“Diariong Tagalog” at “La Solidaridad” ang pumapasok agad sa ating isipan kapag nabanggit si Marcelo H. del Pilar o Plaridel na isinilang sa nayon ng Cupang, Bulacan noong Agosto 30, 1850.
Ngunit ang totoo, si Plaridel ang nanguna sa kilusan para makalaya ang Pilipinas sa pagkaalipin ng mga Kastila. At si Heneral Ramon Blanco ng Espanya sa Pilipinas ang nagsabing si Plaridel ang “Kaluluwa ng Pagsasarili ng Pilipinas”.
“Si Plaridel ay napakahusay na manunulat, isa siya sa pinakamagaling na manunulat ng lahing Pilipino,” pahayag naman ng bantog na mananalaysay na si Wenceslao Retana.
Salig sa mga natuklasan ng mga mananaliksik ng kasaysayan, si Plaridel ay gumagawa ng mga sulat na naglalahad ng pagmamalabis ng mga prayle at mga pinunong Kastila nang panahong si Jose Rizal ay nag-aaral pa sa Ateneo Municipal. Walang takot niyang ibinunyag ang pang-aapi at pagmamalabis ng kura-paroko ng Malolos noong mga taong 1869, 1880, 1884 at 1885.
Si Plaridel ay sa wikang Tagalog sumulat bagaman tapos siya ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas. Noon pa man, alam na ni Plaridel na mahalagang gamitin ang wika ng bayan sa pagsusulong ng mga simulaing makabayan, lalo na ng kalayaan. Ginamit niyang tinig ng sambayanang naghahangad ng mga pagbabago ang itinatag niyang “Diariong Tagalog”.
Sinulat niya noong ika-30 ng Setyembre, 1887 ang sumbong ng mga taga-Binondo tungkol sa kanilang gobernador-heneral. Nobyembre 20 at 21 naman nang isulat niya ang hinakdal ng mga taga-Navotas laban sa kanilang kura-paroko. Ika-3 ng Pebrero nang ilimbag niya ang petisyon sa Reyna Rehente ng Espanya na nilagdaan ng maraming kilalang mamamayan ng Maynila at mga karatig-bayan na nagbintang kay Arsobispo Pedro Payo ng Maynila at sa mga prayle ng pagsuway at kataksilan kaya hiningi nila sa Reyna Rehente na alisin sila sa Pilipinas.
Naganap noong Marso 1, 1888 ang kauna-unahang demonstrasyon sa lansangan na dinaluhan ng maraming tao upang ipaabot ang sulat sa gobernador-heneral ng Maynila. Kasabay nito ang pagtatatag ni Plaridel sa El Cinco, isang samahan na ang hangarin ay lumaya ang Pilipinas mula sa Espanya.
Alam ni Plaridel at ng mga kaanak niya na mainit na sa kanya ang mga Kastila lalo na ang mga prayle. Dahil dito, nilisan niya ang Pilipinas noong Oktubre 1888 patungong Espanya kung saan niya itinayo ang “La Solidaridad” na naging tinig ng mga Pilipino sa Espanya na nagsusulong ng pagbabago sa Pilipinas.
Ipinamahagi pa rin niya sa Pilipinas ang isinulat niyang “La Patria” at “Ministerio de la Republica Filipina” para ipaalam sa mga Pilipino ang hangarin niyang kalayaan ng Pilipinas. Sa kasawiang-palad, binawian ng buhay si Plaridel noong Hulyo 4, 1896, 50 araw bago naganap ang Unang Sigaw sa Pugad-Lawin ng Katipunan ng grupo ni Gat Andres Bonifacio.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2008
(82)
-
▼
September
(9)
- Healing Power ng Berry
- The Implications of Energy Sector Reforms for a Ph...
- The Implications of Energy Sector Reforms for a Ph...
- The Implications of Energy Sector Reforms for a Ph...
- Edukasyon: Pamana ni Dr. Jose Rizal
- What is Affiliate Marketing?
- Marcelo H. del Pilar: Pinakamagaling na Manunulat ...
- Tips Sa Pagkakaroon ng Mataas na Grado
- Tips Sa Pagkakaroon ng Bespren
-
▼
September
(9)
No comments:
Post a Comment