Iba Pang Kuwentong Kababalaghan sa UP Diliman

Sa Main Library.

Salaysay ni Gng. Candida Sarmiento, College Libaraian III

  1. Gabi na noon, mag-iikapito nang gabi at nasa basement ako upang mag-ayos ng mga libro. Nakita kong biglang bumukas ang elevator na ginagamit naming sa pag-aakyat ng mga libro. Wala naman akong nakitang tao sa loob. Maya-maya ay sumara ito at umandar paitaas. Hinayaan ko na lang muna kasi naisip ko nab aka may gumagamit sa itaas. Makaraan ang ilang minuto bumaba na ang elevator. Bumukas ulit ang pinto at sumara agad subalit wala pa ring tao. Umakyat ulit ito. Nahalata kong my ibang gumagamit ng elevator kaya hinyaan ko na alng. May kasama akong isang libararian din at napansin din pala niya ang nangyayari. Isinulat ko kung ilang beses nag-akyat-panaog ang elevator. Dalawampu’t anim na beses! Nakita ng kasama ko ang pagsulat ko at sinabi niyang nagbilng din siya. Pareho ang naitala naming bilang!

  2. ito naman ay nangyari sa isa kong kasamahan na wala na ngayon dito. Hapon naman noon at nasa Archives Section siya, sa ikatlong palapag. Umiinom siya noong ng softdrink (coke). Nasa kalahati na ng plastic cup ang iniinom niya nang tumayo siya upang alisin ang saksak ng electric fan na nakatutok sa kanya dahil sa nilalamig siya. Pabalik na siya sa kanyang upuan nang makita niyang biglanghumilig ang kanyang baso ng coke na nasa mesa at unti-uning nabawasan ang laman nito. Parang may humigop sa kanyang softdrink. Nang maramdaman siguro ng kakaibang nilalang na iyon ng may nagmamasid sa kanya ay bigla itong tumigil sa paghigop kaya tuluyang natumba ang baso ng coke. Lalo pang nagulat ang kasamahan ko nang makita niyang kaunti lamang ang natapong softdrink sa kanyang mesa. Nang mahimasmasan ay saka pa lang niya pinunasan ang mesa. Itinapon niya na rin ang natirang softdrink dahil baka pa raw siya “malumay” o magayuma nang laway ng sinumang uminom sa kanyang softdrink. Isang dating janitor naman ang nagkuwento nito sa kanya, sa ikalawang palapag naman ito nangyari, maagang maaga naman, mag-iikaanim ng umaga. Naghahanda siya para maglinis sa banyo nang may marinig silang tinig na umaawit. Lalaki ang boses. Nakilala niya ang tinigna kaboses ng dati nilang kasamahang kamamatay lang. Tinawag niya ang isang kasamang janitor. Pinakinggan lang nila ang umaawit at naalala niya na ang kanta ay ang paboritong awitin ng namatay na kasamahan noong ito ay nabubuhay pa. Nang matapos na ang kanta ay wala na silang narinig ulit.


UP Law Center


Nasa Law Center pa ako noon naka-duty. Kuwento lang ito sa akin ng dating guwardiya sa naturang gusali. Malalim na raw ang gabi noon, mga ikasampu ng gabi. Nagroronda raw siya sa buong gusali nang may marinig daw siyang tunog ng isang typewriter. Hindi pa kasi uso noon ang computer. Pinuntahan niya raw ang pinanggalingan ng tunog sa ikalawang palapag subalit nawala ang tunog nang malapit na siya sa eksaktong kuwartong pinanggagalingan nito. Bumaba na lang ulit ang nasabing guwardiya subalit nang nasa ibaba na siya ay muli na naman niyang narinig ang tunog ng isang nagtitipa sa typewriter. Hindi na lang niya pinansin ang tunog at sa ibang parte na lang ng gusali siya naglibot.


Asian Center (Romulo Hall)

(Ayon kay Karla Marie Fabon)

Galing siya noon sa Katipunan at papunta siya sa bahay ni Sir Jimmuel Naval sa likod ng UP Shopping Center. Si Sir Naval ay propesor namin sa Malikhaing Pagsulat 110 at workshop namin nang araw na iyon at overnight pa. Mag-iikasiyam na ng gabing iyon. Hanggang Asian Center lang iyong jeep na nasakyan niya kaya kailangan niyang maglakad papunta sa bahay ni Sir Naval. Napansin niyang habang naglalakad siya ay may isang batang babae sa kabilang kalsada na kasabay niyang naglalakad papuntang International Center na katabi ng Asian Center. Kinabahan siya kaya binilisan niya ang paglakad. Kinilabutan siya at nanindig ang kanyang mga balahibo nang bumilis din ang paglalakad ng bata. Kumaripas siya ng takbo nang walang lingon-lingon hanggang makakita siya ng isang waiting shed at nagpahinga sandali. Subalit pag-upo niya ay nakita niya ang batang babae sa tapat na kalsadang kinauupuan niya. Nagkataong may dumaan na Ikot Jeep kaya dali-dali siyang sumakay dito. Habang papalayo ang jeep ay sinulyapan niya ang kinatatayuan ng bata pero wala na ito roon. Takot na tako siya sa naranasan at ikinuwento niya agad ito sa amin pagdating niya sa bahay ni Sir Jimmuel.

2 comments:

ice said...

Okatokat ito hehehe. Isang maganda at nakatakot na blog;)

Anonymous said...

kamusta naman. hindi ito totoo. di naman ako nakaranas nito. ang galing naman gumawa ng kwento. mali pa iyon pangalan ko.
-karla