Exchange Free Traffic Sites




As more and more people are getting online, online advertising is part of an ever-growing niche, and that is one that Traffic Swarm is being to exert a fair amount of leverage. Traffic Swarm is a site where you can work towards getting more hits to your website.

Whether you are trying promote a new book or you have your own online business to run, you’ve already found out how many of your hits come from places like Google. With a program like this to work with, there is a lot you can learn about the procedures that are available to you in terms of web advertising.

Essentially, Traffic Swarm is a viral marketing technique. You write or design ads that other people will see and then this company makes sure that other people see it. Though there doesn’t seem to be a place where compensation to either side is discussed, it might be a fair bet to think of this opportunity as pay per click, where you pay for every click that comes to your site via one of these ads.

You’ll find that in the realm of the internet, viral marketing, where essentially one person tells another a fact and then the other person tells everyone they know, is one of the most powerful tools at your disposal.

The statistics for Traffic Swarm are fairly impressive. The site claims that there are more than 400,000 successful members in the group and reading the testimonials, it seems clear that many people are getting the results that they want to their site. Similarly, there is a referral program in place where whenever people who heard about the opportunity through you show up, you will receive more traffic to your site as a bonus.

Another advantage of Traffic Swarm is that the traffic that comes to your site is all directed and relevant. You won’t have worry about hits that aren’t really interested in you driving your bandwidth up; this company insists that all the traffic it brings to you will be at least marginally interested in what you are producing. The people are coming to your site of their own free will and, unlike situations where they are tricked or the page is force-loaded, you’ll have no problems here.

There are many people who should be interested in the opportunities that this company provides. A new network site like this one is a great way to work with ads and find out what really works or not. The site is very upfront about not bringing Google-like numbers to the door, but many people are perfectly content with that, due to the increase in relevant traffic to their site, something that not even Google can recommend.

If you are interested in what is being offered by Traffic Swarm, think about what kind of use it can be in your life and what you can do to make the most out of the opportunity.


1:1 Traffic Exchange





Mga Simpleng Paraan Upang Mapanatili ang pagmamahalan ng Mag-asawa


Tandaan na kung mahal mo ang isang tao, nanaisin mong lagi ang ikabubuti ninyong dalawa.

Huwag kalilimutang mahal mo siya. Halikan mo siya, akbayan mo siya habang naglalakad kayo, yakapin mo siya sa sinehan, at iba pa. Purihin mo siya paminsan-minsan.

Huwag mong sisiraan ang kanyang pamilya at mga kaibigan kahit hindi mo sila gusto.

Makinig sa isa't isa. Kapag may mali ka, humingi ng paumanhin. Kung tama ka, makabubuting huwag na munang kumibo.

Huwag ninyong hiyain ang isa't isa sa harapan ng ibang tao at kapag kayong dalawa lamang.

Piliting pigilan ang sigawan. Kahit na nagkakasalungat ang mga isipan, mas maganda pa ring mag-usap nang marahan kaysa magsigawan.

Sa mga araw na hindi kayo magkasundo, huwag kalimutang mahal ninyo ang isa't isa.

Sikreto Para Laging Masaya

Inaasam ng bawat tao ang maging masaya sa kaniyang buhay. Subalit sa dami ng mga pagsubok sa buhay at problemang kinakaharap, nakararamdam tayo ng depression at frustration.

Ngunit kailangan bang kapag nahaharap tayo sa problema ay kakalimutan na rin antin ang amging masaya? Hindi ito makatarungan. Nakasalalay sa ating sarili ang pagiging masaya at hindi sa kung ano ang nangyayari sa ating buhay.

Narito ang ilang mga paraan upang mapanatiling maging masaya ang ating mga sarili sa kabila ng mga suliranin.

  • Gustuhing maging maligaya. Ang pagiging masaya ay isang desisyon. Maraming mga bagay ang nagiging dahilan upang tayo ay maging malungkot o magalait pero lahat tayo ay mayroon ding dahilan para maging masaya. Sa halip na ituon ang atensiyon sa mga bagay na nagpapalungkot sa atin, isipin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.

  • Ngumiti. Ugaliing ngumiti kahit na hindi mo gustong ngumiti. Sa pagngiti ay mararamdaman mong ibang tao. Kahit na hindi masaya ang nararamdaman mo, magbabago ang pakiramdam mo kapag ngumiti ka. Kapag nakangit ka, ang mga taong makakakita sa iyo ay gugustuhin ding maging masaya. Nakahahawa ang pagiging masaya.

  • Makisalamuha sa ibang tao. Huwag masyadong mapag-isa. Makisalamuha sa mga tao gaya ng mga kaibigan, kapitbahay o kahit na sinong mapadaan sa harap ng inyong bahay. Kapag nag-iisa ka, napopokus ang iyong isipan sa iyong sarili at lalo lamang maiisip ang mga problema. Makipag-usap sa ibang tao.

  • Mag-enjoy sa buhay. Minsan lang ang mabuhay kaya i-enjoy ito. Bawat araw ay bigyan ang sarili ng pagkakataong gawin ang nais gawin sa buhay.

  • Makuntento. Maging masaya sa kung anong mayroon ka. Huwag maghangad ng mga bagay na imposibleng makamit. Tigilan ang pagkukumpara ng sarili sa iba, sa kung anong mayroon sila na wala sa iyo. Iwasan ang pagkainggit at pagseselos. Suriin kung ano ang mayroon ka at magpasalamat samga ito.

  • Magdasal. Huwag kalimutan ang magdasal at magpasalamat sa mga magagandang nangyari sa iyong buhay. Ipagdasal ang ibang tao lalo na ang mga mahal sa buhay. Tandaan ito ang sikreto sa lahat ng kaligayahan sa buong mundo.

10 Tips Para Hindi Mukhang Guilty sa Senado

Naglilinis ako ng aking kuwarto nang makita ko ang isang lumang pahayagang Pilipino sa ilalim ng aking kabinet. Binasa ko muna ito para makita ang laman at kung dapat na ba iting itapon sa basurahan. Maganda naman ang nilalaman ng tabloid at isa sa mga tumawag ng pansin sa akin at nagpatawa na rin, ay ang kolum ni Julius Babao, ang batikang mamamahayag ng ABS-CBN. Tinalakay niya ang nangyayaring imbestigasyon sa Senado tungkol sa fertilizer fund scam. Nagbigay siya ng sampung tips para hindi magmukhang guilty ang iniimbetigahan sa Senado na gaya ni Jocjoc Bolante.

Narito ang iminumungkahing epektibong tips o paraan ni Babao para hindi masyadong magmukhang guilty sa Senado:

1. Maging kalmado. Huwag mapipikon kahit personal na ang pang-iinsulto at pag-atake ng mga senador.

2. Ituring na lang ang mga senador na parang sina Tito, Vic t Joey dahil sa kanilang mga pang-comedy bar na punchline.

3. Sagutin lahat ng tanong kahit sablay. Huwag sasagot ng "I invoke my right against self-incrimination" dahil talagang magmumukha kang guilty.

4. Maglagay ng mga magagaling na abogado at adviser sa iyong likuran para mag-chu-chu ng mga magandang isasagot.

5. Talo ang mapikon kay Senador Miriam Defensor Santiago dahil natutuwa ang audience sa kanyang mga punchline at hirit.

6. Pagurin ang mga senador sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga sagot. Magagalit sila sa una pero magsasawa rin sa huli.

7. Tandaan, hindi puwedeng ipakulong ng Senado basta dumalo lang ng mga hearing.

8. Showbiz din kasi ang mga senador. Pabayaan silang mag-grandstanding. Hayaan silang magkaroon ng sariling moment. Naka-broadcast at telecast kasi ang hearing. Dagdag pogi at ganda points iyon sa kanila.

9. Okay lang magmukhang kawawa sa TV. Magdrama rin nang kaunti. Uminom ng gamot na ala-Jocjoc para makita sa TV na may sakit. Pero huwag masyadong maging OA, ha? Tandaan, iyong ginawa ni Jocjoc sa airport.... UBER na 'yun!

10. At huwag kalimutang magpaospital o mawala ng dalawang linggo para makapag-rehearse ng mga isasagot sa mga tanong ng mga senador.

Kalinisan: Kaligtasan ng Tahanan

Hindi sapat na mukhang malinis lang ang kabahayan, kailangang isaalang-alang din ang kaligtasan ng bawat miyembro ng atin tahanan. Maging maingat at mabusisi sa paglilinis ng kabahayan. Tandaan, sa pamamahay nagsisimula ang maayos na kalusugan ng buong pamilya.

  • Rekisahin ang Sahig. Panatilihing malinis ang sahig. Ang dumi, alikabok at kalat ay maiiwasan sa regular na pagwawalis. Ugaliin din ang palaging paglalampaso at paggamit ng vacuum cleaner upang maiwasan ang pagkalat ng iba't ibang mikrobyo sa loob ng kabahayan.

  • Regular na Pagpapalit ng Espongha. Alam mo bang mas marumi pa ang esponghang panlinis ng mga pinagkainan kaysa sa inidoro? Naninirahan dito ang milyun-milyong bacteria na hindi natin nakikita. Mabilis na kumakalat ang mga mikrobyo sa mga basang lugar o bagay. Panatilihing malinis ang mga basahan at espongha na ginagamit sa kusina. Labhan ito nang maayos gamit ang anti-bacterial soap at bleach.

