"Yosi, pare."
Napataas ang tingin ko mula sa pagbabasa ng Kule habang naghihintay ng Katipunan dyip sa harap ng MassCom. Guwapo sana pero napasimangot ako. Turn-off ako sa mga taong naninigarilyo. Tinakpan ko bigla ng panyo ang ilong ko. Ewan ko ba, umiinit ang dugo ko kapag nakaaamoy ako ng yosi. Nahihilo rin ako kapag nakalalanghap ako kahit kaunting usok mula rito. Ito nga ang madalas naming pag-awayan ng kuya ko kasi anlakas niyang manigarilyo. Minsan, kapag gusto niya akong asarin, binubugahan pa niya ako ng usok sa aking mukha. Siyempre, magpapanting ang tainga ko at tatakbo naman palabas ng bahay si Kuya Reagan. Maiiwan akong nagngingitngit ang kalooban pero mayamaya ay huhupa rin at pagbalik ng kuya ko ay parang walang nangyari.
Type ko pa naman sana si pogi. No, I don’t smoke. Ang taray! Sabay balik ng aking mga mata sa binabasa. I hate smoking, sasabihin ko sana pero pnigilan ko ang aking sarili. Manigas ka. Alam kong pera lang ang kailangan mo kaya ka lumapit sa akin, no, sa isip ko. Na-publish na kaya sa Kule ang laganap na prostitusyon sa campus, lalo na sa may Ylanan road malapit dito sa MassCom.
Hate ko talaga ang yosi. Ito kasi ang dahilan kung bakit maagang namatay si Lolo Fidel, ang ama ng tatay ko. Mabait, masipag at responsableng haligi ng tahanan ang lolo ko. Pinalaki niya rin nang may disiplina ang aking ama at mga kapatid nito. Bunso ang aking ama kaya nakatira kaming mag-anak sa bahay nila ng lola ko. Tatlo kaming magkakapatid pero nang maghiwalay ang aking mga magulang ay isinama ng nanay ko ang bunso naming babae. Balita namin ay sa Palawan sila nakatira kasama ang pangalawang asawa nito. Hindi naman nag-asawang muli ang tatay ko at itinuon na lang ang pansin sa trabaho at pagpapalaki sa amin ng kuya ko.
Paborito ni Lola Naty ang kuya ko habang mas malapit ako kay Lolo Fidel. Si Lolo pa nga ang unang nakaalam na binabae pala ako pero maluwag niyang tinanggap iyon. Siya pa ang kumausap sa tatay ko nang hindi agad matanggap ni itay ang aking sekswalidad. Madalas ako sa kuwarto ni Lolo dahil marami siyang ikinukuwento tungkol sa kanyang buhay noong kabataan niya. Paborito ko ang mga karanasan niya noong panahon ng mga Amerikano. Madalas niya rin akong kuwentuhan tungkol sa Martial Law at EDSA Revolution. Mayroon din siyang maliit na library sa kanyang kuwarto. Mahilig akong magbasa ng libro pero mas naengganyo akong basahin ang mga libro niya tungkol sa accounting. Accountant kasi siya dati sa GSIS. Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang accountancy rin ang naipasa ko sa UP Diliman. Sa kanya ako laging nagpapaturo ng mga assignment at exercises.
Nasa ikatlong taon na ako ng kolehiyo nang magkasakit si Lolo. Nasa klase pa ako noon dahil maghapon ang klase ko nang tumawag ang tatay ko. Nasa ospital daw si Lolo. Magalang akong nagpaalam sa klase at tumungo sa ospital. May lung cancer pala ang lolo ko, stage 2 na raw. Iyak ako nang iyak nang gabing iyon at magdamag ko siyang binantayan kahit may eksam pa ako kinabukasan. Huling linggo na noon ng Setyembre kaya paparami na ang mga eksamen.
Hindi na nagising ang lolo ko mula nang dalhin siya sa ospital. Nasa campus ako nang malagutan siya ng hininga. Dinamdam ko nang labis ang kanyang pagkawala. Bumaba ang aking mga grado at natanggal ako sa kolehiyo. Nagpasya akong tumigil muna at umuwi sa Catanduanes, ang probinsiya ng lolo ko. Makalipas ang tatlong buwan ay bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho. Pitong semestre rin akong hindi nag-enrol bago ako nagpasyang tapusin ang aking pag-aaral.
Kaya ngayon ay galit na galit talaga ako kapag may nakikita akong naninigarilyo. Pinagsasabihan ko ang mga taong malapit sa akin kapag nakikita ko silang may hawak na yosi. Hindi naman ako nagagalit sa tao kundi sa Gawain lang nila. Pero hanggang hindi pa rin nauunawaan ng kuya ko ang pagkadisgusto ko sa paninigarilyo, patuloy kaming mag-aaway-bati. Sori ka na lang pogi, maghanap ka na lang ng makatatagal sa amoy mo at ng yosi mo. Kadiri!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
June
(14)
- Thinking Money Online
- Yosi, Kadiri!
- Araling Pilipino o Philippine Studies?
- AdSense Tip: Can You Buy Traffic to AdSense Sites?
- What Am I Transcended in Time?
- Ways to Make Money on the Internet
- SM Ladies
- Ang Dapat Mabatid ng mga Kabataang Pilipino
- Existentialism is a Humanism
- Alamat: Kung Bakit May Bentilador na Nakatutok sa ...
- Ang Kabilang Mukha ng Dula
- Damong Ligaw
- Paglingon
- Panitikan at Lipunan
-
▼
June
(14)
1 comment:
I share the same sentiments, fellow Isko. Being asthmatic, I can't stand people ruining their lungs when they're in perfectly good health. They don't know how horrible having a disease is. On top of that, second-hand smoke easily gets me coughing.
Anyway, natuwa naman ako sa blog mo. It's fun to read the thoughts of a fellow (gay/bi?) Isko. Ka-wavelength kumbaga. :D I don't know kung paano ko babasahin itong blog mo, chronologically or what. Gusto pa kita makilala, wala ka bang "About Me" page?
Post a Comment