TO ALL WHO DOUBT THE MELASON!

This is a Repost from melason.com (Originally Posted by princekokak):

1) Nung nalasing si Jason, si Isay lang ang gusto nyang makasama at makausap. Dinedma nya nga si Mariel kahit nilapitan sya nito. Sobrang lambing nya kay Isay at talagang nasabi nya pa kay isay na "gusto kita" ng harapan at "nagagandahan ako sa yo e!". Eto ay habang lasing sya!. Mas todo lambing sya kay Isay nung lasing sya. Ang mga mata ni Jason, kitang kita ang sobrang desire nya kay Isay. MGa matang hindi ko nakita habang pinapacify si Mariel.

2) May bagong tawag na si Jason kay Isay, at yun ay "IZ" mas sexy, mas malambing, mas formal... Level up.

3) Nung nalasing si Isay, sunud ng sunod si Jason sa kanya pero layu ng layo si Isay.

4) Nung lasing at medyo nasigaw na si Isay, binuhat ni Jason from the floor si Isay, itinayo-buhat nya, nilagay sa red couch at binakuran, binantayan at hinilut ang paa.

5) Pinalo ni Johan sa ulo si Isay gamit yung giant slipper. From behind yun so, hindi naawat ni Jason. Pero nung gagawin ulit ni Johan, hinarang ni Jason kamay nya, binawalan si Johan na ulitin ulit gamit lang yung mata nya na kitang kita na galit sya sa ginawa. Kaya, hindi na inulit ni JOhan paluin si Isay sa ulo.

6) Binubulungan/Sinasabihan ng mahina ni Jason si Isay na umayos... kasi nga pangit na ang dating. Pero mas nag gagara gara si Isay. Nalulungkot at naaawa siya na makita si Isay sa ganung kalagayan. Kitang kita yun sa mukha ni Jason.

7) Ilang beses sinasabihan ni Jason na uminom, sundutin yung lalamunan para magsuka, pero hindi nakikinig si Isay, at lumalayo talaga sa kanya. AYAW NI ISAY MAKITA SYA NI JASON SA GANUNG KALAGAYAN. Lagi nya sinasabi, "makinig ka naman sa akin,... maniwala ka naman... sundin mo sinasabi ko..." Pero ayaw nga makinig or sumundo si Isay.

8) Kumuha ng clothe si Jason at binasa gusto nyang ipunas kay Isay, kaso ang likot ni isay at sumisigaw-sigaw na. Kaya nga tawag nila PJ e "Rottweiler" nila si Isay.

9) Mas nakikinig si Isay kay PJ at TIBO that night. Kasi bisaya na ang usapan nila. Si Isay bisaya na rin ang sinasabi nya. Hindi maintindihan ni Jason. Mas nakikinig sya kay PJ and Tibo dahil nahihiya sya kay Jason.

10) Si Johan, hindi ma restrain si Mariel na sobrang ingay na. Tinulungan din nila PJ at TIBO, pero masyadong wild, maingay at hulog ng hulog sa circle couch si Mariel.

11) So, Mommy Kath, Mariel and Isay at lasing na lasing kagabi. Si Tibo, nag focus kay Mommy Kath dahil mas tame si Mommy Kath, may asawa pa. Compared kay Mariel na dikit ng dikit sa mga lalake that night. Si PJ Nag focus kay Isay dahil mas nakikinig si Isay kay PJ, at bisaya ang usapan nila. Si Johan, hindi makaya si Mariel magisa. Si Jason natoka na kay Mariel.

12) Sa mga babaeng tulad ni Mariel, pag nalasing e naghahanap ng intimacy or jerjer, ang solusyon lang para mapacify yan e akapin mo or lambingin mo. Pag hindi ganun ang style, mas tatagal lang ang pag gara gara nun. Ang tagal pinapacify ni Johan si Mariel, pero walang nangyayari, paingay lang ng paingay si Mariel. laking kalye si Jason kaya ang alam nyang way para ma pacify ang ganyang klase ng babae e akapin mo lang.

13) WALA PONG HALIKAN OR HAWAKAN SA MASESELANG BAHAGI NA NANGYARI.

14) Kung hindi mapacify ni Jason si Mariel, tiyak, sermon na naman siya kay Mr. Perfect. Sasabihin na namang, yun lang di mo pa magawa.

15) SI ISAY, hindi sumusunod kay Jason. Mas naggagara-gara at sumisigaw in Bisaya pag si Jason ang nalapit. Kasi nga, tingin ko, ayaw ni Isay, makita sya ni Jason na ganun sya kalasing.

16) Nakita naman natin, na sa lahat ng girls na lasing-lasing, pinakaunang napatulog ni Jason si Mariel. Si Mommy Kath at Isay, tagal bago napahupa or tulog. Pagka patulog ni Jason kay Mariel, ayun free na siya at pinuntahan nya naman agad si Isay.

17) Habang pinapacify ni Jason si Mariel, binababa nya blouse nito para walang ma expose na body part. Pinapatong nya ang legs nya sa legs nito pero nilalagyan niya ng comforter sa pagitan. Hinawakan nya ang kamay kasi masyadong malikot. BAKA DAKMAIN PA tintin nya!

18) All throughout ng pag pacify nya kay Mariel, nasa view nya at tinitingnan si Isay. Yung ulo nya lagi nyang nilalayo sa face ni Mariel. Nung kalmado lang saka na relax ang ulo nya sa pag iwas.

19) In the end, nung nahimasmasan na si Isay, si Jason na ang katabi ni Isay, kausap at katabi sa pagtulog hanggang nakatulog na si Isay. Ang lambing ng pagkausap nya kay Isay.

20) Ilang beses na nating nakikita si Isay na mag I love you or maghilot, humalik kili kili, at mangigil at mag hug sa ibang lalake. Okay lang sa atin, iniisip nating walang malisya yun. Si Jason, sa haba haba ng panahon, kagabi lang natin nakita yung ganung akap, at may rason pa na pinapacify at pinatulog nya lang agad, iba na iniisip agad ng tao. May malisya na agad. Kung si Mariel, sure ako may malisya. Kay Jason, wala yun malisya. Ang mata nya laging natingin kay Isay all throughout.


TRUST ISAY. TRUST JASON.
LISTEN TO WHAT YOUR HEARTS SAY....

SOMETIMES, WHAT WE SEE IS NOT WHAT IT SEEMS TO BE.



DAMI NA NATING NAKITA, PINAGDAANAN AS MELASON.... BIBITAW BA KAYO NG GANUN GANUN LANG...

AKALA KO KILALA NYO SILA. ISIPIN NYO KUNG ANO ANG REAL CHARACTERS, UGALI, PRINSIPYO NILA...

No comments: