Tactic ni Hayden Kho versus Katrina Halili

Sinubaybayan natin ang Senate hearing noong Huwebes hinggil sa sex video ni Dr. Hayden Kho at aktres na si Katrina Halili at masasabi kong nagamit ng mga abogado ni Kho ang naturang inquiry para ilihis ang isyu at idiin si Halili sa isyu ng droga na hindi naman ang pangunahing usapin.

Diversionary tactic ang ginawa ng mga abogado ni Kho sa naturang pagdinig at nagtagumpay sila dahil hindi napamunuan nang mahusay ni Senador Jamby Madrigal ang kanyang komite na siyang nanguna sa imbestigasyon ng Hayden-Katrina sex vi­deo.

Privilege speech ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang naging basehan ng imbestigasyon ng Se­nate committee on women and children at desisyon ni Madrigal ang pagtatawag ng hearing matapos ma-refer sa kanyang komite ang privilege speech.

Focal point sana ng Senate inquiry ang iligal na pag-record ni Kho ng kanilang pagtatalik ni Halili dahil hindi alam ng huli na naka-video pala ang kanilang private moments kaya naman laking gulat ng aktres nang makita niya sa internet ang natu­rang video.

Pero imbes na busisiin ang sex video para lalong mapalakas ang batas hinggil dito ay nauwi sa isyu ng iligal na droga ang hearing kung saan pi­lit na ibinibintang ng kampo ni Kho na si Halili ang nagbigay ng drogang “ecstasy” sa doktor bago sila nagtalik.

Pinabulaanan na ni Halili ang hinggil sa bintang ni Kho at sa katunayan ay nagsampa na siya ng kasong libelo laban sa ina ng doktor na unang nagsabi sa ABS-CBN na naging drug addict si Hayden at si Katrina nga ang supplier niya ng ecstasy.

Halata namang may script na sinusunod si Kho sa Senate hearing dahil pilit niyang pinalalaki ang isyu sa droga hanggang sa puntong may death threats na umano siya sa mga drug lords at mismong ang mga naturang drug lords ang nagpakalat ng sex vi­deo matapos bilhin ito ng P2 million.

Sino ba namang drug lord ang bibili ng sex vi­deo nina Hayden at Katrina sa halagang P2 million? At kung totoong may death threat si Kho sa mga drug lord ay dapat nagpunta agad siya sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) para magpa-blotter at kumuha ng mga close in-security.

Halata ring propaganda gimmick ang hinggil sa drug lord dahil nang tanungin siya sa hinggil dito ay puro pagtanggi at iwas-pusoy ang ginawa ni Kho at hindi rin naman siya nagpunta sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para isiwalat ang mga pangalan ng drug lord na nagbabanta sa kanyang buhay.

Mabuti na lamang at maganda ang naging opening statement ni Katrina Halili dahil sa pamamagitan ng kanyang binasang pahayag ay naituwid ang dapat maging perspektiba ng Senate hearing sa kabila ng patuloy na diversionary tactic ng mga abogado ni Kho na galing sa law firm ng abogado rin ni Vicki Belo.

Nakabuti rin ang pagsasampa ni Halili ng kasong libelo laban kay Gng. Irene Kho na ina ni Hayden dahil indikasyon ito na handang lumaban ang aktres para depensahan ang kanyang sarili sa mga below-the-belt na mga atake ng kampo ng kanyang dating katipan.

Naisip ko nga na kung sakaling totoo nga na kay Katrina natutong gumamit ng ecstasy si Dr. Hayden Kho ay napakalakas na ebidensiya na ito para tanggalan siya ng lisensiya bilang doktor ng Professional Regulatory Commission (PRC) dahil walang duda na conduct unbecoming of a doctor ang malulong sa droga.

Sino na nga bang pasyente ang magtitiwala kay Dr. Hayden Kho na matapos umamin sa iligal na pag-video ng kanyang mga sexual conquests ay umamin din na naging adik sa drogang ecstasy?
Kung may kasalanan man si Katrina Halili ay ‘yan ang ma-in love kay Dr. Kho na kanyang pinagkatiwalaan kahit alam niyang boyfriend ito ni Dr. Vicki Belo na minsang kumuha sa kanya bilang endorser ng kanyang beauty products.

Pero anuman ang naging kasalanan ni Halili ay hindi naman siya dapat binaboy gaya ng nangyari sa sex video nila ni Kho at ngayon nga ay gusto pang katayin at litsunin si Katrina ng mga abogado at PR consultant ng kampo ni Kho at ni Belo.

drug lord ay dapat nagpunta agad siya sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) para magpa-blotter at kumuha ng mga close in-security.

Halata ring propaganda gimmick ang hinggil sa drug lord dahil nang tanungin siya sa hinggil dito ay puro pagtanggi at iwas-pusoy ang ginawa ni Kho at hindi rin naman siya nagpunta sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para isiwalat ang mga pangalan ng drug lord na nagbabanta sa kanyang buhay.

Mabuti na lamang at maganda ang naging opening statement ni Katrina Halili dahil sa pamamagitan ng kanyang binasang pahayag ay naituwid ang dapat ma­ging perspektiba ng Senate hearing sa kabila ng patuloy na diversionary tactic ng mga abogado ni Kho na galing sa law firm ng abogado rin ni Vicki Belo.

Nakabuti rin ang pagsasampa ni Halili ng kasong libelo laban kay Gng. Irene Kho na ina ni Hayden dahil indikasyon ito na handang lumaban ang aktres para depensahan ang kanyang sarili sa mga below-the-belt na mga atake ng kampo ng kanyang dating katipan.

Naisip ko nga na kung sakaling totoo nga na kay Katri­na natutong gumamit ng ecstasy si Dr. Hayden Kho ay napakalakas na ebidensiya na ito para tanggalan siya ng lisensiya bilang doktor ng Professional Regulatory Commission (PRC) dahil walang duda na conduct unbecoming of a doctor ang malulong sa droga.

Sino na nga bang pasyente ang magtitiwala kay Dr. Hayden Kho na matapos umamin sa iligal na pag-video ng kanyang mga sexual conquests ay umamin din na naging adik sa drogang ecstasy?
Kung may kasalanan man si Katrina Halili ay ‘yan ang ma-in love kay Dr. Kho na kanyang pinagkatiwalaan kahit alam niyang boyfriend ito ni Dr. Vicki Belo na minsang kumuha sa kanya bilang endorser ng kanyang beauty products.

Pero anuman ang naging kasalanan ni Halili ay hindi naman siya dapat binaboy gaya ng nangyari sa sex video nila ni Kho at ngayon nga ay gusto pang katayin at litsunin si Katrina ng mga abogado at PR consultant ng kampo ni Kho at ni Belo.


Reference:

Abante Tonite

No comments: