Ngunit kailangan bang kapag nahaharap tayo sa problema ay kakalimutan na rin antin ang amging masaya? Hindi ito makatarungan. Nakasalalay sa ating sarili ang pagiging masaya at hindi sa kung ano ang nangyayari sa ating buhay.
Narito ang ilang mga paraan upang mapanatiling maging masaya ang ating mga sarili sa kabila ng mga suliranin.
- Gustuhing maging maligaya. Ang pagiging masaya ay isang desisyon. Maraming mga bagay ang nagiging dahilan upang tayo ay maging malungkot o magalait pero lahat tayo ay mayroon ding dahilan para maging masaya. Sa halip na ituon ang atensiyon sa mga bagay na nagpapalungkot sa atin, isipin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.
- Ngumiti. Ugaliing ngumiti kahit na hindi mo gustong ngumiti. Sa pagngiti ay mararamdaman mong ibang tao. Kahit na hindi masaya ang nararamdaman mo, magbabago ang pakiramdam mo kapag ngumiti ka. Kapag nakangit ka, ang mga taong makakakita sa iyo ay gugustuhin ding maging masaya. Nakahahawa ang pagiging masaya.
- Makisalamuha sa ibang tao. Huwag masyadong mapag-isa. Makisalamuha sa mga tao gaya ng mga kaibigan, kapitbahay o kahit na sinong mapadaan sa harap ng inyong bahay. Kapag nag-iisa ka, napopokus ang iyong isipan sa iyong sarili at lalo lamang maiisip ang mga problema. Makipag-usap sa ibang tao.
- Mag-enjoy sa buhay. Minsan lang ang mabuhay kaya i-enjoy ito. Bawat araw ay bigyan ang sarili ng pagkakataong gawin ang nais gawin sa buhay.
- Makuntento. Maging masaya sa kung anong mayroon ka. Huwag maghangad ng mga bagay na imposibleng makamit. Tigilan ang pagkukumpara ng sarili sa iba, sa kung anong mayroon sila na wala sa iyo. Iwasan ang pagkainggit at pagseselos. Suriin kung ano ang mayroon ka at magpasalamat samga ito.
- Magdasal. Huwag kalimutan ang magdasal at magpasalamat sa mga magagandang nangyari sa iyong buhay. Ipagdasal ang ibang tao lalo na ang mga mahal sa buhay. Tandaan ito ang sikreto sa lahat ng kaligayahan sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment