Isang Reaksiyon sa Pelikulang Ora Pro Nobis (Fight For Us)
Direksiyon ni Lino Brocka
Mga Nagsiganap: Philip Salvador, Dina Bonnevie, Gina Alajar
h
Nang una kong mapanood ang pelikulang Ora Pro Nobis (Fight For Us) limang taon na ang nakararaan ay nasa unang taon pa lang ako ng kursong Business Administration. Hindi pa ako ganoon kamulat sa mga nangyayari sa aking lipunan at maging ang aking mga ka-blockmate ay wala ring masyadongn ideya tungkol sa aktibismo, armadong kilusan, at Sosyalista – Komunista. Napilitan lang kaming panoorin ang nasabing pelikula dahil sa klase naming Kas 1 (Philippine History). Hindi kami required noon na gumawa ng reaksiyong papel subalit dahil sa aking pagiging mausisa ay tinanong ko ang aking mga klasmeyt kung ano ang palagay nila sa pelikula. Dahil mayayaman at graduate pa sa mga pribadong paaralan (Claret, Manila Science, Ateneo, etc.), walang ibang namutawi sa kanilang bibig kundi ang katagang “Okey lang.” Ngunit iba ang naging epekto ng pelikula sa akin bilang isang kabataan na nakasaksi sa mga gawain ng mga Sosyalista-Komunista o NPA o Kaliwa. Inaamin kong salat pa ang aking kaalaman noon tungkol sa kanila kaya nang mapanood ko ang pelikulang ito ni Lino Brocka ay ang aking emosyon lang ang naapektuhan. Habang pinapanood ko ang pelikula ay naranasan ko ang iba’t ibang uri ng damdamin: galit, pagkamuhi, awa, lungkot, pag-iyak, at maging paghihiganti. Nang lumabas ako ng Film Center ay ambigat-bigat ng aking pakiramdam. Nagngingitngit ang aking kalooban sa galit sa mga taong walang pusong nang-aapi ng kapwa at yumurak sa pagkatao ng maraming mamamayan.
Subalit nang muli ko itong mapanood sa UP Film Center nitong Pebrero 1 ay mas malalim ang naging pagtingin ko sa pelikula. Kung titingnan natin ito bilang isang teksto, maraming problema ang nakapaloob sa Ora Pro Nobis. Sa unang tingin ay masasabi nating ito ay maka-rebolusyon, maka-Kaliwa at pabor sa armadong pakikibaka ngunit kung susuriin nang malaliman ang pelikula ito ay hindi talaga ganoon. Nakapailalim sa pelikula ang antagonismo nito at pagbaluktot sa imahen ng Kaliwa (Sosyalista-Komunista).
Ginawa ang pelikula noong 1989 sa ilalim ng pamahalaang Aquino kung saan higit na marami ang naganap na paglabag sa mga karapatang pantao kaysa sa pinalitang rehimeng diktadura ni Marcos. Ang pagkakaiba nga lamang sa krimeng ito ng dalawang pamahalaan ay ang paraan ng kanilang pagsasagawa nito. Kung hayagan ang paglabag sa mga karapatang pantao ng rehimeng Marcos, patago namang ginawa ng pamahalaang Aquino ang pagsasamantala at pang-aapi sa maskara ng pagtatanggol sa mga karaniwang mamamayan laban sa Kaliwa na itinuturing ng pamahalaan bilang mga kriminal at walang kinikilalang Diyos.
Dapat nating malaman na ang pelikula ay ginawa rin upang ipalabas sa mga komersyal na sinehan. At kahit hindi nakapasa ang pelikula sa pamantayan ng MTRCB, hindi nangangahulugang ito ay subersibo. Ipinakita sa pelikula na suportado ng pamahalaan ang grupong Ora pro Nobis sa ibang pamantayan – na ang samahan ang magtatanggol sa kanayunan laban sa mga Kaliwa at hindi gagawa ng mga aksiyon laban sa mga mamamayan. Ngunit taliwas dito ang gawain ng grupo kung saan sila ay parang mga halimaw na uhaw sa karahasan: nagpapahirap, nananakit at pumapatay sa mga taong dapat ay kanilang ipinagtatanggol. Hindi rin ipinakita sa pelikula kung ano ang kaugnayan ng samahan sa pamahalaang Aquino ngunit ang karakter ni Kumander Kontra (Bembol Roco) ay ipinakitang umiidolo kay Marcos dahil sa larawan ng dating pangulo na nakasabit sa dingding ng bahay ng kumander. Marahil ay ipinapahiwatig nito na ang mga maka-Kaliwa ay nasa impluwensiya pa rin ni Marcos at iniiwasang idawit ang pamahalaang Aquino sa mga paglabag ng karapatang pantao sa pamamagitan nga ng pagpapakita na ang mga nagsasagawa nito ay umiidolo sa diktador na pangulo.
Kaugnay nito ang isa pang problema sa pelikula sa pagbibigay ng maling impresyon sa mga gawain at imahen ng kilusang Sosyalista-Komunista. Bagamat ipinakita ng pelikula ang pagbubulag-bulagan ng pamahalaang Aquino sa mga kaapihang dinaranas ng taumbayan sa ilalim ng terorismo ng kaniyang pamamahala, ipinakita rin ang imahen ng Kaliwa bilang kriminal – pumapatay ng tao at naninira ng buhay nang walang dahilan. Ang impresyon tuloy nito sa akin bilang manonood ay kawalang simpatiya sa gawain at pilosopiya ng kilusan na taliwas sa aking personal na kaalaman at karanasan tungkol sa kanila. (Maraming NPA dati sa aming bayan ng Minalabac sa Camarines Sur, Bicol at kung minsan ay bumababa sila sa aming baryo subalit wala naman silang ginagawang masama sa amin maliban sa paghingi ng mga gamit at pagkain. Madalas sila noong bumaba ng bundok at ako noon ay nasa elementarya pa lang, sa pagkakatanda ko ay mga taong 1990s nang mangyari iyon). Ipinakita sa pelikula na ang pagsama sa ganitong uri ng samahan ay nagdudulot ng pagkasira ng buhay at pamilya katulad ng nangyari sa pangunahing tauhan na si Jimmy (Philip Salvador).
Dagdag pa rito, ipinakita rin na ang pagsama sa armadong kilusan ay subjective at hindi dahil sa paniniwala o ideolohiyang ipinaglalaban. Ang pagsama (pagbalik din dahil dati na siyang maka-Kaliwa) ni Jimmy sa kilusan ay bunsod ng kagustuhang maipaghiganti ang kanyang namatay na anak at asawang si Esper (Gina Alajar). Malinaw na gusting sabihin ng tagpong ito na walang basehan ang kilusan maliban sa personal na kadahilanan. Ipinapahiwatig din nito na hindi lahat ay maaaring maging rebolusyonaryo hindi dahil sa kawalan ng sapat na kamalayan o kamulatan bagkus dahil sa kawalan ng karanasan sa mga pang-aapi ng pamahalaan.
Sa kabuuan, masasabing ang pelikulang Ora Pro Nobis ay nakabalot bilang isang maka-rebolusyonaryo pero ito ay subersibo lamang sa loob ng kagustuhan ng pamahalaang Aquino, sa loob ng pinapayagang pagtuligsa sa pamahalaan. (Nakakalungkot lang dahil ang sumulat ng kuwento ay ang hinahangaan ko at kilalang maka-Kaliwa at Marxist na si Jose F. Lacaba).
Paglingon
(PLAY) St. Louis Loves Dem Filipinos…the musical
Written by Floy Quintos
Music by Antonio Paterno Africa
Direction: Alexander Cortez
Cast: Miguel Castro, Isay Alvarez, Lio Rialp, Richard Cunanan
Teatrong Aguinaldo (AFP Theater)
Camp Emilio Aguinaldo, EDSA, Quezon City
November 26, 2005, 3:00 PM
Ang panonood ko ng dulang St. Louis Loves Dem Filipinos ay isang mahalagang karanasan para sa akin dahil nanuot ito sa kailaliman ng aking kamalayan at pagkatao. Ang adaptasyon nito bilang dulang musikal ay hindi lamang nagpagaan sa bigat ng paksang nais nitong ipahayag bagkus ay nagpalalim din sa emotional impact sa mga manonood. Bilang isang taong mahilig sa musika, ang nasabing dulang musikal ay tunay na kumurot sa aking damdamin. Ang mga siyentimento ni Bulan ay makabagbag-damdamin sa loob ng mga awitin. Itinaas ng musika ang materyal mula sa pagiging pulitikal tungo sa pagiging personal at emosyonal. Sa paggamit ng musika, tinulungan tayong makita si Bulan, ang pangunahing tauhan, at iba pang karakter na sila ay may pansariling pakikipagsapalaran upang sa ganoon tayo ay makasimpatiya, makaunawa, at makaisa sa kanilang damdamin. Gustung-gusto ko ang mga kantang ginamit sa dula lalo na ang Waiting Still na themesong nina Bulan at Momayon, ang awit ng tagapagsalaysay kay Bulan, If You Must Change, at ang finale na awit, Paglalakbay. At dahil musikal siya, pareho rin ang ending sa mga musicals sa ibang bansa, may redemption sa dulo.
