Showing posts with label alamat. Show all posts
Showing posts with label alamat. Show all posts

Tayutay at Talinghaga: Pangunahing Katangian ng Tula

I. Hinahanap sa tula ang katangiang poetiko. Maisasagawa ito , pangunahin sa
pamamagitan ng tayutay at talinghaga.


A. Naiiba ang tula sa prosa dahil sa natatanging gamit ng wika. Kung lakad ang prosa, sayaw naman ang tula. Nang-aagaw ng pansin ang paraan ng pagkakasulat ng tula. Parang mausok na kaligiran. Dinadala ang mga mambabasa sa ecstasy.

B. Kalakasang matawag na poetiko ang isang tekstong nasa prosa. Ngunit madalas kaysa hindi, isang kapintasang matawag na prosaic ang iang tula. Katumbas na ito ng paggiging mahinang klase ng tula.


II. Puwedeng matukoy ang katangian at mapag-aaralan ang gamit ng mga tayutay
at talinghaga.


A. Sa saligang pakahulugan, ang talinghaga ay ang paglalangkap ng dalawa o higit pang dalumat sa iisang pahayag na pangwika Sa madaling sabi, isang uri ng distorsiyon ang ipinapahayag sa wika.

B. Sinasalamin nito ang pagkaunawa ng tao sa mga penomenon sa kaniyang masalimuot na kapaligiran. Isa itong pag-unawa o pag-angkin sa realidad.


III. Ekspresyon ng personal na estilo o estitika na makata ang paraan ng paggamit niya ng talinghaga. Sa mas malawak na pananaw, maaaring maipahayag ng paraan ng paggamit niya ng talinghaga ang zeitgeist o diwa ng kaniyang henerasyon.

A. Isinisilang ang talinghaga na mahigpit na kaugnay ng kaniyang lipunan, malay man o hindi ang makata.

B. Maraming salik ang proseso ng pagkabuo ng sistema ng talinghaga ng isang makata o isang henerasyon ng mga makata. Halimbawa, tradisyon, dayuhang impluwensiya, tunggalian ng henerasyon, talento.




IV. Halimbawa ng mg Tayutay at Tula


SIMILE
Tila malaking praskong
Tigib sa alitaptap

Ang langit

(Rio Alma)

METAPHOR
Mouse
Arnel S. Vitor

Umangkas sa 'yong likod
Ang tipa ng isipan;
Worlwide na ang nalibot
Wari'y sansaglit lamang


APOSTROPHE/PERSONIFICATION

1. Lumang tulang Tagalog
Katitibay ka tulos
Sakaling datnang agos
Ako'y mumunting lumot
Sa iyo'y pupulupot.


2.
FLORANTE AT LAURA
Francisco "Balagtas" Baltazar
na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi,
paalam ang abang kandong ng pighati."



3. KUWITIS
Allan Popa

Hindi ito isang hamon.
Alam kong wala akong laban
sa lawak ng iyong saklaw.
Huwag mo sanang akalaing
pana akong nakapuntirya. Pagkat
wala akong hinahasang tulis.

Iisa ang aking buhay.
At iisa ang pangarap:
ang matayog na pumailanlang
sa himpapawid. Kung iisa rin
ang pagkakataon mong magkatinig,
hindi ba't pipilitin mo ring
maisigaw ito sa ibabaw ng lahat?
Ang iisang katagang pahayag
ng naipong hinanakit.

Hindi ang matayog mong kaharian
ang hangad abutin ng aking pagsirit.
Ngunit nais ko ring magbasakali.
Alam kong kamatayan ang rurok
ng aking lipad. Ngunit hindi ba't ito
ang tanging paraan upang sumalangit?


SYNEDOCHE/METONYMY

Musa Insurekta

Hindi ako magtatanong kung kailan ka darating
Wala ka man sa paningin, ang buhok mo'y lumulugay
Na mithiin sa puso kong nangangarap ng bituing
Nagliliyab sa sentido ng lahat ng walang malay.
Hindi ako naghahangad na lagi ka sa tabi ko:
Di man kita nayayakap, ang tinig mo'y umiigkas
Na kamao sa dibdib kong may kidlat na lumulukso't
Nagnanais na tumarak sa bungo ng mararahas
Pagkat ako ang sugatang mandirigmang umiibig
Sa paglaya, ang puso ko'ymaghahanap ng paglingap
Sa awit mong nanghihiram ng indayog sa talahib.
At sa tuwing ang puso ko'y nangangarap ng balikat,
Ay alam kong nariyan kang may pulbura ang harana;
Awit akong magliliyab sa ngalan mo, Alma Rosa...



IRONY/PARADOX/OXYMORON

Kaunting bato
Kaunting semento

Monumento
- Pete Lacaba

narinig sa baya'y isang piping gulo
na umalingawngaw hanggang sa palasyo.
- Balagtas


Katiwala ako't ang iyong kariktan,
Kapilas ng langit anaki'y matibay;
Tapat ang puso mo't di nagunamgunam
Na ang paglililo'y nasa kagandahan
- Balagtas



RHETORICAL QUESTION

Anong gagawin ko sa ganitong bagay?
Ang sinta ko kaya'y bayaang mamatay?


APHORISM

Kung maikli ang kumot
Matutong mamaluktot.

Kung kakandu-kanduli rin
ay huwag nang paglayagin
pagkat dito man sa atin
may kanduli't may ayungin.

Ang tamang magsukli
Marami ang sukli.


MAPAGLANGKAP NA HARAYA

Alamat

May katutubong Itneg
Naging Kristiyanong tinig
Nagturo ng matuwid
At buhay na tahimik.

Ngunit araw at gabi
Danas ang nagsasabi
Kabayang naaapi
Ay lalong dumarami.

