Healing Power ng Berry


Inilahad ng isang anti-aging expert ang kanyang kaalaman at depenisyon sa mga prutas na ang berry ay nature's most perfect food. Taglay nito ang kakaibang kombinasyon ng nutrisyon gaya ng protina, bitamina at mineral na posibleng may mga sumusunod na magandang epekto:

Maiwasan ang cancer. Ayon sa pananaliksik, natuklasang ang berry ay nagtataglay ng 86% na carcinogen laban sa human leukemia cells. Naniniwala ang mga eksperto na kaya rin nitong iwasan ang banta ng breast cancer at colon cancer.

Protektahan ang puso. Mayamang pinagkukunan ang berries ng cholesterol-lowering compounds na tinatawag na phytosterols. Matatagpuan rin sa prutas ang omega-3 fatty acids na nakapagpapaiwas sa arterya sa pamumuo ng dugo sa loob ng katawan.

Magpalusog ng cell. Nagtataglay ang berries ng vitamin C at T nutrients na napatunayang pumuprotekta sa balat mula sa polusyon ng araw, atbp. Nakatututlong ito upang ang cell membrane ay mas higit pang maging malusog.

Maalagaan ang utak. Itinuturing ang blueberries bilang “brain berries” subalit natuklasan pa ng mga mananaliksik na ang naturang berries ay [posibleng humadlang sa development ng Alzheimer's disease.

No comments:

Blog Archive