Sa totoo lang, hindi ko maiwasang hindi maiyak hindi lamang para kay Bulan at sa kanyang naging kapalaran sa Amerika kundi para rin sa ating mga Pilipino at sa ating mga bigong pangarap. Pagkatapos kong mapanood ang nakakaiyak na dulang ito, hindi ko maiwasang pagnilayin ang dalawang mahalagang aspeto ng aking buhay. Una ay ang aking pangarap simula pa pagkabata na maging bahagi ng isang teatro – maging aktor man, manunulat o direktor. Kulang pa ako sa mga kaalaman at karanasang panteatro pero ang tanging dahilan kaya nananatiling buhay ang pangarap kong ito ay ang aking passion para rito. Sa dulang musikal ay nagsama-sama ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin sa buhay ko – pag-awit, pag-arte, pagsayaw, pagsulat at iba pa. Subalit hindi ko maiwasang malungkot dahil tutol ang mga magulang ko sa mga creative endeavor ko kasi ang gusto nila ay maging accountant ako. Ang una ko ngang kurso sa UP Diliman ay Business Administration and Accountancy pero nag-shift ako sa Malikhaing Pagsulat ngayong taon. Nang malaman ito ng mga magulang ko ay nadismaya sila subalit wala naman silang magawa dahil malaki na raw ako. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi Theater Arts ang pinili kong kurso. Personal po ang dahilan at kulang po ang espasyong narito upang maipaliwanag ito kaya hindi ko na lang po tatalakayin.
Balik tayo sa sinasabi kong paglilimi. Ang ikalawang bahagi ng aking pagkatao na aking ipinagnilay-nilay ay ang aking nakaraang kasaysayan at mga ninuno. Naniniwala ako na ang katangian ng tagapagsalaysday na si Fred Tinawid ang ating dapat taglayin – ang pagnanasang alamin ang kanyang sariling kasaysayan, ang ating sariling kasaysayan. Kailangan nating balikan ang ating pinagmulan upang malaman ang mga naging karanasan ng ating mga ninuno. Kapag ating ginawa ito, makikita natin na sila rin ay may mga pangarap at iyon ay ang makagawa ng isang dakilang gawain kung saan sila ay aalalahanin ng kanilang mga kababayan sa kanilang epiko at mga awiting-bayan. Para kina Bulan at sa asawang si Momayon, ang pagkakataong makapagbiyahe, makatawid sa kalawakan ng dagat at makatuntong sa Amerika, ay pagkakataon nila upang ipakita sa ibang bahagi ng mundo ang karangalan at kagandahan ng kulturang Bagobo habang sila ay namumulot ng makabagong impresyon, kaalaman, at edukasyon na kanilang maihahatid pabalik sa kanilang lugar na pinagmulan, Subalit taliwas dito ang nangyari kung saan sila ay ipinaradang parang mga hayop sa harap ng mga dayuhan, pinagtawanan, at nilibak. Para silang nasa circus o isang zoo.
Sa ngayon, katulad ako ni Fred na nagsasaliksik sa aking pinagmulan, inaalam ang aking kasaysayan at mga ninuno. Dahil dito, natuklasan kong isa pala akong taal na Bicolano. Noong una, ang alam ko ay ang nanay ko lang ang taga-Bicol. Hindi ko akalaing may dugong Bicolano rin pala ang tatay ko dahil ang kanyang mga magulang ay galing sa isla ng Catanduanes kahit na siya ay dito na isinilang at lumaki. Ang nakakatawa, hindi marunong makaintindi ng wikang Bicol ang tatay ko. Isa lang itong halimbawa ng paglimot sa nakaraan at pinagmulan. Ayokong matulad sa kanya kaya tuwing bakasyon, kung maaari, ay umuuwi ako sa probinsiya ng nanay ko sa Camarines Sur at sana sa darating na mga buwan ay sa Catanduanes naman ako makarating upang mas lalo ko pang makilala ang aking lahing pinagmulan.
Salamat sa dulang St. Louis Loves Dem Filipinos! Isa ito sa mga dulang dapat nating ipagmalaki dahil tuturuan ka nitong ma-appreciate ang sariling atin, ang sarili nating kulturang Pilipino.
I am a Filipino and proud to be one!

Subscribe to:
Posts (Atom)