Hindi sapat na mukhang malinis lang ang kabahayan, kailangang isaalang-alang din ang kaligtasan ng bawat miyembro ng atin tahanan. Maging maingat at mabusisi sa paglilinis ng kabahayan. Tandaan, sa pamamahay nagsisimula ang maayos na kalusugan ng buong pamilya.
- Rekisahin ang Sahig. Panatilihing malinis ang sahig. Ang dumi, alikabok at kalat ay maiiwasan sa regular na pagwawalis. Ugaliin din ang palaging paglalampaso at paggamit ng vacuum cleaner upang maiwasan ang pagkalat ng iba't ibang mikrobyo sa loob ng kabahayan.
- Regular na Pagpapalit ng Espongha. Alam mo bang mas marumi pa ang esponghang panlinis ng mga pinagkainan kaysa sa inidoro? Naninirahan dito ang milyun-milyong bacteria na hindi natin nakikita. Mabilis na kumakalat ang mga mikrobyo sa mga basang lugar o bagay. Panatilihing malinis ang mga basahan at espongha na ginagamit sa kusina. Labhan ito nang maayos gamit ang anti-bacterial soap at bleach.
- Iligpit Agad ang mga Tira at Nakatiwangwang na Pagkain. Madaling kumalat ang mga mikrobyo kaya kailangang iligpit at ibasura, kung kinakailangan, ang mga tirang pagkain. Siguruhin din na mailalabas agad ang basura upang hindi magdulot ng karamdaman sa buong pamilya.
- Linising Mabuti ang Kubeta. Sabunin ang dingding, pinto, lababo, bowl, salamin, sahig at door knob gamit ang anti-bacterial detergent. Gamitin din ito ng bleach upang maging germ-free ang inyong palikuran.
- Palitan ang Kobre Kama. Ugaliing magpalit ng sapin sa kama isang beses sa isang linggo upang maiwasan ang pangangating dala ng mikrobyo.
- Magkaroon ng Sariling Tuwalya. Hindi mabuti na iisang tuwalya lang ang ginagamit ng buong pamilya. Magiging sanhi ito ng mabilis na pagkalat ng germs mula sa isang miyembro ng pamilya hanggang sa buong pamilya. Ibilad ang tuwalya sa ilalim ng sikat ng araw upang mamatay ang nakadikit na mga mikrobyo rito.
No comments:
Post a Comment