Ikaw ay single at walang commitment kaninuman. Nagagawa mong makipag-party at matulog hanggang tanghali ng walang sinumang magbabawal o sasaway sa iyong ginagawa. It's a great life, at bakit nga ba hindi? Sa ngayon, walang aktuwal na social pressure upang ikasal agad pagkatapos ng college o high school.
Gayunma'y ang nakaiiritang katanungan na ito ay nakapagpapagulo ng iyong isipan: Dapat na ba akong mag-settle down? Dapat ko na bang isuko ang aking kalayaan? Handa na ba akong harapin ang buhay may-asawa at magpaalam sa aking single days? Habang sinasagot mo ang mga katanungang ito, narito ang ilang mga dahilan kung bakit nais ng ibang manatiling single.
1. May panahon k apara hanapin ang tamang taong makakasama habambuhay.
Sa pagpapanatiling single, maaari ka pang makapaghintay para sa iyong true soul mate. Maaari ka pang makipag-date sa iba't ibang klase ng tao upang makapamili. Sa madaling salita, hinahanap mo si Miss Right upang maiwasan ang habambuhay na pagkakamali at ikasal dahil sa love (pag-ibig), hindi dahil sa desperado ka. Sa pamamagitan ng pag-eenjoy sa dating game, maaari kang makapamili na nararapat sa iyo at makaiwas sa hiwalayan sa panahong mag-asawa na kayo.
2. Maaari kang mag-focus sa iyong career.
Sa pagpapanatili na single, maaari mong i-enjoy at pagtuunan ng pansin ang oportunindad na itaguyod ang sariling career batay na rin sa iyong kagustuhan nang walang pressure mula sa permanent relationship. Ikaw ay malayang magtrabaho ng mahabang oras, magtarabaho kahit weekends o anumang gawain na maari kang magtagumpay. Ito ay mainam para sa mga nagtatrabaho ng propesyong nangangailangan ng mahabang oras tulad ng medicine, law o entrepreneurship. Ang advantage o kagandahan nito ay kapag lumago ang iyong business at maging mucho dinero ka, dadagsa ang mga taong magnananais na sila ay mapasaiyo at ikaw naman ay wala pang panahon para pag-isipan ang tungkol sa kasal.
3. Maari mong gawin ang anumang bagay sa anuman oras na iyong ibigin.
Kapag ikaw ay single, ang buong mundo'y parang isang talaba na maaari mong namnamin. Maaari kang kang makapamili at pumunta saan mo man gustuhin, gawin ang anumang bagay na naisin anumang oras mo gustuhin. Walang sinuman ang magdidikta sa iyo kung ano ang gagawin mo, bibilhin at pipiliin mo. Ikaw ay malayang lumabas kasama ng iyong mga barkada, party 'till dawn at maglaan ng ilang oras para sa iyong personal interests at hobbies. Higit sa lahat, ikaw ay may layang mamuhay mag-isa kung nais mo ang mga bagay na ito.
Para sa iba pang mga kadahilanan, maaari kayong magbigay ng iyong mga komento at ideya. Maraming salamat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2009
(88)
-
▼
March
(12)
- Tips Upang Tumalas ang Isip
- Earning Money with PTCs
- Sony VAIO P: Pocket Style PC
- Career at Trabaho Para sa mga Taurus
- Emulators for Windows
- Gabay sa Pagsusulat ng Romance Novels at Maikling ...
- Mga Sintomas ng Sakit na Myoma
- Mga Dahilan Para Manatiling Single
- Make Firefox Load Pages Faster - wikiHow
- Francis Magalona: Tunay na Makabayang Pilipino
- Lunch with Man in Blue Uniform
- Earn Money By Searching The Internet
-
▼
March
(12)
3 comments:
may mga benefits ang single life pero masaya ding may kapartner sa life :-)
may point ka, mabel. kaya nga nanliligaw ulit ako. haha!
hehe thanks. goodluck sa panliligaw:-)
Post a Comment