Queen Seon Deok: A Tragedy of Love



Isa sa mga kinahuhumalingan kong Koreanovela ngayon ay ang "Queen Seon Deok" na kasalukuyang ipinapalabas sa GMA 7.

Ang kuwento ay tungkol sa buhay at pag-ibig ni Prinsesa Deokman ng Silla at kung paano siya naging reyna ng Silla, isa sa Tatlong Kaharian ng Sinaunang Korea. Ipinakita rito kung paano niya natalo ang mortal niyang kalaban na si Lady Mishil na matagal nang nagnanasang maging reyna. Isa rin itong kuwento ng tragic love kung saan isinakripisyo niya ang kanyang pag-ibig para pagsilbihan ang kanyang mga nasasakupan.



Itinuturing siyang kauna-unahang "female ruler". Nang mg panahong iyon ay puro lalaki ang namumuno sa kaharian subalit dahil sa kanyang galing at talino ay nagawa niyang pamunuan ang Silla. Sinimulan niyang isakatuparan ang layuning mapag-isa ang Tatlong Kaharian (Silla, Goguryeo at Baekje). Siya rin ang nagpatayo ng Cheomseongdae (Star-Gazing Tower), ang itinuturing na kauna-unahang observatory sa Silangang Asya. Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ang tore sa lumang kapital ng Silla, ang Gyeongju, sa South Korea.

Pinangungunahan ito nina Lee Yo Won bilang Queen Seondeok, Ko Hyeon-jeong sa papel na Lady Mishil, Park Ye-Jin bilang Princess Cheonmyeong, Uhm Tae Woong bilang Kim Yushin, at Kim Nam-gil sa papel na Bidam.

Para mas lalo niyong ma-appreciate ang kuwento, basahin ninyo ang sinaunang kasaysayan ng Korea.

No comments:

Blog Archive