  • Iligpit Agad ang mga Tira at Nakatiwangwang na Pagkain. Madaling kumalat ang mga mikrobyo kaya kailangang iligpit at ibasura, kung kinakailangan, ang mga tirang pagkain. Siguruhin din na mailalabas agad ang basura upang hindi magdulot ng karamdaman sa buong pamilya.

  • Linising Mabuti ang Kubeta. Sabunin ang dingding, pinto, lababo, bowl, salamin, sahig at door knob gamit ang anti-bacterial detergent. Gamitin din ito ng bleach upang maging germ-free ang inyong palikuran.

  • Palitan ang Kobre Kama. Ugaliing magpalit ng sapin sa kama isang beses sa isang linggo upang maiwasan ang pangangating dala ng mikrobyo.

  • Magkaroon ng Sariling Tuwalya. Hindi mabuti na iisang tuwalya lang ang ginagamit ng buong pamilya. Magiging sanhi ito ng mabilis na pagkalat ng germs mula sa isang miyembro ng pamilya hanggang sa buong pamilya. Ibilad ang tuwalya sa ilalim ng sikat ng araw upang mamatay ang nakadikit na mga mikrobyo rito.

Mariano Trias: Bayaning Pulitiko

General Trias, Cavite. Dating kilala ang bayang ito bilang bayan ng San Francisco de Malabon. Saan nanggaling ang pangalang ito? Sino si General Trias at bakit ipinangalan sa kanya ang naturang bayan?

Isa si Heneral Mariano Trias sa unang tatlong pulitiko-militar na gobernador ng Cavite noong panahon ng himagsikang Pilipino laban sa mga Kastila. Ilang linggo matapos ang proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, itinalaga ng dating pangulong Emilio Aguinaldo si Hen. Trias bilang kalihim ng pananalapi ng kanyang gabinete na ang tanggapan ay nasa bayan ng Bacoor.

Si Trias ang bise-presidente ng pamahalaan ng himagsikan na itinayo sa Kumbensiyon sa Tejeros noong Marso 22, 1897. Nanungkulan din siya bilang bise-presidente ng Republika ng Biak-na-Bato na itinatag noong Nobeyembre 1, 1897. Nanatili siyang Kalihim ng Pananalapi ng gabinete na itinatag ni Apolinario Mabini noong Enero 2, 1899. Nang malansag ang gabinete ni Mabini noong Mayo, si Trias ang itinalagang kalihim ng digmaan sa gabinete ni Pedro Paterno. Pagkatapos ay ipinasya niyang sumuko kay Heneral Baldwin ng Hukbong Amerikano.

Naglingkod si Trias sa rehimeng Amerikano mula 1901 hanggang 1905 bilang unang gobernador-sibil ng Cavite. Pormal siyang itinalaga bilang civil governor ni William Howard Taft noong Hunyo 11, 1901. Naitalaga rin siyang kagawad ng delegasyon ng Pilipinas sa St. Loius Exposition (Missouri) noong 1904.

Itinatag ni Trias ang sangay ng Lapiang Nasyonalista sa Cavite at nagtaguyod ng kandidatura ni Rafael Palma bilang assemblyman ng nag-iisang purok ng Cavite noong 1907. Sa halalan ng 1912, itinaguyod naman niya sina Antero S. Soriano at Florentino Joya na nanalo bilang gobernador at kinatawan ng Cavite.

Sa San Francisco de Malabon ipinanganak si Hen. Mariano Trias noong Oktubre 2, 1868. Anak siya ng may-ari ng lupain na si Balbino Trias (isang kabesa de barangay at naging hukom pamayapa noong panahon ng mga Kastila) at Gabriela Closas. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa kanilang bayan, pumasok si Trias sa Kolehoyo ng San Juan de Letran kung saan nagtapos siya ng Bachelor of Arts. Lumipat siya sa Pamantasan ng Santo Tomas at kumukuha ng medisina nang sumiklab ang himagsikan. Tumigil siya sa pag-aaral at sumapi sa Katipunan kung saan siya naging piskal ng Sangguniang Magdiwang.

Sa kabila ng kanyang pakikipaglaban at sa kanyang busy political career, nakapag-asawa pa rin siya sa katauhan ni Maria Concepcion Ferrer at nagkaroon ng walong anak. Namatay siya noong Pebrero 22, 1914 sa gulang na 45.

Malaking bagay ang nagawa ni Hen. Trias upang magtagumpay ang himagsikang Pilipino laban sa mga Kastila. Dahil dito, ang bayan ng San Francisco de Malabon ay ipinangalan sa kanya bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan at paglilingkod sa bayan. Sa pamamagitan nito ay mananatiling buhay sa alaala ng sambayanang Pilipino ang kadakilaan ni Heneral Mariano Trias.

Blog Archive