Kung gusto mong magkaroon ng bespren, unang-una sa lahat dapat may tiwala ka sa ibang tao. Kung may tiwala ka sa iyong kapwa, magtitiwala rin sila sa iyo. Ang tiwalang ito ang magsisilbing pundasyon ng pakikipagkaibigan.
Sa pakikipagkaibigan ay mahalaga ang bukas na komunikasyon. Hanggat maaari ay maging tapat sa isa’t isa. Huwag kalimutang purihin ang iyong kaibigan sa kanyang mga magagandang katangian subalit huwag ka ring magdalawang-isip na punahin ang kanyang mga pagkakamali. Kung magalit man siya sa iyong pagpuna, ipaliwanag sa kaniya na kaya mo iyon ginawa ay upang mapabuti siya. Matutuo ring makinig sa kanay, kahit pa sa mga hindi gaanong mahahalagang bagay na sinasabi niya. Kapag ikaw ay mahusay makinig, gagawin din niya ito sa iyo. Gawin mo sa kanya ang gusto mong gawin niya sa iyo. Maging bukas sa nararamdman at huwag mangiming sabihin ang “I love you”.
Huwag kalimutang samahan ang iyong kaibigan sa lahat ng pagkakataon, sa kasiyahan man o kalungkutan. Kung kinakailnagn ay umiyak ka rin kapag siya ay umiiyak, tumawa kung siya ay nagpapatawa.
Huwag ding kalimutan ang mga mahahalagang araw sa kaniyang buhay tulad ng kung kalian siya nagka-uno sa grade, kung kailan siya sinagot ng nililigawan niya (o kung kalian niya sinagot ang manliligaw), ang kaarawan ng kanyang mga magulang at kapatid, at siyempre ang kanyang kaarawan.
Panatilihin ang inyong ugnayan at komunikasyon kahit sa text man lang. huwag ituring na baduy ang pagsulat dahil may mga bagay na mas masarap basahin sa sulat kaysa sa text lang. kung malayo sa isa’t isa huwag kalimutang mag-email o makipag-chat sa kanya. Kumustahin siya lagi at huwag kalimutang sabihin ang “ingat ka”.
Tandaan niyo lagi ang mga sinabi kong ito kung gusto mong magkaroon ng isang bespren. Marami pang ibang paraan pero ang mga ito ang itinuturing kong mahahalagang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
September
(9)
- Healing Power ng Berry
- The Implications of Energy Sector Reforms for a Ph...
- The Implications of Energy Sector Reforms for a Ph...
- The Implications of Energy Sector Reforms for a Ph...
- Edukasyon: Pamana ni Dr. Jose Rizal
- What is Affiliate Marketing?
- Marcelo H. del Pilar: Pinakamagaling na Manunulat ...
- Tips Sa Pagkakaroon ng Mataas na Grado
- Tips Sa Pagkakaroon ng Bespren
-
▼
September
(9)
No comments:
Post a Comment