Hugh Jackman, Sexier in "Wolverine"


Matagal ko nang inaabangan ang pagbabalik sa silverscren ng X-Men movies lalo na ang bagong film feature kay Wolverine, isa sa mga main character ng X-Men series. Nagbukas ito sa mga sinehan sa Pilipinas noong Abril 30 pero may trabaho ako kaya Linggo (May 3) ko na ito napanood. Tamang-tama nga pag-release ng X-Men Origins: Wolverine dahil malapit na rin ang aking kaarawan. Pinanood ko ang pelikula bilang birthday gift ko sa aking sarili.

Binalikan ng pelikula ang pinagmulan ni Logan aka Wolverine (Hugh Jackman) mula nu’ng pagkabata niya bilang si James Howlett hanggang sa sumabak siya sa digmaan at maging miyembro ng covert military group na Team X kasama ng iba pang mutants.

Ipinakita rin kung paano siya nagkaroon ng adamantium claws at ang kanyang romansa sa school teacher na si Kayla Silverfox (Lynn Collins).

Nagmumura ang ka­seksihan ni Hugh Jackman sa Wolverine, na siya ang pinakabida dahil wala pa ang iba niyang mga kakosa sa mga naunang X-Men movies.

May mga eksenang hubo’t hubad siya (tulad ng umahon siya mula sa pinaglubluban sa kanya nang operahan siya’t salinan ng adamantium) pero ang galing ng kamera at hindi bumuyang­yang ang kanyang harapan.


Pati ‘yung pagtalon niya nang nude sa napaka­taas na falls ay alaga rin ang kanyang shot.
Tila mas lumakas pa ang appeal ngayon ng Aussie actor na si Jackman pagkatapos ng kanyang bonggang hosting job sa Oscars na ipinamalas niya ang kanyang galing sa pagsayaw at pag-awit.
Balik siya sa pagi­ging action superhero sa Wolverine na tadtad ng maaaksyong eksena, gaya ng buong ning­ning na tumalon si Logan sa ere sabay ‘kalmot’ ng kanyang powerful claws sa elisi ng lumilipad na chopper.

Katropa niya sa Team X ang warfreak niyang kapatid na si Victor Creed aka Sabretooth (Liev Schreiber), ang expert tracker at lethal marksman na si Agent Zero (Daniel Henney), ang dambuhalang super-lakas na si Fred J. Dukes aka The Blob (Kevin Durand), ang teleporter na si John Wraith (will.i.am ng Black Eyed Peas), ang mahusay mag-manipulate ng kuryente na si Bradley (Dominic Monaghan), at ang paborito naming si Wade Wilson aka Deadpool (Ryan Reynolds).

Aliw kami sa kadaldalan ni Ryan Reynolds at hanep ang eksenang kaswal niyang sinasalag ang mga bala gamit ang kanyang espada (bilang isang hi-tech mercenary na bihasa sa swordplay).
Nang i-‘recycle’ siya at maging si Deadpool sa bandang ending ay astig ang bakbakan nila ng mag-utol na Wolverine at Sabretooth.

Taglay ng hitad na Deadpool ang sari-saring powers kaya kandahirap ang dalawa sa pakikipagbuno sa kanya.

Markado ang debut appearance dito ni Remy LeBeau aka Gambit (Taylor Kitsch), na isa sa may pinakamaraming fans sa X-Men universe.

Makikita rin ang isang teenage Scott Summers (Tim Pocock) na kapagkuwan ay magiging si Cyclops at isa pang bagets mutant na si Emma Frost (Tahyna Tozzi).


Right choice bilang direktor si Gavin Hood (nagdirehe ng 2005 Oscar-winning Best Foreig­n Languange Film na Tsotsi) dahil nabigyan niya ng bagong atake at bagong ideya ang Wolverine.

No comments:

Blog Archive