Damdamin ay nawakawak
Kaisipa'y lumawak
Biblya'y di na hawak
Ibong naging bayawak.

Ginalugad ang bundok
Mulang Besao at Bontoc
Hanggang Kianga't Tabuk
Sa paghanap ng Diyos.

Ito'y alamat-Itneg
Ng dating nananalig
Ngayon ay inuusig
Sa salang paghahasik

Koda:

Gustong buhay ay simple
Di ka-gitna o triple
Mula sa batang tiple
Pigil ngayon ay riple.





Alamat: Kung Bakit May Bentilador na Nakatutok sa mga Libro ng Aklatan

Noong araw ay isang masukal na gubat ang kinatatayuan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon. Ginawa itong kampo ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang pamamayani sa Pilipinas. Nang umalis ang mga Puti ay inilipat sa nasabing lugar ang Unibersidad ng Pilipinas mula sa lungsod ng Maynila. Isa sa mga naunang gusaling itinayo sa pamantasan ay ang Main Library. Dahil sa kalumaan nito kaya itinuturing na maalamat ang natusrang gusali. Marami raw kasing hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa naturang aklatan. May mga kababalaghang nangyayari na siyang dahilan kung bakit ang iba ay hindi nakatatagal magtrabaho sa nasabing establisyemento. Ayon sa mga matatandang nagtatrabaho sa UP na nakakuwentuhan ko, ang mga kababalaghang ito ay kagagawan ng mga ligaw na kaluluwa na namatay noong panahon ng giyera. Subalit nay mga nagsabi ring ito ay gawa ng mga nilalang na dating nakatira rito noong ito ay isa pang masukal na gubat.

Isa sa mga nakausap ko ay ang pinakamatandang libararian na si Ginang Candida Sarmiento o Ma’am Ida. Marami na raw siyang naranasang kakaiba hindi lamang sa main libarary kundi maging sa iba pang mga gusali sa loob ng UP Diliman campus. Subalit ang isa sa hindi niya makalimutang karanasan tungkol sa mga kababalaghang ito ay ang nangyari noon sa isang library staff. Mag-iisang buwan pa lang siyang nalilipat sa main laibarary mula sa College of Law noon. Anim silang magkakasama sa kuwarto, dalawang student assistants (SA), tatlong libraray staffs at si Ma’am Ida. Nasa ikatlong palapag sila nakatoka nang araw na iyon, sa Special Collections at Archives Section. Mag-iikalawa noon nang hapon, buwan ng Marso, kaya matindi ang alinsangan ng panahon. Abala ang dalawang SA sa pag-aayos at pagbabalik ng mga ginamit na aklat kasama ang isang libaray staff. Si Ma’am Ida naman ay nakaupo sa kanyang mesa sa gilid ng silid at gumagawa ng inventory. Nasa kabilang silid naman ang dalawa pang staff subalit salamin lamang ang nakaharang na dingding kaya nakikita pa rin nila ang kabila.

Maya’t maya ay pinagpawisan ang libaray staff na kasama ng dalawang SA. Nakita niya ang isang nakabukas na bentilador (stand fan) na nakatutok sa shelf ng Special Collections. Dahil naiinitan, kinuha niya ang bentilador at inilipat malapit sa kanyang puwesto ng inaayusang mga aklat. Makalipas ang ilang sandali ay biglang kinilabutan ang naturang staff. Tumayo ang kanyang mga balahibo nang mapadako ang tingin niya sa bentilador. Maging si Ma’am Ida ay napamulagat sa nakita. Napalingon din ang dalawang SA maging ang mga staff na nasa kabilang silid. Walag namutawing kahit anong salita o tunog mula sa kanilang bibig. Tahimik lamang silang nakatingin habang dahan-dahang umuurong ang bentilador pabalik sa dati nitong puwesto. Kahalintulad nito ang isang saranggola na hinihila ng isang bata upang paliparin.

Pagkaraan ng ilang minutong walang imikan ay lumapit ang isang SA sa bentilador upang tinganan ang kawad nito. Lumabas din sa kabilang silid ang dalawang staff upang makiusyoso. Wala naman silang nakitang kakaiba sa kawad kaya nagkibit-balikat na lamang ang mga ito sa mga kasamahang naghihintay nang dahilan ng pangyayari. Dahil sa siya ang pinakamatagal nang nagtatrabaho doon, napilitang magsalita si Ma’am Ida.

“Huwag kayong matakot. Ganyan talaga rito. Hindi lang iyan ang mararanasan ninyo.”


“Ano po bang ibig ninyong sabihin, Ma’am Ida?”
tanong ng isang SA.

“May iba pa tayong kasama sa gusaling ito. Hindi lang dito kundi maging sa iba pang gusali rito sa loob ng campus. Noong ako ay nasa College of Law ay may kakaiba rin akong naranasan doon,”
tugon ni Ma’am Ida.

“Nakakatakot pala rito. Baka wala na ritong pumask na estudyante kapag nalaman nila ang pangyayaring ito,” saad ng staff na gumamit ng bentilador.

“Ayan, hindi naman kasi para sa inyo ang bentilador. Para sa kanila iyan. Naiinitan din kasi sila,” sabi ni Ma’am Ida sa kanyang mga kasama. “Huwag niyo na lamang ipagsasabi sa iba ang nakita natin para hindi sila matakot na pumunta rito.”

“Ibig sabihin pala ay ginagawa nilang tirahan ang mga libro dito sa aklatan,” saad naman ng isang staff na galing sa kabilang silid.

Mula noon ay palagi nang may mga nakatutok na bentilador sa mga libro ng aklatan upang hindi mainitan ang mga nilalang na nakatira roon.