Buhay Probinsiya

i miss my life in the province... yung magigising ako sa tilaok ng manok habang sumisilip ang bukang-liwayway sa silangan... tapos masigla akong magdidilig ng aking mga pananim; mga halamang namumulaklak sa hardin at mga halamang gulay sa likod-bahay... maya-maya ay aakyat sa bukid upang manguha ng panggatong at mamitas ng mga prutas... sa gitna ng bukirin ay ang aming munting kubo na nalilimliman ng malaking puno ng mangga... at sa pananghalian ay magsasaing ng bigas na binayo at magluluto ng ulam na may gata... at sa hapon ay ang siesta kasabay ng mga huni ng ibong maya... pagkagising ay babalik sa bahay sa sentro... magdidilig ulit ng mga halaman... tapos magpapakain ng mga alagang hayop, kalimitan ay manok at baboy...maglalaga ng kamote, kamoteng-kahoy o kaya saging na saba para sa meryenda... at kapag may oras pa, makikipagkuwentuhan sa mga kapitbahay na kadalasan ay mga kamag-anak... bago magtakipsilim ay babalik sa bahay upang maghanda ng hapunan... pagkatapos kumain at maghugas ng pinagkainan ay ilalatag na ang banig sa sahig na gawa sa kahoy... at makakatulog sa saliw ng huni ng mga kuliglig...

No comments: