Kapag nakikipagkuwentuhan tayo sa ating mga kaibigan, gumagamit tayo ng facial expression para maging mas kapani-paniwala. Pagkatapos, isinasalaysay mo nang may interes at kasiglahan. Gumagamit ka ng mga eksaktong salita upang ilarawan ang pangyayari. Mga salitang, madaling maunawaan, upang mas lalo nilang maintindihan ang nais mong iparating. At kung minsan, ginagamitan din ng gesture o senyas.
Similarly, ganoon din sa pagsusulat ng kuwento, mapa-nobela man o short story. Minus the facial expression and gesture, ang pagkukuwento ay kailangang may angking sigla at interes. Ito ay kinakailangang gamitan ng mga eksaktong salita, upang mailarawang mabuti ang isang pangyayari. At kailangang maging maliwanag sa mga mambabasa upang madali nilang maunawaan ang iyong mensahe.
Basically, lahat tayo ay may kakayahang maging epektibo sa larangan ng pagsusulat. Kung papaanong maging isang mahusay na manunulat at kung papaano ito mapagkakakitaan ang siyang tatalakayin sa artikulong ito.
MGA KATANGIANG KAKAILANGANIN
Walang eksaktong hakbang na dapat sundin sa pagsusulat ng anumang kuwento. Walang batas na dapat tuparin. Walang requirements na dapat angkinin para maging isang writer. In fact, hindi mo na kailangang maging isang epektibong manunulat, although ang pagkakaroon ng degree ay maaaring makatulong nang malaki.
Marahil, kung mayroon mang qualifications na hinihingi ang pagiging isang writer, ito ay ang mga sumusunod:
1. Interes sa propesyon, o iyong tinatawag na passion for writing.
2. Talento sa pagsusulat.
3. Kauhawang mailahad ang nilalaman ng puso't isipan.
4. Tiwala sa sarili.
5. Lakas ng loob at katatagan.
6. Disiplina.
Kung mayroon ka ng mga katangiang ito, kahit na iyong naunang tatlong qualifications lang, maaari ka nang maging isang writer o manunulat! At hindi lang basta writer kundi isang magaling na manunulat. After all, the mere fact na binabasa mo ang artikulong ito ay isa nang pagpapatunay na may interes ka sa pagsusulat. At iyon ang pinakamahalaga sa lahat dahil ito ang ugat na pagkukunan mo ng lakas, bago ka umani ng tagumpay.
BAGO KA MAGSIMULANG SUMULAT
Bago magsimula ang lahat, abgo mo buuin ang iyong kuwento, bago ka humarap sa iyong computer at itipa ang nilalaman ng iyong puso't isipan, mahalagang ihanda mo muna ang iyong sarili.
At ang paghahandang iyon ay ang mga sumusunod:
1. Magbasa ka.
Bible, magazines, diyaryo, pocketbooks, songhits, billboards, encyclopedias, love letters, pamphlets, komiks, posters at kahit death threat patulan mo! Bakit? Dahil ang lahat ng ito ay makatutulong sa iyo para magkaroon ka ng ibayong inspirasyon. Bukod dito, binubusog mo ang iyong isipan ng mga impormasyon na maaaring gamitin pagdating ng tamang panahon sa iyong pagsusulat.
2. Manood ka ng mga palabas sa TV at sinehan.
Tulad ng pagbabasa, inspirasyon at karunungan ang maitutulong ng mga ito sa iyo. Ngunit tiyakin lamang na ang mga panonooring mga palabas ay iyong may katuturan at kapupulutan ng aral.
3. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain at panatilihin ang kalusugan.
Alalahaning sa pagsusulat ng nobela, minimum ang 120 pahinang puno ng mga salita ang iyong titipahin sa harap ng computer (o makinilya, kung existing pa ito). Talagang kakailanganin mo ang ibayong lakas at katatagan upang ito ay maisagawa. Bukod pa roon, madaling magutom ang writer dahil isip ang ginagamit. Kaya ngayon pa lang, dapat ka nang maging health conscious.
4. Mag-exercise.
Hindi lamang para sa pisikal na pangkalusugan kundi pang-ispiritwal ng pangangailangan din. Palayain mo ang iyong isipan sa mga kasalukuyang problema, stress, anxiety at pag-aalala upang malayang makapag-isip ang iyong utak ng mga magaganda at matitinong kuwento. Maiiwasan din nito ang magkaroon ng tinatawag na writer's block.
5. Maging sensitive at observant sa paligid.
Lahat ng kasaysayan, kahit gaano pa kaimposible ay nag-uugat sa katotohanan. Sa realidad. Kaya bilang writer, huwag ka lamang makuntento sa sarili mong pag-iisip at paniniwala. Tumingin ka rin sa iba at makinig. Kumapit ka sa lupang iyong tinutungtungan upang maging malay ka sa mga kasalukuyang nagaganap sa mundo.
6. Higit sa lahat, magdasal ka.
Tulad ng ibang bagay sa ating buhay, ang pagsusulat ng kuwento ay isang trabahong hindi natin maisasagawa nang matagumpay kung wala ang tulong ng Dakilang Lumikha. Ipagdasal mong magkaroon ka ng sapat na lakas at pag-iisip sa trabahong gagawin. Ipanalangin mong sa iyong pagsusulat ng kuwento'y wala kang sinumang masasagasan, at wala kang sariling prinsipyong mawawasak. Ipanalangin mo rin na huwag kang matuksong sumulat ng mga bagay-bagay na maaaring maka-epekto nang masama sa iyong mga mambabasa.
10 comments:
ano ang mga paraan o teknik sa pagsusulat ng maikling kuwento?
hello, anonymous! don't worry, i will be posting it here soon... thanks!
mahilig po talaga akong magsulat mula elementary ay mahilig na akong magbasa and i know na malawag talaga ang aking pag iisip dahil nga may mga bagay akong naiisip na sa tingin ko'y hindi naman naiisip ng iba pang dalagang tulad ko. nung highschool i tried to write my own pocketbook and i share it to my fellow classmate marami na ring nakabasa ng mga likha ko but i really want to publish it. matutulungan nyo ba ako gusto ko ring mag aral nito upang mas lumawak pa ang aking kaalaman. i wish to answer it on my fb account thanks and more power.
Ang hirap gumwa ngvkwento.
Ang hirap.help me pls.
Hellow poh....mahilig dn akong gumawa ng story,Tula at kwentong pambata,,,,kaya Lang nahihiya akong mabasa ng Iba Liban nlang poh sa mga Kaibigan at sa kapatid ko...gusto ko din pong maging writer.... Kaya lang nd ko Naman magagawa yon Kung nd aq mag-aaral d po ba? Kaya naicp k mag-educ nlang aq para kht papanu magawa ko parin ung hilig ko,,,sana Lang matupad ko ung pangarap ko to be a writer someday.
@Myla, Mas maganda siguro kung uumpisahan mo sa tamang SPELLING. Gusto mong maging manunulat, wag kang jejemon.Peace!
Pano po kapag 4months delay na po ako tapos Wala pong sign for pregnancy ano po ba ibig sabihin non?
Gusto q rin maging isang manunulat.mahilig kse ako gumawa ng kwentong pang BL series or love stories ❤️
Post a Comment