napkaa lakas

Anonymous said...

Nakaraan nag karon ako, ng 10 days tpos mga ilang weeks lang nag karon ulit ako ng 3 araw tapos ngayon nag karon ulit ako tyaka sumasakit yung puson ko, bakit ganito🙁🙁

Anonymous said...

Magpakasal daw muna kayo para dika nya hiwalayan malande

Anonymous said...

ganon din ako sis ano na result sa iyo.salamat natatakot kasi ako

Anonymous said...

Tanong kulang po normal lang po ba na matagal mawala Ang regla 1months and 25 days

Anonymous said...

Mam meron po akong myoma at csyt kaso kahit anong gawin Kong papa puti sa leeg ko maritime pa din naliligo naman ako

«Oldest ‹Older   201 – 208 of 208   Newer› Newest»

Blog Archive