Remedyo sa Rayuma

Kung nasa lahi ninyo ang rayuma, malaki ang posibilidad na magkaroon din kayo nito sa hinaharap. Totoo nga na hindi natin maiiwasan ang magkaroon ng rayuma lalo sa sa ating pagtanda. Subalit mayroon tayong magagawa upang mabawasan o maiwasan ang kirot na kaakibat ng atake ng rayuma.

Narito ang ilang tips para sa mga taong kasalukuyang pinahihirapan ng rayuma:
  • Baguhin ang ilang nakasanayang aktibidad na nagdudulot ng discomfort.

  • Ugaliing mag-ehersisyo ng regular. Pinalalakas ng pag-eehersisyo ang mga masel na nakapalibot sa mga joints. Kung matibay ang mga masel na nandun, maaalalayang mabuti ang joint at mababawasan ang pagkasirang sulot ng fatigue. Kung maaari, gawin ang mga stretching exercises.

  • Kung nakararanas ka ng pananakit no discomfort sa likod, balakang, tuhod o paa, makatutulong nang malaki kung babawasan ang timbang.

  • Makatutulong ang paliligo nang maligamgam na tubig para mapawi ang paninigas ng mga joints sa umaga.

  • Kung hindi naman maga ang joint, maglagay ng pinainitang bimpo o tuwalya sa naturang joint sa loob ng kalahating oras, dalawa hanggang tatlong beses maghapon. Kung magang-maga ang joint, huwag gawin ito.

  • Maingat na igalaw ang mga joints araw-araw o paikutin ang joint hanggang sa makakaya nito. Ito ay upang hindi manigas ang mga bahging apektado.

  • Kung may nananakit na joint, matutong ipahinga ito pansamantala. Dalasan ang oras ng pamamahinga sa maghapon. Kailangan ito ng mga joints upang magkaroon ng bagong sigla.

  • Maglagay ng bola-de-yelo sa namamagang joint sa loob ng 10 minuto, minsan sa isang oras. Makatutulong ito upang mabawasan ang kirot at pamamaga (medyo hindi nga lang komportable sa una).

  • Subukan ang mga tinatawag na low-impact activities gaya ng paglalangoy, pagbibisikleta, at paglalakad.

  • Makatutulong ang aspirin, ibuprofen, naproxen sodium, at ketprofen para mapaampat ang kirot pero hindi ito dapat inumin kung walang laman ang tiyan sapagkat ang mga gamot na ito ay nakagagasgas ng sikmura.


Kailan kailangang kumunsulta sa doktor?


  • Kung may lagnat o rash sa balat na may kasamang matinding pananakit ng joint
  • Kung hindi mo na magamit ang joint dahil sa tindi ng kirot
  • Kung matindi ang kirot at pamamaga sa maraming joints
  • Kung umabot na sa anim na linggo ang pananakit ng joint at wala nang magawang remedyo ang mga gamot sa bahay
  • Kung nagkaroon ng komplikasyon sa mga iniinom na gamot kontra-rayuma. Halimbawa: dumumi ng itim at maamoy na pupu, pagduduwal, o pananakit ng sikmura.
  • Kung nakaranas ng matinding pananakit ng likod na may kaakibat na paghina ng hita o pagkawala ng kontrol sa pagdumi o pag-ihi

Blog Archive