Walang pasok bukas, ika-18 ng Agosto. Ano ang kahalagahan ng araw na ito? Mayroon bang makasaysayang pangyayyari sa araw na ito? Pilit ko mang isipin, wala akong maisip. Ni sa kalendaryo ng mga santo o kalendaryo ng mga mga pista-opisyal, walang mahalagang pangyayari o personalidad na merong kaugnayan sa ika-18 ng Agosto.
Ngunit walang pasok bukas. Bakit? Dahil sa naturang “holiday economics” ng Malacanang. Dahil merong mahalagang pista sa darating na Huwebes, Agosto 21, ang ika-25 anibersaryo ng pagpatay kay Ninoy Aquino, walang pasok sa pinakamalapit na Lunes sa arwa na ito. Bakit? Para humaba ang ‘weekend’?, humaba ang pamamasyal, gumanda ang naturang “local tourism” at gumanda-ganda ang takbo ng ekonomiya dahil dito.
Eh, ano na ba ang nangyari sa anibersaryo ng pagpatay kay Ninoy? Nabigyang kahalagahan kaya ito sa paglipat sa Lunes ng pagdiriwang nito? Si Ninoy kay at ang mga pangyayaring ibinunga ng kamatayan nito ang maaalala sa paglipat ng petsa ng pagkamatay nito o ang bakasyong pinahaba?
Walng katulad sa mga tulad naming malalaki na noong agosto 21, 1983. walang problema sa aming mga kumilos laban sa diktadurya noong mga panahong iyon. Hindi bakasyon ang Agosto 21, 1983. Ito ay makasaysayang araw ng pakikibaka at pag-aalay ng sariling buhay sa bayan. E ngayon, ano ang binibigyang kahalagahan? Ang araw o ang taong dakila o ang bakasyon?
Kapansin-pansin na ang lumalaganap na kawalan ng pakialam ng marami. Ayon sa ilang manunuri, isang dahilan na raw ang kahirapn at kapaguran ng marami. Siyempre sa halip na makialam, uunahin na muna ang sariling sikmura. Maraming ulit na ring nakialam at nakibaka ang marami, ngunit wala namangnagyari. Kaya ‘wag na lang o ‘wag na muna. Kaya tila nagbabakasyon muna ang nakararaming mamamayan mula sa pakikialam. Tila nagbabakasyonmuna ang nakarararmi sa makasaysayang pakikibaka. Tila nagbabakasyon ang maqrami sa kasaysayan.
And dapat din nating tingnan dito ay ang hindi magandang epekto nitong naturang “holiday economics” ng Malacanang. Hindi lang ang pagkabisa ng mga petsa ang binibigyang-diin ng kasaysayan. Hindi petsa kundi ang kahulugan ng particular na prtsa. Hindi na kailangang ipaliwanag ang kahalagahan ng Disyembre 25, ng Pebrero 14 o ng Hunyo 12. Ngunit ang Agosto 21 at ang Pebrero 25 ay hindi ganoon kalalim ang pagiging bahagi ng kamalayang Pinoy. Ang kamatayan ni Ninoy noong ika-21 ng Agosto 1983 ay dalawampu’t limang taon pa lamang. Ang EDSA o People Power Revolution ng Pebrero 25, 1986 ay 22 taon pa lamang.
Bata pa sa kasaysayan ng bayan ang mga petsang ito. Ngunit sa kabila ng pagiging bago pa at ‘di pa katagalan ng mga mahahalagang tao at pangyayaring may kinalaman sa Agosto 21 o Peberero 25, unti-unti nang nawawala ang interes ng mga tao. Una, dahil sa kawalang pagpapahalaga na rin ng pamahalaan sa kadakilaan ng mga petsa na pinagpapalit-palit at nililipat-lipat. Pangalawa, dahil na rin sa pagtataksil sa diwa ng kabayanihan at wagas na pagmamahal sa bayan ng mga pinunong walang ibang mahal kundi ang sarili lamang.
Isa sa pinakakilala at madalas marinig na kasabihan ay ang “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Tiyak na walang Pilipinong nagsisilbi sa bayan bilang mga pinuno ang hindi alam o narinig ang kasabihang ito. Ngunit meron kayang epekto sa kanila ang mga kataga, ang diwa ng kasabihang ito?
Iba ang mga kataga at diwa ng pulitika sa Pilipinas. Namamayani ang pagiging makasarili at ang ambisyon. Pakitang-tao lamang ang pagmamahal sa kapwa o sa bayan. Halimabawa na lamang ang kasalukuyang ingay na naman ng Charter Change o ChaCha at ang pagsulong ng ilang mga opisyal sa Federalismo. Pagmamahal kaya sa kapwa ang dahilan ng pagtulak sa Cha-Cha at Federalismo?
Hindi halimuya ng mabango at sariwang bulaklak ang ibinibgay ng ChaCha o Federalismo kundi amoy ng dug9o at kamatayan. Ginising ng naudlot na Memorandum of Agreement on ancestral Domain ang natututlog nang ChaCha at usaping Federalismo. Dahil na rin sa MOA-Ad na ito, nagsimula na naman ang gulo sa Mindanao at ilang mga sundalo sa magkabilang-panig, sampu ng mga inosenteng mamamayan ang namatay.
Bakit? Dahil sa pagmamahal sa kapwa at sa bayan? Hindi lang sa kasaysayang nagbabakasyon ang mga namumuno kundi pati na rin sa pagmamahal sa kapwa at bayan.
Hindi po bukas ang anibersaryo ng KAMATAYN ni NINOY kundi sa AGOSTO 21, AGOSTO 21, AGOSTO 21! Namatay po si Ninyo hindi po para sa kanyang sarili. Namatay po si Ninoy noong AGOSTO 21 dahil po sa kanyang PAGMAMAHAL SA KAPWA at BAYAN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
August
(14)
- National Milk Chocolate Day
- Tula: Sa Aking Katulong
- A Prayer of Confession
- Driver: Sweet Lover
- Tinikman Habang Tulog
- Federalism in the Philippines?
- Agosto 21 ang Kamatayan ni Ninoy
- Tips Upang Maging Star sa Party
- Tips Sa Paghuhugas Ng Plato
- Ang Filipino Sa Kasalukuyang Gamit
- Philosophical Implication of the Space-Time Continuum
- Ang Komunikasyong Di-Berbal
- Remembering Randy
- My First Sexperience
-
▼
August
(14)
No comments:
Post a Comment