Narito ang iminumungkahing epektibong tips o paraan ni Babao para hindi masyadong magmukhang guilty sa Senado:
1. Maging kalmado. Huwag mapipikon kahit personal na ang pang-iinsulto at pag-atake ng mga senador.
2. Ituring na lang ang mga senador na parang sina Tito, Vic t Joey dahil sa kanilang mga pang-comedy bar na punchline.
3. Sagutin lahat ng tanong kahit sablay. Huwag sasagot ng "I invoke my right against self-incrimination" dahil talagang magmumukha kang guilty.
4. Maglagay ng mga magagaling na abogado at adviser sa iyong likuran para mag-chu-chu ng mga magandang isasagot.
5. Talo ang mapikon kay Senador Miriam Defensor Santiago dahil natutuwa ang audience sa kanyang mga punchline at hirit.
6. Pagurin ang mga senador sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga sagot. Magagalit sila sa una pero magsasawa rin sa huli.
7. Tandaan, hindi puwedeng ipakulong ng Senado basta dumalo lang ng mga hearing.
8. Showbiz din kasi ang mga senador. Pabayaan silang mag-grandstanding. Hayaan silang magkaroon ng sariling moment. Naka-broadcast at telecast kasi ang hearing. Dagdag pogi at ganda points iyon sa kanila.
9. Okay lang magmukhang kawawa sa TV. Magdrama rin nang kaunti. Uminom ng gamot na ala-Jocjoc para makita sa TV na may sakit. Pero huwag masyadong maging OA, ha? Tandaan, iyong ginawa ni Jocjoc sa airport.... UBER na 'yun!
10. At huwag kalimutang magpaospital o mawala ng dalawang linggo para makapag-rehearse ng mga isasagot sa mga tanong ng mga senador.
No comments:
Post a Comment