Tips Sa Pagkakaroon ng Mataas na Grado
- Huwag kalimutang magpakilala sa unang araw ng klase. Ipaalam kaagad sa guro ang pangalan at iparamdam sa kanya na interesado ka sa kanyang klase. Magpa-impress agad para matandaan ka niya.
- Huwag umupo sa hulihan ng klasrum. Piliin ang upuan sa harap ng guro para lagi ka niyang nakikita.
- Huwag maghikab sa klase, huwag ipakita na inaantok ka sa mga lektura ng guro.
- Huwag umismid o sumimangot kapag nag-joke nang corny ang guro. Tumawa kahit hindi nakatatawa ang kanyang mga hirit.
- Huwag maging tahimik sa klase. Sikaping lagging makihalubilo sa mga diskusyon at laging magpahayag ng opinyon. Wala naming maling opinyon.
- Huwag itapon ang mga ibinalik sa eksamen. Basahin ulit ang mga ito lalo na ang mga komento kung paano dapat sagutin ang mga tanong.
No comments:
Post a Comment