- PAHUYASING ANG ACTING. Simpleng umakto lamang na masayahin at outgoing kaysa sa normal mong ugali para tuloy-tuloy ang iyong napakasayang mood at matulungan na madoble ang saya. Nang pag-aralan ang isang tao at paaktingin nang masaya, 90% ng mga ito ay naiulat na mas gumanda pa ang mood. “Kung aakting ka ng sobrang kumpiyansa, iyan na rin an gang tingin sa’yo ng tao at ganyan din ang magiging treatment sa’yo,” ani University of Southern California acting professor Laurie Burton at dahil ditto ay higit kang magiging kumpiyansa.
- MAKUHA ANG ATENSIYON SA MABILIS NA PAGSASALITA. Sa party, madaling lapitan ang taong may kumpiyansa. Paano mo siya matututlaran? Subukan ang mabilis na pagsasalita. Pagdating mo, “Pumasok ka at mabilis na ipakilala ang sarili sa kaunting sasabihin,” ani Bernardo J. Carduci, Ph.D., may-akda ng The Pocket Guide to Making Successful Small Talk – pero huwag magtagal sa kaunting kausap. Ito’y para madali kang lapitan, lalo na kung ipakikita mong komportable kang makipag-usap sa maraming tao.
- MAGING MAGANDA SA PINK. Ito man ay kaakit-akit na fuschia sundress o coral flip-flops, “Ipinakita sa pag-aaral na kapag may pink kang kulay sa kasuotan o anumang abubot ay agad kang may magnetiko at kaakit-akit na dating, higit na mas maganda,” anang color researcher Dewey Sadka. Ayon sa mga researchers sa American Institute of Biosocial Research, natuklasan nila na relax sila, mababa an gang heart rate at presyon ng dugo sa kalahating oras, naglalabas ng maaliwalas, kampanteng epekto sa tingin nila sa’yo.
- AKITIN ANG KAHIT SINO SA BAHAGYANG PAGHAWAK. Ang magaan at sandaling tapik sa tao sa kanilang braso at balikat habang nakikipag-usap sa kanila ay nagbibigay senyales na ikaw ay palakaibigan at outgoing, maramdaman nila na sila ay welcome at tanggap ka nila. Sa isang eksperimento, ay tao ay 20% na handing magsayaw at papartner kahit sa hindi nila kilala kapag bahagya siyang nahawakan sa kamay, at dahil dito’y dalawang beses pa silang nais na magkakilalang mabuti. Ang dahilan – ang simpleng pagkilos ang magpapalabas ng oxytocin, isang bonding hormone na daman g isa’t isa ang koneksiyon.
- MAGSUOT NG SHADES. Kapag ang isang tao ay outdoor, magsuot ka ng sunglasses para magmukha kang outgoing at may atraksiyon, ayon sa pag-aaral ng University of London. “Kapag cool ang dating mo, higit kang nasa control at bida,” ani psychologist Glenn Wilson, Ph.D., para mas gusto pa ng ibang tao na makasama ka. Isa pang tip dapat ay ‘wag kang hahalukipkip ng kamay para hindi ka mahirap lapitan.
- HUWAG NANG MAG-INGLES KUNG HINDI RIN LANG KAYA. Pinatunayan sa research na hindi mo kailangang magpa-impress ng todo sa kagustuhang maka-Ingles kung hindi mo naman kayang magpaka-fluent. Painte-intelihente ka naman pero hindi ka naman talagang matalino. Mas mainam pa na gumamit ng madadali at maunawaang mga salita at higit ka pang mauunawaan ng iyong kaharap at nang hindi ka mapapahiya.
Tips Upang Maging Star sa Party
Baby shower, bridal shower at birthday party, puno ka ng mga dadaluhang okasyon ngaying buwan pero paano ka mananatiling nuhay at star ng party?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
August
(14)
- National Milk Chocolate Day
- Tula: Sa Aking Katulong
- A Prayer of Confession
- Driver: Sweet Lover
- Tinikman Habang Tulog
- Federalism in the Philippines?
- Agosto 21 ang Kamatayan ni Ninoy
- Tips Upang Maging Star sa Party
- Tips Sa Paghuhugas Ng Plato
- Ang Filipino Sa Kasalukuyang Gamit
- Philosophical Implication of the Space-Time Continuum
- Ang Komunikasyong Di-Berbal
- Remembering Randy
- My First Sexperience
-
▼
August
(14)
No comments:
Post a Comment