Feng Shui (Punsoy) sa Bedroom

Mga bagay na dapat tandaan sa pagpupunsoy ng bedroom:

Ang bedroom door ay hindi dapat katapat ng toilet/bathroom door, hagdanan at isa pang bedroom door.

Iwasang gumamit ng black sa bedroom - black curtain, bedsheet, wall paper, etc.

Ang paglalagay ng aquarium, paintings ng waterfalls, lawa, dagat o anumang water features sa loob ng bedroom ay magdudulot ng financial loss o mararanasan mo ang mapagnakawan. Huwag ding gagamit ng water bed.

Huwag magdi-display ng bulaklak o anumang tanim na halaman sa bedroom dahil ang mga ito ay nagdadala ng sobrang lakas ng enerhiya o yang energy. Ang mga tanim ay magdudulot ng away o pagtataksil, may asawa man o wala ang gumagamit ng kuwarto. Kahit paintings ng mga bulaklak o halaman ay hindi rin dapat idisplay sa bedroom. Ang malakas na enerhiya o yang energy ay kinakailangan lamang sa mga bedroom ng maysakit upang mapagaling ang kanyang karamdaman.

Huwag maglalagay ng salamin sa harap ng kama dahil ang salamin ay nagdudulot ng infidelity sa mag-asawa. Kung walang asawa at nakatakdang ikasal ang gumagamit ng kuwarto, ang salamin ay magdudulot ng hindi magandang pangyayari sa araw ng kasal.

Huwag itatapat sa iyong kama ang open bookshelves. Magdudulot ito sa iyo ng pagkakasakit. Ang open bookshelves ay parang blade na humihiwa sa iyong aura habang ikaw ay natutulog. Kaya hangga't maaari ay may glass o woodem door ang inyong bookshelves o anumang cabinet na gagamitin.

No comments:

Blog Archive