- Iwasang siraan ang ex sa mga kaibigan at kapamilya lalo na sa harap ng mga bata. Ang sinasabi mong masama ang kanilang ama ay kanila pa ring mahal na magulang; at kung magsasalita ka nn masama laban sa kanya, ang mga bata na arin ang una mong sinasaktan.
- Iwasang idamay ang mga bata. Sapat nang nasaktan nang una ang mga bata sa problema at hindi sila dapat ang tumatanggap ng nakamumuhing mensahe at gumitna sa pagtatalo ng mga magulang.
- Maging pamilyar sa mga gawain ng mga bata. May mga bagay na malayo sa iyong kontrol habang nagkakanya kanya pero ang mapanatili mo ang ang normalidada at seguridad sa mga bata, oras ng pagkain, pagtulog at utos sa loob ng bahay ay dapat pareho pa rin.
- Panatilihing maayos ang relasyon sa iba pang magulang. Mas madaling mag-adjust ang mga anak sa oras na magkanya-kanya kayo ng asawa mo kung ang usapan sa ex ay maayos at walang gulo.
- Walang dapat kakampihan ang bata. Mas masakit sa mga bata kung papipiliinsila king sino sa inyong dalawa ang mas mahal nila.
- Huwag nang ikuwento sa kanila ang masakit na dahilan ng inyong paghihiwalay. Hindi mo na kailangang idetalye sa mga bata kung bakit hiniwalayan mo siya dahil nahuli mo siyang kalampungan ang inyong kapitbahay. Makasasakit lamang ito sa kanilang kalooban.
- Gawan ng paraan na mabawasan ang stress. Kung bagsak din lamng ang kalooban mo, mawawalan ka ng abilidad na matulungan ang mga bata na makontrol ang kanilang damdamin. Kaya mahalaga na mapanatili mo ang iyong pisikal at pangkaisipang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, pagkain ng tama, at makakuyha ng suporta sa mga mahal sa buhay, mga tagapayo at paglahok sa mga gawaing pangrelihiyon.
Ngayong Usung-uso ang Broken Family: 7 Paraan Upang Di-Gaanong Masaktan ang mga Anak sa Paghihiwalay ng mga Magulang
Ang nagaganap na pagkakanya-kanya ng landas ng ibang mga magulang ay patuloy na nakaaapekto sa mga bata. Dapat mapag-aralan ng mga magulang kung paanong di masyadong maaapektuhan ang mga bata sa ganitong nangyayari sa mga magulang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment