Narito ang ilang suhestiyon upang kaagad mapagaling ang ulcer at upang makaiwas dito:
- Kinakailangang kaagad na magpa-laboratory test tulad ng endoscopy o upper GI series upang malaman kung mayroong gasgas ang mga bituka at sikmura.
- Ugaliing mag-relax. Pangunahing sanhi ng ulcer ang stress at pagod. Ganoon din ang labis na pag-iisip o pag-aalala.
- Bawasan kung hindi man mapigilan ang paninigarilyo. Nagiging mabagal ang proseso ng paggaling ng ulcer kapag patuloy sa paninigarilyo ang taong may ganitong health disorder. Iwasan din ang pag-inom ng alak hangga't maaari.
- Ugaliin ang madalas na pagkain. Hindi man marami at kahit unti-unti lamang basta gawin itong madalas. Huwag magpapagutom. Makabubuti ang palagaiang pagbabaon ng biskwit o kahit anong tinapay.
- Kahit patuloy sa pag-inom ng mga gamot, patuloy pa ring mararamdaman ang sintomas ng ulcer. Mas makabubuti kung palagi o regular na magpa-ckeck up sa espesyalista.
Isang komplikasyon ng ulcer na hindi nagagamot ay ang pagbabara o pagkabutas ng bituka.
Sa mga ugaling Pinoy na kadalasan ay kung kani-kanino kumukuha ng payo, madalas malala na ang sakit bago pa ito magtungo sa espesyalista. Sa sandaling makaramdam ng mga sintomas ng ulcer ay kaagad na magpakonsulta sa doktor upang maiwasan ang paglala nito.
5 comments:
Kailangang maagapan ang mga ulcer --- pwede ito maging cause ng hemorrhage na mas mahirap gamutin. Info tungkol sa iba pang age-related na sakit: http://over40andfighting.com/agerelateddesease.asp
nakakamatay po ba ang pagkakaroon ng ulcer pag ito'y pinabayaan?
makakamatay po ba ang pagkakaron ng ulcer pag itoy pinabayaan??
Nka mamatay po ba ang ulcer
Nka mamatay po ba ang ulcer
Post a Comment