Pagdating sa kahit anong trabaho, mapagkakatiwalaan ang mga Taurean. Maingat at mapagkakatiwalaan, hindi nila iniiwan ang kanilang responsibilidad kahiy ano ang mangyari.
Sa simula ay masasabing sila'y mababagal gumawa subalit bumibilis rin kapag gamay na nila ang trabaho. Mabusisi sila at kahit maliliit na detalye ay kanilang tinututukan. Makikita naman sa kanilang mga natatapos na gawa ang mataas na kalidad kaya sulit na rin kahit sa umpisa ay mabagal silang magtrabaho.
Ngunit hindi naman lahat ng Taurean ay mababagal sa paggawa. Sa katotohanan ay marami sa kanila ay mabibilis mag-isip at matatalino pa. At kapag natutunan na nila ang isang bagay, hindi na nila ito nakakalimutan. Lalo na kapag natutunan nila by experience. Sabi nga, they know it by heart. Minsan ay tuso sila pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo pero kadalasan naman ay mataas ang tingin sa kanila ng kanilang mga kasamahan at maging ng kanilang mga kakumpetensiya sa negosyo.
Hindi tamad ang isang Taurus at lalong hindi siya pabaya. Masaya siya sa kanyang trabaho at ginagawa niya ang kanyang makakaya para makapagbigay ng magandang resulta.
Iwas siya sa mga pakikipagsapalaran pagdating sa negosyo. Mas pinipili pa niya ang mga subok nang pamamaraan. Kung siya ay magsosolo o gagawang mag-isa, tinitiyak niyang tama ang lahat ng hakbang na kanyang gagawin. Subalit kadalasan, dahil sa takot siyang gumamit ng mga bagong pamamaraan, marami siyang napalalampas na mga oportunidad. Gayunman, madalas naman siyang nagtatagumpay sa kanyang mga proyekto gamit ang kanyang makaluma at subok na pormula.
Bagay sa isang Taurus ang posisyon ng may awtoridad. Mahusay siyang manager at alam niya kung paano isaayos ang mga bagay-bagay. Wala siyang problema sa pamamahala kahit gaano karami ang mga taong nasa ilalim ng kanyang pangangalaga dahil nagbibigay naman siya ng magandang halimbawa sa paggawa.
Marami sa mga taong Taurus ang nagiging matagumpay bilang arkitekto dahil mahusay sila sa drawing at design. Mayroon din silang green thumbs at karamihan sa kanila ay ginugustong mamuhay sa probinsiya at isangkot ang sarili sa pagtatanim. Kahit anong halaman ang kanilang itanim ay tumutubo at nagagawa nila itong mapamulaklak o mapamunga. Kung mabibigyan lamang ng pagkakataon, o kung mayroon siyang malaking lugar, maaari siyang maging matagumpay sa pagnenegosyo na may kinalaman sa lupa o halaman. Kaya nga suwerte sila sa mga real estate, paghahalaman at kasama na rin dito ang pag-aalaga ng mga hayop na pambukid gaya ng baka, kalabaw, baka, manok at iba pang kauri nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2009
(88)
-
▼
March
(12)
- Tips Upang Tumalas ang Isip
- Earning Money with PTCs
- Sony VAIO P: Pocket Style PC
- Career at Trabaho Para sa mga Taurus
- Emulators for Windows
- Gabay sa Pagsusulat ng Romance Novels at Maikling ...
- Mga Sintomas ng Sakit na Myoma
- Mga Dahilan Para Manatiling Single
- Make Firefox Load Pages Faster - wikiHow
- Francis Magalona: Tunay na Makabayang Pilipino
- Lunch with Man in Blue Uniform
- Earn Money By Searching The Internet
-
▼
March
(12)
No comments:
Post a Comment