My First Team Building


Sa wakas, natuloy din ang matagal na naming binabalak na team building. Early december pa namin ito napag-uusapan tuwing may meeting. Na-delay dahil sa kawalan ng pondo para sa aming team kaya napagpasyahan namin na mag-ambag-ambag na lamang tutal kami naman ang masisiyahan.

Hindi nagkasundo sa mga dates noong una, kesyo may family affair, may importanteng lakad sa ganitong araw, at iba pang mga balidong rason. Hindi rin nagkasundo sa babayarin, kesyo maraming dependents, may importanteng paggagastusan, etc. Sumapit ang araw na kintatakutan ng lahat, ang magbawas ng mga empleyado dahil binawasan ang budget ng US client. Recession kasi sa US ngayon, sad to say. Minadali tuloy ng coach namin ang pagpaplano sa team building dahil apektado ang lahat sa nangyaring pagbabawas. Good thing is inilipat lang sa ibang account ang mga empleyado, hindi tinanggal sa kumpanya gaya ng nangyari sa ibang establishment.


Last week na magkakasama kami, talagang ipinursige ng mga event organizer ng team na ituloy ang naudlot na team building. Umayon naman ang lahat kahit may ilan ding hindi makakasama for personal reasons. I admit, I'm depessed that time dahil isa ako sa mga nalipat ng account, pero naisip ko rin na tama lang siguro na magpakasaya kami sa nalalabing araw na puwede kaming magkakasama. So, tuloy ang team building kahit wala pang eksaktng lugarna pupuntahan. Basta ang plano ay sa Pansol, Laguna kami mag-spend ng overnight with matching swimming.

Sobrang trapik papuntang Laguna kaya tanghali na kami nakarating kahit pa ikapito ng umaga kami umalis sa Sitel Ortigas, Pasig City. Isang oras din kaming nagpaikot-ikot sa Pansol bago namin natagpuan ang Balay Dionisia, isang bahay-baksyunan na pinauupahan din bilang private resort.


Maganda ang loob ng bahay, maluwag ang sala, may refrigerator ang kusina, may videoke sa beranda, fully-airconditioned ang dalawang kuwarto, at ang pinakaaasam ng lahat, ang maluwag na swimming pool!


Subalit napa-WOW! kami dahil mayroong jacuzzi! Ang sarap maligo sa warm water at talagang narelaks ang aking katawan. Para na rin akong nagpamasahe sa isang magaling (at guwapong) masseur habang bumubuga ang tubig sa jacuzzi.


We stayed overnight at siyempre hindi malilimutan ang picture taking sa loob at labas ng Balay Dionisia. Umuwi kaming may mga ngiti sa labi at nangakong babalik sa naturang lugar kasama ang iba pang mahal sa buhay. Personally, this is really an unforgettable experience because it is my first time to have a team building after working for almost 5 years. Before kasi, we also palnned it pero hindi rin natuloy. I'm glad that this team building from my present company did push through.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa nasabing private resort, narito ang kumpletong address at contact number:

Balay Dionisia Private Pool
Cecilia De Montagna Exclusive, Purok 1
Pansol, Calamba City, Laguna


You may call David Pangilinan Jr. at 09193342213
or at their Rosario Residence 046 437 2916.

No comments:

Blog Archive