Showing posts with label movies. Show all posts
Showing posts with label movies. Show all posts

The Twilight Saga: New Moon



Kanina lang ay pinanood namin ng bespren ko ang pangalawang movie adaptation ng Twilight series na "New Moon". As usual, jam-packed ang mga tao sa tatlong sinehan sa Mall of Asia dahil sa mga fans ng naturang series.

About the film? Matutuwa ang mga avid fans ng Twilight dahil sa six-packed abs ni Taylor Lautner na walang alinlangang naghubad kahit siya ay 16 years old pa lang. Nabawasan naman ang appeal sa akin ni Edward Pattinson at para siyang zombie sa kanyang make-up. Walang kabuhay-buhay ang acting ni Kristen Stewart as Bella at hindi man lang nagbabago ang kanyang facial expression batay sa kanyang mga emosyon.



Overall ay maganda ang naturang pelikula, mas maayos kaysa sa naunang Twilight at excited na akong mapanood ang kasunod nitong Eclipse.

Joke of the Day: English Movies You Should Never Translate in Filipino

1. black hawk down - ibong maitim sa ibaba
2. dead man's chest - dodo ng patay
3. i know what you did last summer - uyy... aminin!
4. love, actually - sa totoo lang, pag-ibig
5. million dollar baby - 50 million pisong sanggol (it depends on the exchange rate of the country) 6. the blair witch project - ang proyekto ng bruhang si blair
7. mary poppins - si mariang may putok
8. snakes on a plane - nag-ahasan sa ere
9. the postman always rings twice - ang kartero kapag dumutdot laging dalawang beses
10. sum of all fears - takot mo, takot ko, takot nating lahat
11. swordfish - talakitok
12. pretty woman - ganda ng lola mo
13. robin hood, men in tights - si robin hood at ang mga felix bakat
14. four weddings and a funeral - kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin
15. the good, the bad and the ugly - ako, ikaw, kayong lahat
16. harry potter and the sorcerer's stone - adik si harry, tumira ng shabu
17. click - isang pindot ka lang
18. brokeback mountain - may nawasak sa likod ng bundok ng tralala /bumigay sa bundok
19. the day of the dead - ayaw tumayo (ng mga patay)
20. waterworld - basang-basa
21. there's something about mary - may kwan sa ano ni maria
22. employee of the month - ang sipsip
23. resident evil - ang biyenan -- hahaha!!!
24. kill bill - kilitiin sa bilbil
25. the grudge - lintik lang ang walang ganti
26. nightmare before christmas - binangungot sa noche buena
27. never been kissed - pangit kasi
28. gone in 60 seconds - 1 round, tulog
29. the fast and the furious - ang bitin, galit
30. too fast, too furious - kapag sobrang bitin, sobrang galit
31. dude, where's my car - dong, anong level ulit tayo nag-park?
32. beauty and the beast - ang asawa ko at ang nanay nya
33. the lord of the rings - ang alahero

Hugh Jackman, Sexier in "Wolverine"


Matagal ko nang inaabangan ang pagbabalik sa silverscren ng X-Men movies lalo na ang bagong film feature kay Wolverine, isa sa mga main character ng X-Men series. Nagbukas ito sa mga sinehan sa Pilipinas noong Abril 30 pero may trabaho ako kaya Linggo (May 3) ko na ito napanood. Tamang-tama nga pag-release ng X-Men Origins: Wolverine dahil malapit na rin ang aking kaarawan. Pinanood ko ang pelikula bilang birthday gift ko sa aking sarili.

Binalikan ng pelikula ang pinagmulan ni Logan aka Wolverine (Hugh Jackman) mula nu’ng pagkabata niya bilang si James Howlett hanggang sa sumabak siya sa digmaan at maging miyembro ng covert military group na Team X kasama ng iba pang mutants.

Ipinakita rin kung paano siya nagkaroon ng adamantium claws at ang kanyang romansa sa school teacher na si Kayla Silverfox (Lynn Collins).

Nagmumura ang ka­seksihan ni Hugh Jackman sa Wolverine, na siya ang pinakabida dahil wala pa ang iba niyang mga kakosa sa mga naunang X-Men movies.

May mga eksenang hubo’t hubad siya (tulad ng umahon siya mula sa pinaglubluban sa kanya nang operahan siya’t salinan ng adamantium) pero ang galing ng kamera at hindi bumuyang­yang ang kanyang harapan.


Pati ‘yung pagtalon niya nang nude sa napaka­taas na falls ay alaga rin ang kanyang shot.
Tila mas lumakas pa ang appeal ngayon ng Aussie actor na si Jackman pagkatapos ng kanyang bonggang hosting job sa Oscars na ipinamalas niya ang kanyang galing sa pagsayaw at pag-awit.
Balik siya sa pagi­ging action superhero sa Wolverine na tadtad ng maaaksyong eksena, gaya ng buong ning­ning na tumalon si Logan sa ere sabay ‘kalmot’ ng kanyang powerful claws sa elisi ng lumilipad na chopper.

Katropa niya sa Team X ang warfreak niyang kapatid na si Victor Creed aka Sabretooth (Liev Schreiber), ang expert tracker at lethal marksman na si Agent Zero (Daniel Henney), ang dambuhalang super-lakas na si Fred J. Dukes aka The Blob (Kevin Durand), ang teleporter na si John Wraith (will.i.am ng Black Eyed Peas), ang mahusay mag-manipulate ng kuryente na si Bradley (Dominic Monaghan), at ang paborito naming si Wade Wilson aka Deadpool (Ryan Reynolds).

Aliw kami sa kadaldalan ni Ryan Reynolds at hanep ang eksenang kaswal niyang sinasalag ang mga bala gamit ang kanyang espada (bilang isang hi-tech mercenary na bihasa sa swordplay).
Nang i-‘recycle’ siya at maging si Deadpool sa bandang ending ay astig ang bakbakan nila ng mag-utol na Wolverine at Sabretooth.

Taglay ng hitad na Deadpool ang sari-saring powers kaya kandahirap ang dalawa sa pakikipagbuno sa kanya.

Markado ang debut appearance dito ni Remy LeBeau aka Gambit (Taylor Kitsch), na isa sa may pinakamaraming fans sa X-Men universe.

Makikita rin ang isang teenage Scott Summers (Tim Pocock) na kapagkuwan ay magiging si Cyclops at isa pang bagets mutant na si Emma Frost (Tahyna Tozzi).


Right choice bilang direktor si Gavin Hood (nagdirehe ng 2005 Oscar-winning Best Foreig­n Languange Film na Tsotsi) dahil nabigyan niya ng bagong atake at bagong ideya ang Wolverine.