Ano ang Tunay na Lalake?

Kabubukas ko lang ng yahoo email ko nang makita ko ang isang update galing sa facebook account ko. Na-curious akong basahin dahil sa titulong "Para sa mga tunay na lalake...". Agad kong pinuntahan ang naturang blogspot na "Hay! Men! Ang Blog ng mga Tunay na Lalake" at wala akong nagawa kundi ang tumawa nang tumawa. Masyado akong natuwa sa blog na ito kaya sign in agad ako bilang follower. Isa sa mga nagustuhan kong post ay ang mga pamantayan ng pagiging tunay na lalake. Narito ang nasabing post:


Manipesto ng Tunay Na Lalake



  • 1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.

  • 2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.

  • 3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.

  • 4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.

  • 5. Ang tunay na lalake ay walang abs.


  • 6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.

  • 7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.

  • 8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.

  • 9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.

  • 10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

No comments:

Blog Archive